CHANCES

6 1 0
                                    

Day 11



"Chance!! Bumalik ka dito!" sigaw ng batang babae sa batang nagngangalang Chance. "Chancey pwede pa naman tayo maglaro kasi wala pa naman ang ibang bisita" tugon nito sa batang tumawag sa kanya. "pero kahit na, mamaya kung saan ka pa mapunta dyan. Di kaba natatakot? Nasa sementeryo kaya tayo madaming mumu dito!!"

"AHHHHHHH!!" sigaw ni Chance dahil sa pananakot ng batang babae.

"hoy kayong dalawa bakit kayo sumisigaw?" tanong ng isang babae na nasa 30's na ang edad

"kasi tita Charlotte tinatakot ako ni Chancey na may mumu daw dito"

"sus! Walang mumu dito. Tara nab aka hinahanap na kayo doon" yaya ni charlotte sa dalawang bata

-

"sweety..kamusta ka na dyan? Maayos lang ba ang kalagayan mo dyan sa langit? Kumakain ka ba? May mga kaibigan ka ba dyan? Nakikita mo ba ako dito? Kami ng mga anak natin? Sweety..." Umiiyak si Jin habang hinahaplos ang lapida ng asawa nyang si Lawrence. "miss na kita...sobra."

Matapos maging successful ang operasyon kay Jin, duon naman nila napag-alaman na naaksidente ang asawa nito, hindi na nakaabot pa sa ospital ng buhay. Halos tatlong taon syang nagluksa ngunit di parin nya kinalimutan na alagaan at mahalin nya ang mga anak na naiwan sa kanya.

"sweety... alam mo ba malalaki na ang mga anak natin. Si chance habang lumalaki nagiging kamukha mo, at si chancey naman gumaganda at nagiging kamuka ko. Sweety.. sana nandito kappa para nakikita mo din sila at nasusubaybayan habang lumalaki." Muling tumulo ang luha ni Jin.

"Nay, bat ka umiiyak?" tanong ng batang babae sa kanyang ina "wala ito Chancey, namimiss ko lang ang tatay nyo." Lumapit ang bata dito at niyakap ang ina. "wag ka mag-alala nay, namimiss ka din po ni tatay." Mas lalo pa nyang hindi na pigilan ang pag-iyak kaya naman lumapit nadin ang batang si chance sa kanyang ina at ito'y niykap din. "nay, nandito naman po kami wag ka na malungkot" sabi ni chance

Masaya si Jin dahil lumalaki ang mga anak nila ni Lawrence na maintindihin, naiintindihan nila na iniwan sila ng papa nila at sumama na sa diyos, naiintindihan din nila na malungkot ang buhay ng kanilang nanay kaya pilit nila itong pinapasaya kahit sa pamamagitan lang ng pagyakap at paghalik dito. Sa murang edad ng dalawa'y marami na silang nalalaman. Magaling at matalino ang mga ito.

"nay, wag po kayong mag-alala pagbubutihan namin ang pag-aaral tapos tutulungan namin kayo para di na kayo mahirapan" sabi ni chancey "oo nga po nay" sabi naman ni Chance

"oy kayo dyan mag-iina tama na ang drama halina kayo at magsikain na tayo." Anyaya ni charlotte

"ikaw talaga buntis, ang hilig mo umepal sa dramahan nila" sabi ni Mich

Nasa sementeryo sila upang icelebrate ang 5th anniversary nilang mag-asawa, nandun din ang kapamilya ni Lawrence at kapamilya ni Jin. Masaya silang kumain sa maliit na salo-salong hinanda ni Jin, gusto nya kasi na kahit wala na ang asawa'y nagcecelebrate padin ito kasama sya, ang kanyang mahal na asawa.









A/N: Unedited



CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon