"Ang guwapo"
Mabutiý napigilan ko ang sarili ko na sabihin iyon ng malakas.
Totoo naman kasi. Kahit hindi ako ganun ka-eksperto sa mga kalahi ni adan, marunong naman din akong mag appreciate ng magandang mukha.
Sa hilig ko manuod ng mga kdrama, at hilig ko sa BTS, sanay akong makakita ng mga guwapo.
Pero syempre iba pa rin pala kapag personal na. Although hindi naman din ito yung unang beses na nakakita ko ng guwapo sa personal, like yung mga officemate ko may mga itsura din naman, or minsan yung nakakasabay ko sa bus pauwi ng Bulacan, pero walang... dating.
Yung tipong guwapo naman sila pero hindi yung tipong lilingunin mo pabalik.
Napukaw ang pagrarant ko sa utak nang magsalita si Ka Tonyo.
"Halika rito, Alexander. Ipapakilala ko sayo ang bisita natin"
Seryosong lumakad palapit ang binata. Medyo nakakaintimidate yunga ura niya. Para bang may nakaplaster sa noo niya na "Don't talk to me".
Maybe because of his eyes. Parang ang talim tumingin.
"Ysabella, ito nga pala ang panganay namin, Si Alexander. Binata pa yan" nakangising pakilala ni Ka Tonyo sa binatang nakatayo sa harapan ko.
"Alexander" matipid na usal nito at inilahad ang palad upang makipag-kamay.
"Y-Ysabella. Nice to meet you" medyo kinakabahan kong usal at iniabot ang palad ko.
Mainit at magaspang ang palad niya. Halatang sanay sa pagtatrabaho.
Nang magbawi ang aming mga palad, napansin ko ang nakangiting mag-asawa.
"Mabuti pa't ibigay mo na muna kay Alexander ang gamit mo at nang madala na sa kuwarto. Sasamahan na kita sa kusina at nang makakain ka na"
"Naku ako na po ang mag-dadala ng gamit ko. Nakakahiya na po" pagtanggi ko.
"Anubang nakakahiya. Ituring mo na itong tahanan mo kaya wag mong isipin ang hiya-hiya na yan"
Dahil hindi ko matanggihan ang nakangiting ginang, hindi na ako tumutol pa.
Ayoko talaga sa lahat yung mga ganitong awkward interaction.
Marahang lumapit sa akin si Alexander at kinuha ang dala kong traveling bag. Kukunin na din sana niya ang shoulder bag ko ngunit nginitian ko na lang siya. "Ako na dito. Magaan lang naman ito"
Tumango lang siya at tumalikod na papunta sa dulong kuwarto.
Ako naman ay niyakag na ng ginang papunta sa kusina.
Kung namangha ako sa kalinisan ng sala nila, mas namangha ako sa kanilang kusina.
Hindi lang ito basta malinis, kapansin-pansin din ang kumpleto at modernong mga kagamitan sa pagluluto.
Ang dining table ay may apat na upuan at may basket ng prutas sa gitna nito.
"Halika maupo ka" ipinaghila pa ako ni Ka Tonyo ng upuan.
Hiyang-hiya na talaga ako sa pag aasikaso nila. Para naman akong prinsesa kung ituring nila.
Wala akong ibang ginawa kundi tipid na ngumiti sa kanila.
Nang makaupo na ako ay inilapag ko sa katabing upuan ang shoulder bag ko.
"Kayo po nakakain na po kayo?" tanong ko sa mga ito.
"Oo tapos na kami kanina pa. Wag mo na kami intindihin" anang ginang na naglagay ng plato sa tapat ko.
Gustuhin ko mang tumulong sa paghahain, alam kong tatanggi na anman sila at mahihiya na naman ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Before You
RomanceYsabella Morales. Isang dalagang hindi na umaasa na makakatagpo pa ng "other half" niya. Sa edad niyang magti-trenta na, matagal na niyang tanggap na hindi para sa kanya ang pag aasawa. Masaya naman siya sa buhay niya na walang ibang iniintindi kund...