Nagising ako na masakit ang ulo. Parang binibiyak sa dalawa.
Nakapikit akong bumangon at nangangapang naglakad papunta sa banyo.
Naghilamos ako at nagtoothbrush. Muntikan pa akong masuka habang nagsisipilyo.
Pagtingin ko sa digital clock sa ibabaw ng side table ko, 6:30 pa lang ng umaga.
Medyo may oras pa akong tumunganga dahil alas otso pa naman ang pasok.
Naalala ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ko man makontrol ang sarili ko ay aware naman ako sa mga ikinilos at sinabi ko.
Talking with Xander while totally wasted is so humiliating.
Pagkagaling namin sa bar, nag grab na kami pauwi ng apartment. Doon na nagpalipas ng tama ng alak si Quincy at Lorraine. Hindi sila pumayag na hindi ko ikwento sa kanila mula sa umpisa.
At iyon na nga, napagalitan ako ni Quincy. Mali daw ang ginawa ko kay Xander. Hanggang sa sunduin na sila ng boyfriend ni Quincy ay hindi nila ako tinigilan ng sermon.
Marami akong narealize sa girl talk namin kagabi. Yung mga bagay na gumugulo sa utak ko ay nabigyan na ng linaw.
At aaminin ko, kasalanan ko ang lahat. I acted childishly. Sa halip na kausapin ko si Xander para iparating sa kanya ang pinag dadaanan ko ay iniwasan ko siya.
Kaya naman sising-sisi ako.
Narealize ko na naging madalian man ang relasyon namin ay pareho naman namin iyong ginusto at walang pilitan. We're both consenting adult when we decided to be in a relationship.
Natrigger din siguro yung kapraningan ko dahil sa nangyari kay Lorraine. Feeling ko na kung sila nga na walong taon ay nagkakahiwalay pa, paano pa kaya kung sa katulad namin ni Xander na mabilis pa sa alas kwatro na naging magkasintahan.
Ngayon tuloy ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Xander. Or if ever ba na magpapakita pa ba siya sa akin o tuluyan an siyang naturn off sa kabaliwan ko.
Lulugu-lugong naligo ako at nag asikaso na sa pagpasok. Hindi ko na nagawang mag almusal dahil wala rin akong gana. Pakiramdam ko kasi ay isusuka ko lang ang kakainin ko.
Pagdating sa opisina ay naabutan ko na si Lorraine at Quincy. Nagkakape na ang mga ito.
Pare-pareho kaming mga mukhang kinuyumos na papel sa itsura namin. Kung wala lang sana kaming meeting mamayang alas nuwebe ng umaga ay malamang pare-pareho kaming hindi nakapasok.
"Kamusta ka naman friend? Nag usap na kayo ng jowa mo?" Curious na tanong ni Quincy pag upo ko.
Umiling ako. Wala akong nareceive na text mula kay Xander.
"Baka naturn off na yun sakin. Nagpadala ako sa kapraningan ko" usal ko na napayuko sa lamesa ko.
"Hindi naman siguro friend. Kahit lasing ako kagabi, natatandaan ko kung paano ka niya kausapin. Ang sweet-sweet kaya niya. Naku kung ibang lalaki yun, baka nasigawan ka na sa pinaggagawa mo" sabi naman ni Lorraine. Kahit may pinagdadaanan ay nakukuha pa niyang magbigay ng payo sa akin. Ewan ko ba kung saan kumukuha ng tapang itong si Lorraine.
"Ikaw na ang maunang magtext. O kaya tawagan mo. Update mo lang na kako na buhay ka pa naman" natatawang turan ni Quincy.
Napailing ako. "Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya"
Hanggang sa lumipas ang maghapon, walang text na dumating. Lumong-lumo na yung pakiramdam ko. Dumating ang oras ng uwian namin, wala pa rin.
"Ano friend, wala pa ring text?" Tanong ni Quincy habang nakapila kami sa biometric para mag out.
BINABASA MO ANG
Before You
RomanceYsabella Morales. Isang dalagang hindi na umaasa na makakatagpo pa ng "other half" niya. Sa edad niyang magti-trenta na, matagal na niyang tanggap na hindi para sa kanya ang pag aasawa. Masaya naman siya sa buhay niya na walang ibang iniintindi kund...