CHANCES

4 0 0
                                    

Day 6





Friday ngayon at ngayon matutulog si Charlotte sa apartment, nagleave ako ng 3 days para makapag-pahinga ng konti at ewan ko ba dyan kay lotte, nag-off kasi sya ngayon na dapat ang off nya ay Monday pa. wala din sa Lawrence may business trip sya sa Turkey, gusto nya nga ako isama at gusto ko rin sana sumama dahil pangarap ko yun diba ang kaso marami akong kailangan gawin at isa pa bukas ko makukuha ang result. Marami pa naman chance na makarating ako duon kung pahihintulutan ako. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko ng makarinig ako ng malakas na pagkatok. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch at nagtungo sa pinto.

*tok tok tok*                                                                                                          

Si charlotte talaga, meron naman doorbell pero ang gusto nya kumakatok talaga. binuksan ko ang pinto at hindi nga ako nagkamali, may dala-dala syang box ng pizza at isang box ng cake.

"Let's celebrate!" bungad na sigaw nya at itinaas ang pinamili.

"hahahahaha. Ikaw talaga lotte, nag-abala ka pang bumili nyan" sabi ko habang tinutulungan syang ilagay sa center table ang mga box na dala nya

"okay lang yun girl, Iam mo naman na labs na labs kita eh." Sabay ngiti nya ng pagkatamis-tamis

"nga pala, bakit di pumunta si mich?"  tanong ko ulit kahit nasagot na nya yun nung nakaraan na magkatext kami. Nakita ko sa muka nya ang lungkot, pero napalitan parin agad ito ng masayang ngiti.

Naupo kami sa sala habang sya binubuksan ang box ng pizza, tumayo ako upang makakuha ng kutsilyo, tinidor at platito na paglalagyan namin ng cake. Bumalik ako sa sala para makakain din ng pizza.

"so, kamusta ang soon-to-be- Mrs. Park?" tanong nya sakin

"hahaha, ang bilis talaga ng balita.. plano ko pa naman ako magsasabi sa inyo" ngumuso ako, na ikinatawa nya

"yuck. Wag ka ngang ngumuso dyan, nakakapanibago. Ganyan ba talaga pag magiging may bahay na?"

"sino ba nagsabi sayo?" nagtatakang tanong ko.

"edi yung mga tsismosa sa bahay pag-asa" hahahaha

"talaga? napagplanuhan namin na sa December ang kasal, isang simpleng wedding ceremony lang.."

"talaga? may ilang buwan nalang ha.." makikita ko sa muka nya ang saya habang nagkwekwentuhan kami. Pero naisip ko ulit si mich, siguro magmumukang zirko nanaman to'ng apartment ko pag nagsama sila.

"Lotte, spill it." Seryoso kong sabi habang sya eh tatawa-tawa

"ha?" napatingin sya sakin ng seryoso at nagtataka

"si Mich, bakit di sya sumama sayo ngayon? May problema ba sya? O kayong dalawa? O kami ang may problema?" tanong ko. Napabuntong hininga sya tsaka nagsalita

"Actually Jin, may tampo sayo ang gaga." Ha?

"bakit namam sya nagtatampo?"

"Una, dahil napromote ka-agad sa trabaho kahit bago ka palang dun, matagal na nyang gusto mapromote dun pero naunahan mo sya." Yeyeye. Mas nauna sakin si Mich ng ilang buwan, tapos sabay naman kami ni Charlotte nakapasok

"pangalawa, may gusto kasi siya kay Mr. Park.. pero dahil sa alindog at karisma mo naunahan mo nanaman sya." Nalungkot ako bigla sa sinabi nya

"bakit di nya sinabi sakin yun?" tanong ko

"di ko alam dyan kay Mich, may sariling mundo, hindi ko na nga din mabasa ang nasa isip nya eh." Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Kung sinabi nya lang sana ng maaga sakin hindi ko sana tinanggap ang promotion nayun

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon