26 [n]

272 11 2
                                        

I sat on a bench while checking my schedule for second grading. Mukhang maraming event ngayong second grading, nakapila at halos sunod sunod pa.

Okay lang 'to! isang semester na lang naman makaka-graduate na ako, kaso naiisip ko pa lang na college na'ko parang pinapatay na ko. Imagine, hindi pa ako nakatungtong ng college pero parang pasuko nako.

One hour na lang, lunch na. Aantayin ko pa rito sila Ciara at Yuna hindi pa sila nagrereply tinanong ko kung anong oras sila makakarating kaso wala silang reply.

"Ang init..." tirik na tirik ang araw ngayon.

Ginamit ko ang kamay ko para paypayan ang sarili. Nakalimutan ko kasi kuhain sa bag ko yung mini fan ko, and I also forgot to bring my tumbler with me.

Ayoko pa muna pumasok sa loob dahil nageexam yung mga GAS student, baka makaagaw pansin pa ako. Dito nalang muna ako.

Natatamaan na rin ang mata ko ng sinag ng araw, kaya naman ay ginamit ko ang kamay ko bilang pangharang.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko na nakaharang sa mata ko, nang maramdaman kong may tao sa harapan ko. Natatakpan niya ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Sinipat ko pang mabuti kung sino ang nasa harapan ko, tumayo na rin ako sa pagkakaupo para lang makita ng maayos ang mukha niya, ha-h hindi nga ako nagkakamali... si Yuan.

Why is he here?

I got confused, when he handed me the bottled water that he was holding. "Huh?"

Tapos na siguro silang magtraning kasi nakabihis na siya at bitbit niya na rin ang bag niya. At halatang kakatapos niya lang maligo dahil medyo basa pa ang buhok niya.

"Here, drink this"

Kaagad ko naman iyon tinanggap, kanina pa ako nauuhaw kailangan ko 'to. Teka, bakit kaya siya napadaan dito eh ang layo-layo ng main building sa soccer field.

"Ah, nga pala ba't ka napadpad dito..." hindi naman siya sumagot kaya, nagpasalamat nalang ako. "Thank you dito sa tubig! Hulog ka ni lord" nagpaalam na rin siya na mauuna na raw siya, sakto rin kasing nagring 'yung phone niya.

Maligayang PagkunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon