Alas kwatro na rin ng hapon, natapos na namin ang pagvi-video sa unang part, na ginanap namin dito sa bahay nila Yuna. Hindi naman naging mahirap samin kasi lahat naman ay gumagalaw, o may kan'ya-kan'yang ginagawa.
Nagaayos na kami ng gamit para mabawasan ang mga kinalat namin kahit na sinabi ni Yuna na siya nalang daw ang magliligpit, s'yempre nakakahiya naman 'no.
"Mga bata pasok muna kayo at kumain" Tawag ni tita.
"Pagkain?" Patanong na sabi ni Rafael ang isa sa mga kaklase namin. Tinanguan ko naman siya, dali-dali silang pumasok.
Ang alam ko nandito rin ang mga kaklase ng kakambal ni Yuna, kasi may ginagawa rin'g groupings. Pagpasok namin naroon na nakaupo ang mga kaibigan ni Yuan.
Naalala ko pala kanina nung chinat ko si Yuan, kanina ko lang din napansin na hindi pala kami friend sa facebook pero alam ko in-add ko na siya dati... baka dinelete niya. Pero sa Instagram finafollow naman namin isa't isa.
Pogi sana kaso masungit
"Hoy Caius... bakit nandito ka na naman?" Papalapit si Ciara kay Caius at sabay binatukan ito. Napahawak si Caius sa ulo niya, mukhang napalakas 'ata yung pagbatok ni Cia.
Napalingon kaming lahat kay tita nangbigla siyang nagsalita "I heard you guys will be having an event, so what's the event all about?" Tita asked.
"ABM lang 'yon mommy, sila Yuan wala silang ganon" Sagot ni Yuna.
"Aw, poor"
"Ano po 'yon tita, parang kumbaga chinachallenge po kami sa pagbebenta kasi meron daw po kami gagawing mga booth, tapos magbebenta po kami ng mga product or food na nakadelicate sa isang lugar like, example sikat na food from batangas, cebu, and more. Parang ang mangyayari po doon ay bawat section magpapataasan ng profit" Paliwanag ko. "Sinabi lang po samin ng prof namin sa business finance kanina"
Tahimik lang silang lahat habang nakikinig.
"Meron din po'ng iba like singing and dance contest, tapos po itong ginagawa namin jingle at yung gagawin po namin sa susunod na tv adaptation" Dagdag naman ni Ciara.
"Wow! that's nice."
"P'wede ba magpalipat ng strand" Pabirong sabi ni Tom.
Tumayo ako at nagpaalam na kukuha muna ng tubig sa kusina.
"Sige na magsi-kain na kayo... ay nga pala Yuan kuhain mo sa freezer yung ice cream na binili ko kanina" Tumayo rin si Yuan nauna lang akong maglakad sa kan'ya papasok ng kusina.
Nasaan ang mga baso nila?
Tinitignan na ako ni Yuan na para ba'ng inaantay niya na magtanong ako.
"Hm... nasaan 'yong mga ba-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko itinuro niya agad ang nasa gilid ko. Shit! bulag
Kumuha na rin siya ng tubig sa refrigerator at inabot sakin. "Thank you" Tumalikod na rin siya at agad na lumabas ng kusina.

BINABASA MO ANG
Maligayang Pagkunwari
Storie d'amoreshs diaries series #2: maligayang pagkunwari (completed) Fake relationship? Fake feelings? That's what Yuan Dawnson received from his long-time crush, Keighley Martinez. an epistolary collaboration | yuan and keighley ylaesya, 2023