Broken Heart

223 12 4
                                    

Broken Heart

©2013

NOTE:Play the background music on the side before you start reading. ^___^

*****

“Maaaring bagay tayo PERO hindi tayo para sa isa’t-isa.”

Ang mga salitang huli niyang sinabi bago niya ako tuluyang iwan. Naiwan akong nakatulala sa park kung saan kami nag-usap.

Gabi na. Maraming couple ang nandito sa park ngayon. Ang sweet nila lahat. Inexpect ko na ganito rin dapat kami ngayon pero nagkamali ako. EXPECTATION REALLY KILLS.

Hindi ko alam kung bakit siya nakipaghiwalay. Wala siyang sinabi kahit isang rason. Basta bigla nalang siyang umayaw.

Hindi ko nga maintindihan e, may mali ba akong ginawa? Ang tanging mali lang naman sa ginawa ko ay nagmahal ako ng sobra, wala nang natira para sa sarili ko.

Unti unti kong naramdaman na may pumapatak sa ulo ko, umuulan pa ata. Nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ko. ANg sakit e. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak.

Sana maagos ng ulan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sana isang panaginip lang ‘to na kapag nagising ako kami pa rin.

Nagsialisan na ang mga taong naririto sa park. Pero ako, nanatiling tuod. Para akong isang bata na iniwan ng nanay sa isang lugar at hinihintay na balikan. Ang lakas ng  ulan, madilim pa. Kumukulog at kumikidlat, sumisigaw din ata ang langit para sa’kin.

“Bakit?” nagsusumamo kong sabi sa sarili ko.

Di ko na nakayanan at naiyak na ako. Nararamdaman ko ang mga luha ko na nag-uunahan bumagsak mula sa mata ko.

Ganto pala ang feeling kapag nagmahal ka ng sobra tapos iniwan ka. MASAKIT. Sabi nila, nagmumukhang bakla daw kapag umiyak ang isang lalaki, pero masama bang ilabas ang sakit na nararamdaman namin sa pag-iyak? Kung ang mga babae nga, one way nila ‘to to escape  from pain. Ganun din naman kaming mga lalaki.

Hindi sa lahat ng break-up babae lang ang sobrang  nasasaktan. May puso din kami, You don’t really know how WE deal with this kind of pain.

Basang-basa na ko pero ayoko pa rin umalis sa park na ito. Umupo ako sa bench malapit sa’kin, napagod na kasi ako kakatayo. Sana ganun din kapag napagod na tayo sa sakit na nararamdaman natin no? Iuupo nalang natin tapos wala na. Pero hindi ganun sa totoong buhay e, kelangan natin masaktan, at kapag natutunan natin how to deal with the pain we’re feeling tsaka lang mawawala ang sakit. Shet diba? Napapa-english pa ko.

Hinihintay ko ba siya bumalik? Na kapag bumalik siya, sasabihin niyang isang malaking JOKE lang ang lahat. Sana bumalik siya, tatanggapin ko pa rin naman siya e. Ganun ko siya kamahal.

Pero kapag naaalala ko ang mga huli niyang sinabi, gusto ko nalang matulog at huwag nang gumising. Bakit hindi kami ang para sa isa’t-isa? T_T

Ang tanga ko lang e, tinanong ko pa sa sarili ko yun, lalo lang tuloy akong nasaktan. SAMPAL SA’KIN YUN E.

Lalaki ako pero umiiyak ako. Ang bakla diba? Pero masakit lang kasi talaga lalo na  at mahal na mahal mo.

Tumingala ako. Parang ewan e, mukha niya pa rin ang nakikita ko sa madilim na kalangitan. Bumabagsak ang bawat patak ng ulan sa mukha ko, masakit nga e, pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

Ganun nalang ba kadaliing itapon lahat ng pinagsamahan namin? Kung sa kanya ganun lang kadali, bakit ngayon ako nasasaktan? Nasasaktan din kaya siya?

Hindi naman ganto kahirap para sa’kin kapag may nakikipag-break e. Pero bakit ngayon? Ba’t sa kanya nahihirapan ako? Masyado lang siguro akong na-attached sa kanya. Sa feeling  na akala ko ‘di niya ako iiwan.

Umiyak lang ako ng umiyak, ang tahimik na ng paligid.

Asan na kaya siya?

Naabutan ba siya ng ulan? Sana naman hindi kasi baka magkasakit siya.

Nakakatawa no? Siya pa rin ang iniisip ko. Mahal ko talaga e. Ako kasi nag-aalaga sa kanya kapag  nagkakasakit siya.

“Thanks baby, I love you.” ang mga salitang sinasabi niya after ko siyang alagaan kapag nagkakasakit siya. Maririnig ko pa kaya sa kanya yan?

Sumisikip ang dibdib ko sa isipang iniwan na niay ako, ayaw na niya sa’kin.

Ganto talaga kami masaktang mga lalaki, ipinapakita lang namin na wala lang samin para sa pride. Shet na pride diba? Wala tuloy nakakapag-isip na nasasaktan din kami. Nature na talaga siguro ang ganun sa’min.

Sa break-up, hindi lang mga babae ang pinakanasasaktan. Mas strong lang talaga kaming mag-handle ng feelings namin. Pero sa nararanasan ko ngayon, ang weak ko. Daig ko pa mga babae.

Yumuko ako, naramdaman ko ang pagtaas baba ng aking balikat sa sobrang pag-iyak. Ang bakla, pero eto ako ngayon.

Nahihilo na ko sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Gusto ko nalang matumba pero umaasa talaga ako na babalikan niya ko.

Maya-maya  may naramdaman akong humawak sa balikat ko mula sa likuran ko. Tinignan ko siya, pero di ko nakita kung sino siya dahil natumba na ako.

HOW CAN I FIX MY BROKEN HEART? </3

XXXXX

Ajujujuju! Epekto ng malikot kong imahinasyon. Nag-try lang maggawa ng POV ng lalaki, ang bakla ba? Haha! K lang yan. XD Try lang naman e. *___*

Kung may umaasa ng part two, siguro mga 2014 pa. Hahaha! E kasi I’m a certified CLIFFHANGER! Mouhahaha! XP Peace tayo! ^___^V

Yun lang! :))) Thanks for reading! ^__^

© ALL RIGHTS RESERVED. 2013.

Written by superJEMI <3

One-shot Stories Collection by superJEMI &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon