CHANCES

7 0 0
                                    

Day 9 





Dalawang araw, ang saya-saya ko. Mas lalong ipinaramdam sakin ni Lawrence kung gano nya ako kamahal sa pamamagitan ng pag-aalaga sakin. Ngayon araw nagpitong buwan na ang kambal ko sa tiyan, nararamdaman ko ang pagsipa nila at tuwang-tuwa ang daddy nila.

Nag-aayos ng mga gamit namin si Lawrence sa kwarto eto kasi ang huling araw namin kaya inaayos na nya para mamaya aalis nalang kami. Ako naman iinom sana ng gatas ng maramdaman ko ang pag kirot ng ulo ko nabagsak ko ang bote at napahawak sa ulo ko. Napasigaw ako ng malakas!

"Lawrence! ARGHHHH!!! ANG SAKIT NG ULO KO!!" pumasok si Lawrence sa kusina at nilapitan ako, halata ang pag-alala sa muka nya. "sweety, shit!" binuhat nya ako at isinakay sa car nya. Tinitiis ko ang sakit at napapakagat nalang sa aking ibang labi. "sweety, ang sakit! Ang sakit!"

"shit! Just wait, konti nalang makakarating na tayo sa hospital" sobrang tense nya. Ramdam ko yun. At in just click nawalan na ako ng malay.

Napamulat ako ng mata dahil sa ingay na naririnig ko sa dalawang taong nag-uusap. "I'm so sorry sir, but she have to undergo to an operation as soon as possible. Everything's not functioning well sir, and it might affect the baby" nakita kong napayuko si Lawrence at mukang naiiyak na.

"sweety." Tawag ko sa kanya "kalian pa'to Jin?" malamig na tugon nya sakin, pero may halong pag-aalala iyon. "sorry, matagal n..na." nangingilid ang luha ko kaya napayuko ako, ang hirap pigilan.

"bakit di mo sinabi agad sakin? Bakit ka naglihim"

"gusto ko. Gustung-gusto ko sabihin sa'yo pero ang hirap. Ayokong mapalitan ng lungkot yang mata mo dahil lang sa sakit ko"

"sa tingin mo ba magiging masaya ako kung mawawala ka? Ha? Hindi ko kakayanin" lumapit sya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"mahal na mahal kita kaya lahat gagawin ko para maging okay ka. At ang mga anak ko." Umiiyak na sabi nya habang hawak-hawak ang kamay ko.

"anong sabi ng doctor?" tanong ko

"Hindi ka pwedeng operahan hanggat nandyan ang baby sa tiyan mo kaya, kailangan iCS ka" tumango ako. Ayokong mapahamak ang mga anak ko.

"pagkatapos nun, tsaka kalang pwedeng operahan, pero.." hinintay ko ang susunod na sasabihin nya pero nagsalita ang doctor.

"sir, I need your answer now" napatingin kami parehas sa kanya. Napakunot ako ng noo, answer? Muling tumingin sakin si law at parang sinasabi na everything's gonna be fine.

"yes." Hinidi ko man alam ang nangyayari, malaki naman ang tiwala ko sa asawa ko kaya nakampante ako. Hinalikan nya ako sa noo. Dinala ako sa operation room, kukunin na nila ang baby ko sa tiyan at ilang lingo lang sasabak ulit ako sa isa pang operasyon na buhay ko naman ang isusugal ko.

"sweety, natawagan ko na sila mama'papa, pati nadin sila daddy. Pupunta naman daw sila dito. Pinaayos ko nadinsa kapatid ko nag papers natin, kailangan kasi dito sa hospital. Baka matagalan pa tayo dito sa Turkey" sabi nya sakin. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

