72 [n]

199 3 1
                                        

"Hoy Tom, ano raw ba? may bawang daw ba sayo o wala?"

"Wala!" Sigaw ni Tom kay Kevan. Si Kevan kasi laging umoorder sa kahit anong pagbibilhan namin, mapa pagkain man o gamit.

"Ikaw, Elli?" Tanong niya rin kay Elliot.

"Palagyan mo sakin, Kev" nilingon niya lang saglit si Kevan at saka binalik ulit ang tingin sa news paper na binabasa.

Habang sila Caius at Tom ay nagkukwentuhan ng kung ano, kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa para tignan kung may nagmessage ba.

Bakit ang tagal gumising ni Keighley, magaalas dyes na.

Ibinaba ko rin agad ang cellphone ko nang dumating na ang mga inorder namin. At nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain patuloy pa rin sila sa pagdadaldalan.

"Yuan, monthsary niyo ba kahapon ni Keighley?" Tanong ni Tom.

"Oo" maikling sagot ko. Hindi na ulit siya nagtanong, alam niya na magiging sagot ko kapag nagtanong pa ulit siya.

"Akala ko ba maglulugaw lang tayo, bakit nandito na tayo sa mall?" reklamo ni Kevan.

I don't know why I went here with them, they're chaotic. Nakakahiya sila ang iingay, akala mo ngayon lang nakasama-sama.

Ang gulo kanina pa sa lugawan. Hindi ko rin alam, kung bakit kami napunta dito sa mall, ang sabi lang nila kanina maglulugaw lang kami.

"E' di sana hindi ka na sumama kung puro reklamo ka lang" sagot naman ni Caius.

"Minsan lang 'to, 'no, 'tsaka sunday naman kailangan niyo ng break" dagdag naman ni Tom.

"Break ko bones mo"

Tumakbo siya agad sa likod ni Elli, sabay turo sa 'kin at nagsumbong. "Tara na nga! baka magkabalian pa dito ng buto eh" aya ni Elli.

"Anong botu?" Kevan asked, Caius immediately hit him.

"What the fuck? bastos. Tara na nga" Naglibot-libot kami sa mall at nang mapagod ay nagpunta kami sa food court para kumain.

"Mamaya sa labas picture ah"

Maligayang PagkunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon