Chapter 2

1 0 0
                                    

Napag desisyonan kung sumama sa best friend kong si Lauren sa manila. Wala din namang paki ang mga kasamahan ko sa bahay. They prefer na wala yung presence ko doon feeling ko nga mas sasaya sila pag wala ako. Hindi ko alam kong bakit nangyayari sakin to. Sinunod ko naman sila. I've never been into a relationship kasi sabi nila panira sa pag aaral ang pagkakaroon ng kasintahan kaya nakapagtapos akong NBSB.

Hindi ko na enjoy ang pagiging kabataan ko noon. At the age of 25 ay parang wala akong masasayang karanasan. Pero nanalig akong mababago ko pa ang buhay ko kung malaya kong nagagawa ang aking gusto kaya sasama ako kay Lauren.

"M-ma, gusto ko sana kayong makausap."Nagbabasakaling hindi ako payagan ni mama at panatilihin ako sa bahay dahil mamimiss nya ako pag wala ako dito.

"G-gusto ko sanang sumama kay Lauren sa manila ma." Bigla syang humarap sakin.

"Okay!kung gusto mo doon kana tumira, ayos na ayos lang sa AMIN!"
Pinagdiinan nya talaga ang salitang yon dahilan sa pagtulo ng mga luha ko.

" Aba!..Wag mo nga akong iyakan, ito na nga diba pinapayagan ka! Ano ba! Jusko naman Lani, Ang oa mo huh!... Tabi nga!."
Sabay tulak sa akin  at dahil sa pag sigaw ni mama ay lumabas silang LAHAT sa kanilang kwarto. Nakita ko kung pano nag smirk si Macy sakin at ang mga kuya ko naman ay parang wala lang. Kaya hindi ko napigilang magsalita at tanungin si mama na hindi pa masyadong nakakalayo sakin.

"B-bakit ang dali lang sayo na sabihin yon sakin ma?!, G-ganon nalang ba ako hindi ka importante Sayo? b-bakit parang pakiramdam ko ni minsan hindi ako kasapi sa pamilyang to? Dahil ba sa kulay ko, sa buhok, sa Mukha ko.. bakit ma?!"
hindi ko na mapigilang sumigaw dahil sa nararamdam ko, sumabog na ako sa sakit na naipon sa dibdib ko. Kaya expected ko nang masampal galing kay mama.
Agad syang lumapit sakin kaya mag asawang sampal ang natamo ko.

"Wag na wag mo akong sinisigawan babae ka!,okay! Gusto mong malaman bakit ganito ang trato ko sayo? Gusto mo?." Agad akong napatingin kay mama.

"M-ma."

"Pwde ba tigilan mo nga kakatawag sakin ng mama, hindi naman kita anak!.!"

Napatulala ako sa rebelasyon ng Ina ko sakin. Ano?

"M-ma, alam kong galit kayo sakin pero hindi naman tama kung I deny mong anak nyo ko." Ang sakit sobra

She scoff."Ibang klase ka rin ano. Ang sabi ko hindi kita anak!. Ika-." Nabitin ang sa sasabihin ni mama dahil dumating na si papa galing trabaho.

"Anong nangyayari dito?." Maotoridad nyang tanong.

Idinuro ako ni mama. "Ito, ito ang problema, gusto ng lumayas sa pamamahay nato. Eh pinayagan ko pero sinisigawan naman ako. Alam mo itong anka mo sa LABAS! ang papatay sakin kaya utang na loob palayasin mo sa pamamahay na to dito Ngayon din.!"

Isa lang ang tumatak sa isip ko Ngayon.

"Anak ako sa labas?"Bigla kong sambit pero mukang narinig ni Macy.

"Tsk. Bingi lang?! Kawawa ka naman!." Binangga nya ako pero hindi ako nag patinag. Binaling ko Ang tingin kay papa na walang pakialam sa nangyayari.

"Mali ang naging dicesyon kong kupkupin kang bata ka, ngayong Masaya na kami ng pamilya ko. Maari kanang umalis dito."
Parang Isang panaginip tong nangyayari sakin nagyon.
"Ba-bakit Ganon? Anak nyo ko pero Hindi nyo kayang tanggapin ako?" Tumingin

"P-pa, pls.. a-anak nyo ako diba? a-anak nyo po ako." Bigla akong napaluhod sa harapan ni papa.

"Pack your things and get the hell out of here. Now!!."parang Isang kulog ang sigaw ni papa na nagpahagulhol sakin.

Kaya pala. Naging pepe ako sa loob ng tahanan na iyon. Kaya pala ang dali lang sa kanila magawa yon.
Bigla akong nandiri sa sarili ko. Kaya pala parang wala lang sa kanila ang ginagawa nila sakin. My two brothers molested me. Ang sakit isipin na nangyari sakin to ngayon. Hindi ko alam kong parusa ba to ng diyos o pagsubok na hindi ko alam kung malulusutan ko pa. Sana pala noon ko na ginawa ang pag layas. Kung alam ko lang na ito din kahihinatnan ng lahat sana noon pa.

Nadatnan ako ni Lauren na umiiyak sa labas ng bahay niya. Dito na ako dumiretso.

"Wat da pak!. Anong nangyari sayo? Resbakan natin?asan sila? Tara!." pinigilan ko syang makaalis sa bahay nila at niyakap sya.

"Anong nangyari?." Gumaan ng kaonti ang pakiramdam ko sa pagyakap sa kaibigan ko at sa pag haplos nya sa likuran ko para patahanin ako. Pero umiling lang ako sa tanong nya.

"Hayy... Sge. I won't ask you na. Pero bukas na bukas mag kwento ka okay!"

"Salamat best friend." Pasalamat pa Rin ako dahil may best friend parin ako ngayon. Mag isa lang sa buhay si Lauren at  sya lang din mag Isa sa bahay na tinitirhan nya. Parehong wala na ang mga magulang ni Lauren. They both died into car accident. Taga maynila talaga si Lauren napadpad lang ito ng dalhin sya ng tita nya sa bahay na pag mamay ari ng pamilya nya dito.

We both took up the same course at pareho rin nakapagtapos. Best friend goals ika nga. We meet before the second semester ended. Nag papa enroll sya before pero hindi pa enrollment yung day na yun. I remembered she's very frustrated that time. She even raised an eyebrow at me when she saw me staring at her. Kaya sabi ko noon I want to be friend with her kaya ito kami lang dalawa Ang nagdadamayan.

"Ampon ako." Biglang sambit ko pagkatapos kung umupo sa tabi nya. Muntik na syang mabilaukan sa kape nya. Bukas na Ang flight namin pa manila kaya hindi ko maiwasang maging excited pero kinakabahan din.

"Putik!.. ano ba! Mag warning ka nga." Ubo ubo pa nyang litanya na nagpangisi sakin.

"Putspa nila! Akalin mo kung hindi kapa nag papalanong mag manila hindi mo malalaman .. abay iba din!."
Naka d'kwarto pa ang paa sabay higop ng kape nya. Hindi na ako nag salita pa Kasi kung babalikan ko pa yung nangyari ako pa din yung masasaktan at mahihirapan. Aalis naman din ako dito kaya wala nanga saysay pa kung babalikan ko pa yun. "Move on" yun yung tamang gawin at magpatawad pero hindi muna ngayon masyado pang sariwa.

Once Upon a BeautyWhere stories live. Discover now