"may masakit ba sayo?" tanong nya sakin at hinawakan ang kamay ko. "wala naman. Kinakabahan lang ako kasi aalisin nila ang baby ko dito sa tiyan ko, baka may masamang mangyari sa kanila" umiling sya. "everything's gonna be okay, tiwala lang mahal ko" ngumiti sya sakin. Ang ngiti na magpapagaan ng pakiramdam ko. Hindi ako magsisisi na sya ang minahal ko. Lumabas na si Lawrence ng kwarto at sinimulan ang operasyon ko, kinuha na ang babies sa tiyan ko at dinala sa incubator, lalaki at babae ang dalawa na ikinatuwa ni Lawrence ng malaman, kahit pitong buwan lang ay makikita mong malusog sila.. kailangan nga lang alagaan mabuti para unti-unting madevelop pa sila. Nasa kwarto ko na ulit ako ng magising, hawak-hawak ni lawrenvce ang kamay ko habang kausap nya ang dalawang matandang lalaki.

"nandito nap ala kayo daddy, papa" sabay silang napalingon sa akin. "iha!" "anak!" lumapit sila sakin upang tanungin kung ano ang nararamdaman ko, kung may masakit daw ba, oh kung anu-ano pa. Lumapit sakin si papa at tinanong kung bakit hindi ko sinabi agad ang tungkol sa sakit ko. Halata ko ang pagkalungkot sa kangyang muka. "kasi po.. ayokong maging pabigat sa inyo papa" naiyak ako ng sabihin ko yun. Alam ko naman kasi na hindi kami mayaman at nung nalaman ko na mahigit isang milyon ang presyo ng pagpapaopera ay pinag-isipan ko talaga ang lahat at yun ng anakapagdesisyon na ako pero naunahan ako ni law.

Umuwi muna sila papa at daddy sa rest house na tinutuluyan namin, nanduon din sila mama at mommy na bukas daw dadalaw sakin. Wala si Lawrence dito sa kwarto. 'siguro may binili lang' sa isip ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang asawa ko na nakangiti.

"bakit ka ngiting-ngiti?" tanong ko. "galing kasi ako sa kamabal at sobrang sarap ng tulog nila, sweety. Hindi ako makapaghintay na buhatin sila" sabi nya at umupo sa couch sa tabi ko. "mabuti ka pa nakikita mo sila" malungkot na tugon ko

"magpagaling ka, para makita, maalagaan mo sila, hanggang sa lumaki sila." Naiyak ako sa sinabi nya. "pano kung di ko kayanin ang operasyon?"

"mahal ko, alam kong kakayanin mo yan.. matapang ka, malakas, at alang-alang sa mga anak natin at sakin, please kayanin mo." Umiiyak nadin sya habang sinasabi ang mga katagang nagpalambot sa puso ko. "mahal kita. Maraming nagmamahal sayo, ito ang gamitin mo para maging matatag ka." Tumango ako, hirap na ako sa pagsasalita. Hinalikan nya ang aking noo. Sa simpleng mga gawi ng lalaking mahal ko nagiging kampante ako.

"sweety, umaga na." minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang tao na kalian ma'y hindi ko pagsasawaang tignan, habang tumatagal ang pagsasama namin lalong lumalalim ang pag mamahal ko sa kanya na hinding-hindi ko pagsisisihan.

"good morning." Nakangiti kong bati sa kanya. "sweety, uuwi muna ako ng Pilipinas, may aasikasuhin lang akong mga papeles" sabi nya sakin habang inaayos ang tray na may lamang pagkain ko. "two days lang naman akong mawawala, sila mommy at mama muna ang mag-aalaga sayo dito" dagdag nya pa habang inaayos ang aking higaan, inangat nya kasi ito para makakain ako.

"sige sweety, mag-iingat ka duon ha." Sabi ko habang hinahalo-halo ang lugaw na kakainin ko. "kalian ang alis mo?"

"mamayang gabi na para makabalik ako bago ka operahan" tumango-tango ako bilang tugon sasinabi nya. "hihintayin kita" tinignan nya ko na parang may ipinahihiwatig ang tingin nya. "babalik ako kaagad, kaya hintayin mo ako. Gusto ko, ako ang magiging lakas mo oras na operahan ka, gusto ko ako ang magiging dahilan mo para lumaban ka sa sakit na iyan." 



A/N: Unedited

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon