CHANCES

4 0 0
                                    

DAY 13 –LAWRENCE POV-





Kamusta na kaya ang mag-iina ko dun? Okay lang kaya ang kambal? Eh si Jin kaya? *sigh* bakit ba kasi ang tagal ng meeting na'to? Gusto ko na matapos para makabalik na ako sa Turkey gusto ko na makita sila, at malapit nadin ang operasyon ni Jin, dapat nasa tabi nya ako.

"bro, ang lalim ng iniisip mo ha?"

"tsk. What do you expect? Malapit na ang operasyon ni Jin. Matagal paba matatapos ang meeting na'to? Gusto ko na umalis"

"easy bro, malapit na matapos"

"bakit ba kasi ang bagal magsalita ng lalaking yan? Naiinip na ako" ang kausap ko ngayon ay kapatid ko. Nandito padin ako sa meeting at kating-kati na ako tumayo sa upuan ko at umalis gusto ko na bumalik sa asawa ko.

After 45 minutes natapos din sa wakas. Papaalis na sana ako ng tinawag ako ulit ng kapatid ko

"bro.."

"oh? Bilisan mo."

"hahaha chillax. Di naman aalis si Jin sa ospital no."

"oo nga peron yung eroplano na sasakyan ko aalis na.tsk"

"mainitin kapadin talaga. haha"

"ano ba ang sasabihin mo ha?"

"gusto ko lang sabihin na mag-ingat ka sa pag-alis mo, at sana gumaling na si Jin. Bro, ngayon nalang ulit kita nakitang masaya after everything happen between you ang your ex shaina" napatiim bagang ako ng marinig ko ang pangalan ng babae na yon

"Sige bro. Mahal ko ang asawa ko kaya mauna na ako." yun nalang ang nasabi ko, ayoko pagusapan ang babaeng sumira ng samahan namin ng kapatid ko and that's another story kailangan ko na magmadali para makabalik na ako ng Turkey

Sumakay ako agad sa sasakyan ko at pinaharurot ito papunta airport. 'tsk.trapik' humanap agad ako ng rutang mas okay nakakita naman ako pero di ko inaasahan ang nangyari. Hindi ko namalayan na may paparating palang truck ng semento akong makakabunggo. 'jusko Lord. Kayo na po ang bahala sakin. Ayoko pa po mamatay'

*beeeeeeeeeeeeeep*

*screeechhhhhhhhhh*

Nakuha ko pang pumreno ganun din ang driver ng truck ngunit hindi sumunod ang katawan ng truck at nagsimula itong umikot at nahagip ang sasakyan ko. 'Lord, kayo na po ang bahala sa asawa't mga anak ko' ayan ang huling mga salit ang nasa isip ko hanggang sa naramdaman ko ang paghinto ng mundo ko.



A/N: Unedited.

Song: Appreciate - Nick Jonas (i dunno if the song's appropriate to the story, iyan lang kasi pumasok sa isip ko. heheheeh)

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon