Chapter 6: Meet Austin

4 0 0
                                    

CHAPTER 6: MEET AUSTIN

------
Austin POV

Dumiretso nako ng kwarto para magpahinga pero nagtataka ako kanina bakit ako nilapitan ng limang lalaki kanina at nakakapagtaka inaaya nila ako maglaro ng Basketball?? Tsaka parang nakaka insulto yung sinabi ng isa kanina Football lang daw ang kaya ko laruin
Aba nagkakamali sya dun.. :7

At tsaka yung dalawang lalaki kanina parang nakita ko na sila e.... sila yung nakita ko sa Cr yung isa yung parang lula. Yung isa naman yung kasama ng lula.. nakakatuwa naman kasi parang may nakitang multo at parang istatwa na di gumagalaw yung isa...

Ako nga pala si Austin Ramirez 18 yrs old at kumukuha ng kurso na Chemical Engineering. Lumaki akong walang ina at ama tanging kasama ko lang sa napakalaking bahay ay limang yaya, tatlong guard at si Kuya Luke 20 na sya at sya na ang president ng company na naiwan daw ni Daddy. Tanging si Kuya lang ang kasama ko mula nung 2 taon ako hanggang ngayon. Kaya mahal na mahal ko yan si Kuya. Lagi ako malungkot kapag may nakikita akong kompletong pamilya. Pero di ko pinapakita na sobrang lungkot ko. Wala akong gaano kaibigan sa school. Tanging mga co player ko lang sa football ang nakakausap ko. Pero meron akong crush si Ingrid. Siya yung tipo ng babae na napaka bait napaka ganda kahit di mag ayos napaka ganda pa din. Lagi ko sya nakakausap sa kasi magkatabi kami ng upuan. Pero di ko masabi sa kanya na may gusto ako sa kanya napaka torpe ko nga e. Pero pakiramdam ko may iba syang gusto pero gagawin ko ang lahat masabi ko lang sa kanya nararamdaman ko.

...lumabas nako ng kwarto at tumungo sa sala para makapag muni muni. Inopen ko yung laptop ko at nagmusic music nalang. Saktong paparating si Aling Deti.

"Iho. Sino yung mga kausap mo kanina sa labas nakita ko mga kaibigan mo ba sila?" Sabi ni Yaya at nilapag na ang juice at sandwich aking pinakuha.

"Di ko nga po kilala e. Nagtaka din po ako bakit ako inaya mag basketball e di ko naman po kakilala!?" Sabay inom ko nang malamig na juice.

"Baka naman nakikipag kaibigan lang sayo." Sabi ni naman ni Aling Deti. "Osige iho maiwan na kita dyan may niluluto pa ako." At umalis na si Aling Deti.

--------
Sa apartment nila Ronald.

Grey POV

"Pano yan di natin sya naaya." Nalulungkot kong pagkakasabi sa knilang apat.

"Baka may Plan B kapa dyan Lyam?" Sabi ni Renz na nandidilat kay Lyam

"Wait iisip ako" at umupo si Lyam na naka indian sit at nakahawak sa ulo.

"Grey. Baka naman may Girlfriend na siya. Sayang lang mga plano natin." Nagulat ako sa sinabi ni Toning.. hala wala sana di ko kakayanin.. :3

"Kahit wala ba sainyo walang ka impo impormasyon sa lalaki na yun??" Aba himala nagsalita ka Ronald pero halatang tamad na tamad pa din.

" Wait. Ka close ko yung Coach ng Catzone si Sir Manalo." Sabi ni Toning sabay kuha sa bulsa niya ng cellphone at parang may tatawagan ito
..
On the phone.. Sir Manalo..

"Hello Sir. Sorry po sa abala. May itatanong lang po sana ako?"

"Ohh Tony. Ano yung tatanong mo?

"Ano po ba pangalan nung player niyo na gwapo yung pinaka gwapo po yung pinagkakaguluhan ng mga babae."

"Ahhh teka si ano, si Austin Ramirez. Ohh bakit mo natanong? May gusto ka sakanya no Tony??

"Ahh hehe. Wala po may nagtatanong lang po kasi sige po ahh. Salamat po.

"Ohh sige."

Toooot toooot toooot.....

"Whooooo!!! Grabe talaga si Sir. Lakas ng tama!" Sabi ni Toning na pangiti ngiti

"Ohh ano daw sabi kilala ba/?" Tanong ko kay Toning na gusto ko na malaman ang sagot.

"Oo,,," mas napalapit pako kay Toning na excited na ako.

"Anooooo dali sabihin mo naaa!!" Excited nako e hahaha

"Austin Ramirez ang pangalan niya"

----------

Vote.comment.share

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trip Become TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon