Timothy's Pov
Ako si Timothy Jackson. 16 years of age. A highschool student who's studying in MSHS. Nakilala ako dahil gumagawa ako ng covers sa YouTube with a help from my two friends, Kayla and Kyle. I can't define myself but I can say that I'm one of the people that they like. I'm now in my room and uupo na ako katabi ng friends ko. Biglang lumapit sa akin si Jay-Ar, one of the brains of our group.
"Timmy! Nagawa mo na yung assignment?" tanong ni Jay-Ar
"*insert shock face* ano'ng assignment!?" gulat na tanong ko
Assignment....assignment! Baka wala naman talaga'ng assignment. Baka pinagloloko lang ako ni Jay-Ar.
"Yung sa....." hindi na natuloy ni Jay-Ar yung sasabihin niya kasi dumating na yung teacher.
"Okay class, pass all your assignments." sabi ni Ma'am Romelo
Patay! May assignment nga! Isa pa namang terror si Ma'am Romelo. Pinasa naman ng mga ka-klase ko yung mga assignment nila. Bakit wala ba akong assignment? Ano bang ginawa ko kahapon? Hmm.....nga pala nag-gawa lang kami ng covers mag-hapon! Patay! Habang tinitignan ni Ma'am yung mga assignments na pinasa nila, napahinto siya.
"Mr. Jackson, where is your assignment?" tanong ni Ma'am
Napatayo naman ako para mag-explain. Pero napatikom yung bibig ko kasi nakakatakot si Ma'am. Pumunta siya sa kinaro-roonan ko.
"Where is it? Hand it over." sabi ni Ma'am
"Ah..ahm...Ma'am..I ac-actually did....not do it." sabi ko
Tinignan naman ako ni Ma'am.
"You know what Mr. Jackson, you are good at this subject. But basically you're not passing any assignments which may pull your grades down." sabi ni Ma'am
"I'm sorry Ma'am....this scene won't happen again...i'll do my assignments from now on, sorry again" sabi ko
At umupo na. Nag-discuss na rin si Ma'am at parang kinalimutan na ng mga classmates ko ang nangyare.
~*~
Pumunta na ako sa bahay at tinawagan ko ang mag-kapatid. Maya-maya may pumasok sa kwarto ko.
"Cover again? What song? Mellow music? Ahm...Rock? What?" bungad sa akin ni Kayla
Kayla, Kyle's twin sister. Actually mga kapit-bahay ko sila.
"Tss! Ang ganda ng bungad mo, Kayla. Nga pala Kyle, i-edit na natin yung cover." sabi ko
Tumango naman si Kyle.
"Tapos na, actually na-post ko na nga eh." sabi ni Kyle
"Oh? Tignan nga natin kung ilang views na." sabi ni Kayla
Kinuha naman ni Kyle yung laptop niya at pumunta sa website ng YouTube. Sinearch niya 'Secrets by One Republic (Covered by Timothy)' pagkatapos niya i-search lumabas agad yungmga naging covers ko dati. Cli-nick niya yung pinost niya kahapon. Tinignan namin yung views, naka-1k agad in two days.
"Woaw, ikaw na talaga Timmy!" sabi ni Kayla
"Haha, bakit ayaw niyo kasi sumali?" tanong ko
Nagkibit balikat ang dalawa. Halatang kambal eh!
"Magco-cover ka ba ulit?" tanong ni Kyle
"Hindi muna sa ngayon, magpapa-tulong muna ako gumawa ng kanta." sabi ko
Humiga naman si Kayla sa higaan ko.
"Waaa! Para kanino ha?" tanong ni Kayla
"Tss! Kanino agad? Pwede'ng para sa akin muna?" sagot ko
"Hindi nga? Para kanino ba talaga?" tanong ni Kyle
"Sa akin na lang muna 'yun, basta. Bukas ko na lang sasabihin." sabi ko
~*~
Kinabukasan after class.
Sinamahan ako nila Jay-Ar at Franz kay Ashley Jones, siya ang anak ng founder ng school namin. Mukhang pauwi na siya kay hinabol ko siya. Tumigil ako sa harap niya. Kaya mo yan Timothy! Kumanta na ako at nakatingin lang siya sa akin. Nang nasa gitna na ang kanta, pinatigil niya na ako. Nilait niya ang kanta ko at ako sa harap ng maraming tao.
"Stop it! Ang pangit ng kanta mo isama mo na rin ang ginagawa mo!" sabi niya sabay alis
Hindi ko inaakala na ganun pala ang ugali niya. Umuwi na rin ako kasama sila Franz at Jay-Ar. Kinausap nila ako sa daan.
"Uy, Timmy okay ka lang?" tanong ni Franz
Napa-buntong hininga na lang ako. Sinubukan nila ako pasayahin. Hanggang sa nakarating na kami ng bahay. Hindi ko na kinaya ang tinatago kong sakit ssa nararamdaman ko dahil sa rejection niya sa akin.
"Simula ngayun ayaw ko na ang mga kanta. Ang sakit pala." sabi ko
Pagkatapos nun umalis na sila Jay-Ar at Franz. Tinawagan ko ring ang kambal para sabihin na ayoko na gumawa ng covers simula ngayun.

BINABASA MO ANG
Music Sounds Better With You
RomansaA story about two people who met because of music.