"Ano palang sinabi ni... Morris nung tumawag siya kanina?" tanong ko sa kanya habang nakayakap sa kanya.
Magkatabi na kaming nakahiga ngayon sa kama niya. Nakaunan ako sa dibdib niya habang siya naman ay nakapulupot ang mga braso sa akin.
"Gusto nilang makipag kita sa akin" mahinang usal nito habang sinusuklay nh marahan ang buhok ko.
"Bakit daw?" Tumingala ako sa kanya.
"I don't know. Hindi ko na itinanong. Nakita mo naman siguro yung ginawa ko sa phone ko di ba?" Biro pa nito.
Bahagya akong natawa. "Oo nga. Ibato mo ba naman, malamang hindi mo na yun magagamit"
"Natakot ka ba kanina?" Sabi nito na tiningnan din ako sa mata.
"Yung totoo... sobra. Natakot ako kasi first time kitang nakita na magalit. Lagi ka lang kasing kalmado di ba?"
"Sorry uli Love. You have to witness that. I lost control" he kissed my forehead.
"Naiintindihan ko na ngayon. You don't have to say sorry"
"And love, thank you din"
"For what?" Isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya. I really love cuddling with him.
"Alam mo bang natakot din ako kanina. Naisip ko, what if bigla mo akong iwan dahil sa mga nalaman mo. Pero sa halip, niyakap mo ako. Inunawa. Kinampihan. Kaya lalo kong narealize kung gaano ako kaswerte sayo" itinaas niya ang baba ko para magkatinginan kami. "Thank you love" bulong niya bago ako halikan sa labi.
It was a tender, slow yet passionate kiss. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng halik na ibinibigay niya sa akin. Ito siguro yung rason kung bakit hindi naging issue sa akin ang mga sinabi niya. Lalo na sa parteng nagpropose ito at muntikan na itong ikasal sa iba.
Ang importante ay ang ngayon. Wala ng "Sila" dahil meron ng "kami". At wala ng pagdududa sa puso ko. Wala ng alinlangan.
Kaya in between our kisses, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"I love you..."
Napahinto si Xander sa paghalik sa akin.
"I love you" ulit ko na nakatingin ng diretso sa kanya habang may nakatagong ngiti sa mga labi.
"D-did you really just said that?" Nakamaang pa ding usal nito.
Mabilis ko siyang hinalikan ng tatlong beses. "Yes love. Tama ka ng narinig. Matagal ko na ring gustong sabihin yun sayo. It's just that, I'm waiting for the perfect timing"
"And you really chose the perfect timing" he hugged me and kissed me on my head. "Mahal kita. Mahal na mahal"
Napasubsob ako sa dibdib niya. Kilig na kilig. Iba pala ang impact pag bibigkasin ng tagalog? Mas ramdam na ramdam ko.
He chuckled. " Kinikilig ang mahal ko"
Pinalo ko siya sa dibdib. "Hindi ah" sabi ko na nakasubsob pa din.
"Ayiiiee.. kinikilig ka eh" sinundot pa nito ang tagiliran ko.
Kinurot ko siya sa nipple niya. "Magtigil ka Alexander. Mang aasar ka na naman"
Tawa lang ito ng tawa. Mayamaya ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Love, I want to pray" seryosong turan nito.
Nakangiti ko siyang tinanguan. Pareho kaming pumikit nang magsimulanna siyang umusal ng panalangin.
"Dear Lord, I commit my lover's life into your life. I really want to marry this woman beside me. Until then, I pray that you protect us, give us strength and favor in all we do. Help us to get to know each other better. Help us to bring out the best in each other. Gives us wisdom and patience to always be there for each other. Prepare a bright future for us and let us alway depend and trust in You. Amen"
BINABASA MO ANG
Before You
RomanceYsabella Morales. Isang dalagang hindi na umaasa na makakatagpo pa ng "other half" niya. Sa edad niyang magti-trenta na, matagal na niyang tanggap na hindi para sa kanya ang pag aasawa. Masaya naman siya sa buhay niya na walang ibang iniintindi kund...