Kabanata 1: Unang Biktima

5 1 0
                                    


Hinihingal na naimulat ni Lancelor ang kanyang mga mata buhat sa isang nakakagimbal na panaginip. Agaran siyang napatingin sa kanyang relo at labis siyang nahintakutan sa oras na tumatak.

"Alas dose na naman. Ano na naman kayang pangitain ito?" napapatanong siya sa kanyang sarili habang pinapahiran ang pawis sa kanyang mukha. "Wala naman sigurong masamang..."

"Kuya! Bakit ka sumisigaw?" Hindi siya makasagot sa kapatid niya dahil hinahabol pa niya ang kanyang paghinga. "Siguro, binabangungot ka na naman." Tumango siya sa bunso niyang kapatid na si Lovely. "Kung nandito lang si Kuya Loverboy sa tabi mo, baka hindi ka na babangungutin pa."

"Tama na!" Hindi niya maiwasang magalit.

"Kuya, hindi mo naman kasalanan ang nangyari kay Kuya Loverboy e."

"Hindi. Kung noong may pangitain ako tungkol sa kanya e, agaran ko siyang pinuntahan ay baka nailigtas ko pa siya." Humikbi siya at huminga ng malalim.

"Ano na naman ba ang pangitain mo?" untag ni Lovely.

"May apat na magbubunguang sasakyan. Hindi ko alam kung saang lugar iyon at kung sinu-sino ang mga taong mabibiktima pero..." tumigil muna siya ng bahagya habang tumitingin sa kapatid. "ang daming mamamatay sa pagsabog."

"Kuya! Baka naman napanaginipan mo lang iyan dahil sa pinanuod nating pelikula, kanina. Wala iyang ibang simbolismo," pagpapakalma sa kanya ng kanyang kapatid. "Ang mabuti pa ay pumunta muna tayo sa baba at magkape. Saktong-sakto kailangan ko pa lang gumawa ng report para sa klase namin. Hindi na ako aantukin nito dahil sa ingay mo."

"Bakit? Sinasabi ko bang..."

"Wala, Kuya. Ang sabi ko nga e, ipagtitimpla kita ng pinakamasarap kong gawang kape." Mahilig talaga ang kapatid niya na hindi siya pinapatapos sa pagsasalita lalo na kung pakiramdam niya ay papagalitan o kaya ay pagsasabihan na naman siya nito.

"Ang sarap talaga ng kape mo!" nakangising wika niya.

"Bolero ka, Kuya." Abala na ang kanyang kapatid sa kakapindot sa laptop nito.

"Ano ba ang ginagawa mong report at baka matulungan kita?" untag niya.

"Ah! Ito ba?" Inilapit sa kanya ng kanyang kapatid ang laptop. "Philippine Mythology. Tungkol sa mga mitolohiya ng ating bansa. Multo, engkanto, maligno, tikbalang..."

"Wala akong alam sa mga iyan e."

"Hindi ka naman kasing talino si Kuya Loverboy e. Magkakambal lang kayo pero..."

"Sige! Ituloy ang sasabihin mo at baka basagin ko iyang pagmumukha mo para maging isa ka ng maligno!" Pagbabanta niya.

"Totoo naman kasi. Siguro, kung siya ang nandito, baka siya na ang gagawa sa report ko na ito at mahimbing akong natutulog, ngayon."

"Oo na!" Patapon niyang inilagay ang baso ng kape sa mesa. "Kaso, wala na nga siya hindi ba? Ako iyong nandito. Kaya wala ka ng magagawa!"

"Kuya!" nasorpresang saad ng kapatid habang nakaharap sa kanyang laptop.

"Ano?" Hindi siya sinasagot ng kapatid. Makikita ang takot sa mukha nito kaya naman siya na mismo ang lumapit sa laptop. "Ano nga iyan?"

Breaking News: Apat na sasakyan ang nagbunguan. Nagbunga ito ng isang malaking pagsabog. Sa ngayon ay kinikilala pa lamang ang mga taong sakay ng apat na sasakyan. May mga 25 ka taong dinadala na sa ospital habang may sampung binawian na ng buhay. May hindi pa mabilang na taong nakaipit sa sasakyan kaya hindi pa tukoy kung ilan nga ba ang biktima ng aksidente. Tinatantyang kaninang 12:35 nangyari ang aksidente. Inaantabayanan ang lahat na kung sino man ang mga may kamag-anak na hindi pa nakakauwi sa kanilang tahanan na dumadaan sa Arlan Highway ay mag-report upang tuluyang matukoy ang iba pang taong biktima ng aksidente.

"Kuya! Hindi ba..."

"Hindi! Hindi si Cassandra iyon kasi kakatawag niya lang, kanina. Ang sabi niya sa akin ay nasa bahay na siya at matutulog na. Nag-good night pa nga siya sa akin e." Hindi na niya pinatuloy ang kapatid sa pagsasalita. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa. Kampante siyang hindi iyon ang kanyang girlfriend.

"Pero..." Hindi mapalagay na tumakbo siya sa kanyang kwarto upang kunin ang kanyang cellphone. Hinahayaan niya lamang ang kapatid niya na nag-aalala na rin kakasunod sa kanya. "Kuya?" Pinapakalma siya ng kanyang kapatid ngunit hindi ito tumitigil kakakulikot ng cellphone niya.

"Answer this goodamn phone! Shit!" Napapamura na siya sa pagkainis. Hindi man lang sumasagot ang nasa kabilang linya. Palagi lang tumutunog. Bumabalot na ang pagkabalisa sa kanyang mukha. Namumuo na rin ang pawis sa kanyang buong katawan dahil sa sobrang kabang nararanasan ng kanyang dibdib.

"Shit!" sumigaw siya ng malakas at naitapon ang hawak na cellphone. Nakasandig siya sa pader habang unti-unti ng lumuluha ang kanyang mga mata. Gusto niyang papaniwalain ang sarili na hindi iyon ang kasintahan niya ngunit kitang kita ng dalawa niyang mga mata ang suot nitong kwentas. Ang kaniyang ibinigay noong unang anibersaryo nilang magkasintahan.

"Kuya!" Walang tigil ang kanyang kapatid kakatawag sa kanyang pangalan. May dala itong tubig pampakalma sa kapatid.

"Leave me alone!" Natahimik ang kanyang kapatid at napalayo sa kuya nang siniko nito ang hawak na basong tubig na tumilapon din sa sahig.

"Kuya! Puntahan na natin si Cass sa ospital." Pangungumbinsi ng kapatid.

"May hindi na naman ako nailigtas!" Napakamot siya sa kanyang ulo habang umiiyak.

"Kuya, hindi mo kasalanan." Awang-awa na ang kapatid niya matapos masilayang may namumuong dugo sa kamay ng kanyang kuya buhat sa pagkabasag ng basong tumilapon. "Walang kang kasalanan."

"Hindi!" Pinahiran niya ang kanyang luha. "Lumayo ka sa akin. Isa akong sumpa. Lahat ng napapalapit sa akin, namamatay. Ayaw kong madamay ka pa."

"Kuya." Lumalapit sa kanya ang kapatid upang damayan siya sa iniindang sakit. "Hindi totoo iyan."

"Noong una..." Huminga siya ng malalim. "Iyong kambal kong si Loverboy, hindi ko nailigtas."

"Hindi totoo iyan. Kaya pumanaw si Kuya dahil sa pumatay sa kanya at hindi ikaw iyon."

"Pero, nalaman kong paparating iyon, pero wala akong ginawa. Wala akong ginawa kasi kaarawan iyon ni Cassandra. Akala ko kasi wala lang ang panaginip ko e. Kaso..." Hindi rin maiwasan ng kapatid niya na maawa at maiyak.

"Kuya! Puntahan na natin siya!"

"Natatakot ako." Nanginginig siyang pinupunasan ang hindi tumitigil na mga luha. "Natatakot ako na pagdating natin doon ay wala na siyang buhay. Kung sana lang alam kong kasama siya sa aksidenteng pangitain ko ay agaran ko siyang pinuntahan. Kaso, hindi. Wala na naman akong nagawa."

"Kuya, may magagawa ka pa. Puntahan natin siya, ngayon din."

Sa huli ay nakumbinsi rin siya ng kanyang kapatid. Habang sumasakay sila sa jeep ay may nakasabayan silang abala kaka-scroll sa cellphone. Napadungaw si Lovely sa pinagkakaabalahan ng ale. Bukod sa pinagkakaabalahan ay naisip din niyang tingnan kung anong oras na.

12:55 na pala. Matapos niyang malaman ang oras ay naagaw ang pansin niya sa binabasa ng katabi. Isang sites kung saan may nakakatakot na kwento. Hawak ang cellphone habang seryosong nagkukulikot.

"Arth! Mukhang totoo ang multong naninirahan sa Arlan Highway!"

"Oo nga. Mukhang napasahan ka rin pala. Kailangan natin itong i-share."

"Kaso, kailangan muna nating magbayad bago ma-share."

"Ayos lang iyan. Kung wort h it naman, go!"

"Sa bagay, bumibili nga ako ng mga libro para makabasa ng mga nakakatakot na story e. Ito pa kaya na mabilisan lang, online?"

"Wow! Ikaw na ang may pera."

"Mas maganda sigurong puntahan na lang din natin ang lugar."

"Oo nga no. Madadaanan naman natin iyon."

Napapaisip agad si Lovely. Balak niya ring maging isang manunulat kasi nasa lahi nila iyon. Naniniwala siyang susunod siya sa yapak ng kanyang mga kanunununuan.

"Ano iyong tungkol sa Arlan Street Highway?" Nanlaki ang pandinig ng kanyang kapatid buhat sa pinag-uusapan ng katabi ng kapatid niya.

"Wala iyon, Kuya. Baka may kakilala rin sila roon sa disgrasya."

ABANGAN.

Mysterious Midnight Writer [Paper Ink Imprints Midnight Scream]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon