Deleted

216 18 2
                                    

DELETED

©2013

*****

“Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you I had no control over.”

- Anonymous

XXXXX

“Bes, ano? Na-invite mo na ba sya?” tanong ko kay Marx, ang dakilang best friend ko,

“Hindi pa. Kinakabahan ako, baka tanggihan niya ko e.” nag-aalangang sagot niya saka ininom ang natitirang tubig sa plastic bottle na hawak niya.

“Tss. Sino ba kasi ‘yan? Sabihin mo sa’kin para matulungan kita.”

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot, “Tiffany, hindi mo nga pwedeng malaman.” itinapon niya ang bote sa basurahan malapit sa’min.

Pfffft. =___= Ganun nalang palagi ang sinasabi niya. Matagal ko nang tinatanong sa kanya kung sino yung gusto niyang pormahan pero ayaw niya sabihin sa’kin. Kakaasar diba? Ako best friend, ako yung walang alam. -____-

“K.” matamlay na sagot ko sa kanya. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

“Kakaasar ka bes! Ang tagal tagal kong inayos ‘tong kulot kong buhok e. -___-” reklamo ko habang inaayos ko ang buhok kong nagulo.

“Haha! Mukha ka kasing ewan.” ngumiti siya sa’kin at lumabas ang dimples niya na maliit sa bandang baba ng labi niya.

GAAAAAAAHD! >___<

Oo, gusto ko ang best friend ko. Mahal? Oo ata. Basta may lihim akong pagtingin sa kanya. Kaya siguro mas okay na yung hindi ko kilala yung gusto niyang pormahan. Para hindi ako masaktan.

“Hoy Tiffany, Marx. Punta daw tayo sa gym may sasabihin tungkol sa prom bukas.” tawag nung isa sa mga classmate namin.

Prom namin bukas. Sana hindi magkaroon ng lakas ng loob si Marx imbitahan yung babaeng gusto niya, kundi baka hindi nalang ako pumunta. Ayokong makitang nagsasayaw sila. Hindi ko kakayanin. Madudurog ang puso ko.

Nag-snap siya ng daliri sa tapat ng mukha ko, “Hoy ano na? Tara na.” nauna na siyang naglakad.

Pinagmasdan ko siya habang palayo, ang hirap ng ganito. Ang mahulog sa isang kaibigan ang pinakatangang nagawa ko. Alam ko naman na hanggang magkaibigan nalang kami e. At handa akong kontrolin ‘tong nararamdaman ko para lang hindi mawala ang friendship namin. Tanga diba? Pero ganun talaga ang buhay. Minsan may kelangan kang isakripisyo upang walang mawala.

Sumunod na rin ako ng lakad sa kanya, “BES! HINTAYIN MO KAYA AKO!”

*****

Natapos ang buong maghapon, nang makarating ako sa bahay agad kong kinuha ang cellphone ko. Napangiti nalang ako bigla dahil sa wallpaper ko, kaming dalawa ni Marx. Sobrang saya, masaya na sa pagiging magkaibigan lang. Pero ako ba? Masaya ba ko sa ganun nalang? Haaaaaaays. -___-

Nagtype kaagad ako ng text,

“Meeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you I had no control over.” - Anonymous

Goodevening humans! ^__^ Excited sa prom bukas? Di ko alam. (“__.__)

Goodnight.

One-shot Stories Collection by superJEMI &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon