CHAPTER 23

127 13 0
                                    

Wise POV.

"Ano ang sasabihin mo Wais?" Tanong ni mama.

"Ma, pa si Vee po ay hindi ko lang ka team kudi boyfriend ko po siya."

Pagkasabi ko non ay natigil sila mama sa pagkain at hindi nag salita. Nararamdaman ko din na kinakabahan si Vee dahil namamawis ang kamay nya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya at nagsalita ulit.

" Maraming bisis ko pong sinabi sa sarili ko na baka humahanga lang ako kay Vee pero napatunayan ko po ang nararamdaman ko nong pumonta po kami ng boracay. Nakita ko kung paano sya tumawa dahil sa kababata nya. Nasaktan ako nong nalaman ko na may minahal si Vee noon sa isang player ng mlbb. Kaya hindi ko na po kaya na mawala sya sa akin."

" Nanligaw po ako sa kanya at pinakita kunggaano ko kamahal ang isang omyveenus. Ma, pa, Shandy sana matanggap nyo ang pagmamahalan namin dalawa."

Pagkatapos ko yon sabihin katahimikan ang namayani sa amin. Tumingin ako kila mama at papa walang emotion ang kanilang mukha.

Tumingin ako kay Vee at nakita ko ang kaba sa laban namin sa mpl hindi ko makita na kinakabahan sya ngayon lang talaga na kaharap na nya ang mga magulang ko. Nakatingin lang ako kay Vee ng bilang mag salita si papa.

"Ok." Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya nakita ko na kumakain na sila.

"Wait yon lang po?" Nag tataka kong sabi.

Hindi naman sa ayaw ko ang reaction nila pero nagulat ako dahil sa tagal nilang hindi nag salita ang sasabihin lang nila ok.

"Nong nakita ko palang kayong dala kanina alam kong may mali. Hindi ka naman nagdadala ng kaibigan sa bahay eh, ikw din ang nag dala ng mga gamit ni Veenus." Sabi naman ni mama.

"Ang mga tinginan din ninyo sa isat-isa kuya masyadong halata. Nong pinakilala mo palang si ate Veenus ang mga tingin mo sa kanya halatan in love." Nakangiting sabi ni Shandy.

Tumingin ako kay Vee mukhang nagulat din sya kasi parang wala dito ang isip nya.

" Veenus." Tawag ni papa kay Vee nagulat pa sya kaya napangiti ako.

"Po?" Gulat na tugon nya kay papa.

" Wag kang matakot sa akin Veenus kong ano man ang relation ninyo ng anak ko ay susuportahan ko kayong dalawa kong san kayo masaya."

"Maraming salamat po pangako na magiging katuwang ako ni Wais. Nandito lang ako na masasandalan niya kahit ano man ang problema na darating sa buhay nya."

"Maraming salamat din Vee dahil ikw ang naging nandyan para kay Wise nong wala kami sa tabi nya." Sabi naman ni mama.

"Sabihin mo lang kung sinaktan ka ni kuya ate dahil kami ang magiging kakampe mo laban sa kanya."

Marami pa ang tinanong nila kay Vee, pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kwarto para matulog na.

___
Nagising ako ng wala si Vee sa tabi ko kaya bumangon ako at pumonta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako baka nandon si Vee.

Pumonta ako sa kusina nan don lang pala si Vee kasama si mama at si Shandy, nagluluto sila. Close na kaagad sila mabuti naman yon at nagkakasundo sila ng kapatid ko.

"Oy kuya wag masyadong titigan baka matunaw nako lagot ka talaga." Nang aasar na sabi ni Shandy. Tumingin naman si Vee sa akin kaya nginitian ko sya.

"Good morning love." Bati ko sa kanya, bigla namula ang dalawang pisnge nya haha cute.

"Good morning din Wise." Napa pout naman ako dahil hindi nya ako tinawag na love eh.

Lumapit ako sa kanila at tumabi kay Vee.
"Anong niluluto nyo?" Tanong ko.

"Adobong baboy anak, luto na din to kaya kumain na tayo." Sabi ni mama.

"Nasan pala si papa ma?" Tanong ko.

"Maagang pumonta sa trabaho anak kumain na yon wag kang mag-alala." Sagot lang ni mama kaya tumango na ako.

Kumain na kami at ilang minuto natapos din kami kumain pumonta kami sa sala para manood ng tv.
Nag kukulitan lang sila Vee at Shandy, subrang saya nya nga dahil binigyan sya ni Vee ng cellphone.

Naikwento ko kase sankanya na madalas kaming mag away noon dahil sa cellphone. Pinigilan ko nga si Vee na wag na syang mag bigay dahil ako nalang pero hindi sya nagpatinag pangregalo din nya daw sa kapatid ko. May binigay din syang kila mama at papa hindi ko nga yon alam eh.

"Gusto ninyong mamasyal sa mall?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sige kuya ngayon ba?" Sagot kaagad ni Shandy

"Oo kung ok lang sa inyong dalawa."

"Ok para maka gala din ako dito sa inyo." Sagot naman ni Vee.

"Sige bihis kana Shandy dito nalang kami mag aantay ni Vee." Agad naman na umakyat si Shandy sa taas. Mga ilang minuto ay dumating na si Shandy.

"Tara na kuya, ate."

"Tara Vee." Hinawakan ko ang kamay ni Vee hanggang sa labas pumara kami ng sasakyan paponta sa sikat mall sa amin.

"Sana all kuya ha hindi ka naman sweet kay......." Bulong ni Shandy.

"Tumahimik ka nga Shandy." Mariin na sabi ko sa kanya. Tumawa lang ng mahina at nakipag kwentohan na kay Vee.


Hindi ko muna sasabihin sa kanya. Hindi muna ngayon Vee.

END GAMEWhere stories live. Discover now