Chapter 4

1 0 0
                                    

Napatili ako at mabilis na napakapit nang mahigpit sa railings ng hagdan nang muntik na akong matalisod. Kung hindi pa siguro ako nakakapit agad, baka sumubsob na ang pagmumukha ko sa sahig at nakahalik na 'ko roon ngayon. Mabilis kong ibinuhol ang sintas ng sapatos kong natanggal na siyang dahilan kung bakit ako natalisod at muling nagmamadaling bumaba ng hagdan.

"Hope! Kumain ka muna, nagluto ako," nakangiting sambit ni Ate Faith pero umiling lang ako.

"Sa school na 'ko kakain, Ate." Kumuha ako ng tinapay at naglagay ng palaman hanggang sa mapuno ang magkabilang kamay ko. "Mali-late na 'ko, eh."

Bago pa siya makapag-react ay nakahalik na ako sa pisngi niya at kumaripas ng takbo paalis. Nakasalubong ko pa nga si Cairon na muntik nang mabitawan ang baseball bat na hawak nang parang hangin ko siyang daanan. I heard him muttered a curse in shock but I didn't mind it and didn't even looked back.

Mali-late naman na kasi talaga ako! Paano ba naman, itong si Felix ay late na rin sumagot sa tanong ko kung anong oras ba ang laban ni Kyne. Ayan, napasarap ang tulog ko nang dahil siguro sa pagod kagabi at late na rin akong nagising. Alas otso na kaya! Nangako pa naman akong magvi-video.

Kung nalaman ko lang agad na alas otso pala laban ni Kyne edi sana alas siete pa lang nakabihis na ako!

Kailangan ko pa namang mag-commute ngayon dahil mas priority ng family driver namin sina Cairon na mas malayo ang school na pinapasukan.

Isinalpak ko ang tinapay sa bibig ko at ginamit ang paa para mabuksan at maisara ang gate namin. Sumisigaw na ako sa loob ng utak ko habang tumatakbo pero impit ding napatili nang bumangga ako sa kung sino. Mabuti na lang ay agad ako nitong naalalayan, kundi ay baka maging totoo nang mahalikan ko ang sahig. Ang malala niyan, baka bumagsak pa iyong bike kasama ko. Mukha pa namang mamahalin.

"Careful!" Kyne hissed as he helped me balance myself.

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nang hindi pa rin makapaniwalang nasa harapan ko siya ay tinusok ko ang braso niya pagkatapos ilipat sa isang kamay ang mga tinapay na hawak, kasama ang kanina'y nakaipit sa mga labi ko. Hindi pa nga 'ko nakuntento at pinisil pa 'yon.

"What the..." I gasped in disbelief. "Anong ginagawa mo rito?"

Kyne looked confused as he answered with a creased forehead, "papasok pa lang ako at kalalabas ko lang ng bahay namin, obviously."

Naguguluhan pa ring sumagot ako, "pero... laban mo ngayon, 'di ba?"

"Yes. But it will be later before lunch."

Napaatras ako ng dalawang hakbang at mahinang natawa. I suddenly feel the urge to smack Felix's head for lying at me. Sinabi niyang alas otso ang laban pero walang hiya talaga siya at mamaya pa pala!

Humanda talaga sa akin ang tarantadong 'yon kapag nakita ko siya.

"Ganoon ba?" Pilit akong ngumiti upang pagtakpan ang kahihiyan at muling umatras. "S-Sige, ingat ka."

Kyne looked at me from head to toe and raised his eyebrow. "Bakit ka umaatras? Hindi ba't papasok ka na?"

"Ha?" parang tanga kong tanong at alanganing tumawa. "Mamaya pa naman..."

Tumango lang si Kyne sa sinabi ko at wala nang ibang sinabi. Sumakay siya sa bike niya pagkatapos mag-helmet kaya mabilis akong tumabi para makaraan siya. Akala ko nga aalis na agad siya pero mula rito sa labas ay sumigaw siya para sa tao sa bahay nila.

"Dad, Pa, I'm going!"

Bumukas agad ang gate nila at iniluwa si Uncle Klein na naka-apron na naman. May hawak siyang sandok at may mantsa pa ng sauce ang pisngi. Lumapit siya sa anak and affectionately ruffled Kyne's hair. I stepped back and planned to walked away from the private and intimate scene when Uncle Klein noticed me. That's when I knew I'm already late to turn my back.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just Another StrangerWhere stories live. Discover now