Chapter 1

513 22 3
                                    

Sa university, kilala sina Aminah Ezra Thompson at Kendric Dave Huxley bilang “golden couple” – hinahangaan at tinitingala ng marami. Mula sa kanilang pagiging matalino hanggang sa kanilang taglay na kagandahan at karisma, sila’y itinuturing na perpektong magkasintahan. Ngunit sa likod ng kanilang ideal image, may itinatagong lihim si Aminah.

Habang naglalakad sila sa pathway, nakangiti si Aminah sa bawat estudyanteng bumabati sa kanila, ngunit sa loob-loob niya, tila may bumabalot na kabaliwan ang kanyang isipan.

“Lagi dapat kaming magkasama,” bulong ni Aminah sa sarili habang hawak ang braso ni Kendric. Hindi ito napansin ng binata dahil abala ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan. “Kailangan kong siguraduhin na wala siyang titingnang iba kundi ako.”

“Love, are you okay?” tanong Kendric ng mapansin na wala sa mood si Aminah.

“No, love. It's okay, i'm fine.”

Sa bawat kilos ni Kendric, sinisigurado ni Aminah na alam niya. Alam niya kung saan ito pupunta pagkatapos ng klase, kung sino ang mga kaibigan nito, at kahit mga plano nito para sa susunod na linggo.

“Love, what's your plan next week?” tanong ni Aminah na para bang may gustong ipahiwatig.

“No, nothing, love. Bakit?” 

“Wala lang, natanong ko lang. Baka kasi busy ka, gusto ko sanang lumabas kasama ka.”

“Sige, love. Labas tayo, walang problema.”

“Talaga love?” pagklaro ni Aminah na para bang hindi nya marinig ang sinabi ng kasintahan dahil sa excitement nito.

“Yes, love.”

 Ngunit hindi halata kay Kendric ang takot ni Aminah na mawalan siya ng kontrol. Para sa iba, tila perpekto ang kanilang relasyon – puno ng tiwala at pag-ibig. Ngunit para kay Aminah, ang pag-ibig na iyon ay isang laro ng pagkontrol.

Habang kumakain sila sa canteen, nakatitig si Aminah kay Kendric habang ito’y masaya na nagkukwento sa mga kaibigan. “Love, paano kung mag-date tayo mamaya pagkatapos ng klase?” tanong ni Aminah na may matamis na ngiti, ngunit sa likod ng mga mata niya ay may halong desperasyon. 

“Sure, love. Ano bang nasa isip mo?” sagot ni Kendric na hindi nakikita ang tensyon sa mga mata ng kanyang kasintahan.

“Gusto ko lang na tayo lang,” mahinahong sabi ni Aminah, ngunit may diin sa boses niya. “Tayong dalawa lang.”

Tumango si Kendric, walang kamalay-malay na ang bawat hakbang niya ay nakaplano na sa isip ni Aminah – mula sa kung saan sila pupunta hanggang sa kung anong oras dapat matapos ang kanilang gabi.

Sa isip ni Aminah, walang lugar para sa pagkakamali. Ang lahat ay dapat perpekto. Hindi niya hahayaang may makasira sa imahe nilang dalawa bilang perpektong magkasintahan. Sa ilalim ng kanyang maamong mukha ay nagtatago ang isang isipang puno ng kontrol at obsession.

“Ako lang ang kailangan mo, Kendric,” bulong niya sa sarili habang ang mga mata’y hindi na bumibitaw sa binata. “At sisiguraduhin kong ganun din ang mararamdaman mo habang buhay.”

“Love, okay ka lang ba. Kanina ka pa tulala dyan ha,” tanong ni Kendric nang mapansin ang mukha ni Aminah. “Love,” pag-ulit nito.

“H-huh? A-ano nga ulit ‘yon love?” tugon ng dalaga.

“Bakit ka ba tulala? Anong nangyari sayo ha?” tanong ni Kendric na may kasamang pag-alala.

“Ah, wala, love. Okay lang ako, trust me,” pagsisinungaling ni Aminah pero ang totoo madami ang nasa isip niya, na kung tawagin ay ‘what ifs at over think ’.

“Siguraduhin mo talaga na ako lang Kendric kasi kaya kitang kunan ng itlog kapag nagkataon,” bulong sa isipan ni Aminah.

Bound by ObsessionWhere stories live. Discover now