Kabanata 2: Engkanto at Multo

10 0 0
                                    


"Isang demonyo ang dahilan ng lahat ng ito!" Nabalot ng iyakan at sigawan ang buong kalsada kung saan nangyari ang bangaan ng mga sasakyan. Habang naghihinagpis ang iba at nag-aalala ang iilan pa ay biglaang bumulalas ang isang baliw at ngumisi ng nakakakainis.

"Ano ang pinagsasabi mo?" untag ni Arth na nababalot ng kuryusidad. Bagamat, siya lang ang may matapang na nagtanong sa isang baliw ay may mga iilang tao na nakaabang sa isasagot.

"Hijo!" Humarap sa kanya ang baliw at humalakhak. "Isang tumatakbong binibini ang dahilan ng aksidente," pambibitin ng baliw. "Isang binibini na may paa ng kabayo."

"Tikbalang?"

"Hindi lang basta tikbalang!" Nagtaas siya ng kilay sa kaharap. "Noong nabangga ang tikbalang na iyon ay bigla siyang tumilapon sa isa pang sasakyan. Ngunit, biglaang nagkahiwalay ang katawan niya. Natira ang pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan at lumipad naman ang pang-itaas!"

"Manananggal?"

"Oo. Mag-iingat ka, Hijo!" pagbabanta ng baliw habang humahalakhak. "Hindi lang siya manananggal dahil noong lalapitan ko na sana ang pang-ibabang katawan ay biglaan na lang bumalik ang katawan niya at nahihirapang umahon diyaan!" Tinuro niya ang malapit na pangpang na dagat. "Ilang sandali pa ay biglaang naging kulay itim ang paa niya. Sa isang iglap nagpalit anyo siya bilang isang sirena!"

"Babe! Lumayo ka sa baliw na iyan!" Dangkal na lamang ang layo niya sa baliw kaya naman natarantang lumapit sa kanya ang kanyang kasintahan at hinila siya. "Huwag mong sabihing naniniwala ka sa baliw na iyan?" naiinis sa litanya ng kanyang kasintahan ng masilayang hindi siya niya kayang hilahin.

"Totoo ang sinasabi niya!" saad niya at humarap sa kaibigan na kanina pa nasa kanyang likuran. "Cyan, iyong kwento. Hindi ba ganoon ang paglalarawan sa kwento?" Tumango si Cyan kaya naman bumalik siya sa pagtingin sa may katandaan ng baliw. "Nasaan na siya?" Subalit, wala na ang kanina lamang kaharap niya.

"Umalis na!" bigkas ng kanyang kasintahan. "Binigyan ko ng isang daan para makaalis na! Ayon, nakangising umalis!" Naglabas ng panyo ang kanyang kasintahan at ipinahid sa kanyang mukha. "Kita muna! Naliligo ka nang pawis! Huwag ka ngang magpapaniwala sa baliw na iyon. Pera lang ang habol, noon. Baka nga, nagpapanggap lang iyon para makabudol e!"

"Pero, akma sa kwentong nabasa namin ang kanyang pagkakalarawan."

"Pare, baka naman siya ang nagsulat o hindi kaya nabasa niya ang kwento!" Sabat ni Cyan na nagugulumihan na rin.

"Kailangan natin siyang makausap ulit! Maganda siyang maging content sa ating gagawing blog! Kung totoong siya ang manunulat o nakabasa o naka-witness sa nangyari. O kung ano man siya ay malaki ang iaambag niya sa ating blog."

"Hindi! Huwag ninyo iyang gagawin. Maraming nagbabalatkayo ngayon at maaaring ikapahamak ninyo ang paghahanap ninyo sa lalaking iyon," wika ni Janna, ang kanyang kasintahan. "Ang mabuti pa ay mag-video na tayo tungkol sa pangyayaring ito. Kailangan mauna tayong makapaglabas ng blog para mas una tayong makahakot ng viewers."

"Oo na. Ito na nga e. Atleast, may clue na tayo sa kung ano ang nangyari!" saad ni Cyan na inaayos na ang hawak na camera.

"Set na tayo!"

Habang gumagawa ng video ang tatlo ay nakatingin lamang sa malayuan ang matandang baliw na kanina lang nila kausap. Nakangiwi siya habang papaalis sa lugar. Bago pa man siya makalakad ay nagkabunguan sila ni Lovely.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Ipinatayo ni Lancelor ang kanyang kapatid at tiningnan ng masama ang matanda.

"Patawad!" Aalis na sana sila at sasakay na sa sasakyan dahil ang hinahanap nila ay nailarga na ng ambulansya. Kaso, muling nagsalita ng babala ang matanda kaya biglaang nanindig ang kanilang balahibo, "Nagbabalik na siya! May mga hindi siya nagawa na gusto pa niyang gawin! Magbabalik na siya!"

Mysterious Midnight Writer [Paper Ink Imprints Midnight Scream]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon