Last Minute

223 16 1
                                    

 Last Minute

©2013

*****

Click the BG music at the side promise nakakdala siya mouhahah..trinay ko lang naman kung pede ako sa ibang genre ye konow naman na pang humor ang peg ko diba? so yun hope you like it chingus ^_^

XXXXX

Inalalayan ako ni Warren habang naglalakad kami papunta sa garden ng bahay.Nakayakap ang isa niyang braso sa bewang ko habang ang isa naman ay nakahawak sa braso ko.

“Babe,gusto mo ba talagang magpahangin dito?..sigurado ka bang kaya mo?” bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.Ngumiti lang ako sa kanya at tumango bilang sagot.

Pinauna niya muna akong umupo sa bench at saka tumabi sa akin.Muli ko na naming naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib,nahihirapan na naman akong huminga.

“Babe ayos ka lang ba talaga?”mabilis kong iniling ang aking ulo,ayokong ipahalata sa kanya na nahihirapan na naman ako.Ayokong masira ang gabing ito dahil gusto ko isama ang alaalang ito sa pag-alis ko.

“a-ayos lang ako ^_^” kumapit ako sa braso niya at nginitian siya.

“Tss,Megan alam kong di ka ayos..kaya halika na,bumalik na tayo sa kwarto mo para makapagpahinga ka”yumuko ako at iniling ang aking ulo.

“..babe please?” di ko pinansin ang pakiusap niya,inihilig ko na lang ang ulo ko sa balikat niya.Sorry Warren kung labis kitang pinag-aalala ah..hayaan mo babe huli na ito.

“Ang ganda nilang pagmasadan noh?” tumingin ako sa kalangitan,napakaraming bituin,magiging isa na rin ba ako sa kanila?

“Ikaw pa rin Megan ang mas nanaisin kong pagmasdan” napapikit ako kasabay ng pagtulo ng aking luha.Ang sakit-sakit na talaga ng dibdib ko,hirap na hirap na kong makakuha ng hangin.

“babe?”

“hmmm?” hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ito.

“salamat” kahit pinipigilan ko ang mga luha ko,hindi ko pa rin ito makayang pahintuin,sunod-sunod ang pagbagsakan nila mula sa mga mata ko.Nararamdaman ko na ilang minuto na lang itatagal ko.

“..salamat kasi binigyan mo ako ng napakaraming magagandang ala-ala,salamat kasi kahit sakitin ako minahal mo pa rin ako,hindi mo ko iniwan,salamat kasi dahil sa’yo masaya akong aalis dito.”

“ssssh..wag mo sabihin yan,hindi ka aalis,hindi mo kami iiwan”hinalikan niya ako sa noo at naramdaman ko ang pagbagsak ng luha niya sa mukha ko.

“..kayanin mo babe p-please?” sa sinabi niyang iyon,lalong nagbagsakan ang mga luha ko.Ang sakit-sakit,ang bigat, ang hirap pero wala na kong magagawa gustuhin ko man ito na ang nakatakda para sa akin.

“babe s-sorry” kasi di ko na talaga kaya,di ko na kayang lumaban pa alam kong hanggang dito na lang talaga.Isang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa,taniging pagpigil sa mga luha lamang ang maririnig mo sa pagitan namin ni Warren.

“Meg,san mo gusto pumunta ngayong summer?,ah gusto mo ba na b- bumalik tayo sa Boracay?” Alamo kong nilalayo niya ang usapan,narinig ko rin ang pagbasag ng boses niyadahil sa pilit na pinipigilan ang mga luha niya.Warren wag mong gawin yan,mas lalo akong nahihirapan na iwan ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-shot Stories Collection by superJEMI <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon