Mga Pangakong Nakalimutan

7 2 0
                                    

Note: This poem is in Tagalog. Feel free to translate.

-

Irog, dito ka na lang palagi sa aking tabi.
Mula sa unang pagsikat ng araw hanggang sa dulo ng kadiliman ng gabi,
Sa init ng panahon at sa ulang kay lamig,
Inaabangan ko palagi ang iyong kaakit-akit na mga himig.

Sa bawat indak ng ating mga paa,
At sa bawat segundo ng aking paghinga,
Ikaw lamang ang nasa isip ko palagi, aking Sinta.

Lulunurin man ng alon ang lahat ng mga pulo,
Mababaon man tayo sa hirap at gulo,
Kahit matapos man ang buong mundo,
Sa walang pag aalinlangan ikaw na ikaw pa rin ang pipiliin ko.

Mula noong nagtagpo ang ating mga mata
Nakita ko sa iyo ang lahat ng mga tala.
Para bang isang biyaya na mula sa langit ay bumaba
Ang isang anghel at ikaw ay walang pinagkaiba.

Hanggang sa dulo ng hangganan,
Sa buhay at sa kamatayan,
Bukas, ngayon at ang nakaraan,
Babalik at babalik ako sa ating pinagmulan.

-Those Forgotten Promises, Devon Heisenberg.



Subject 189 || A CollectionWhere stories live. Discover now