CHAPTER 27

117 11 2
                                    

Veenus POV.

Pagkagising ko ay maggagabi na umuulan din sa labas. Nagpalit lang ako ng damit tapos pumunta sa baba para kumain nagugutom na kasi ako.

"Magandang gabe nanay", bati ko sa katulong namin matagal na si nanay sa amin kaya tinuturing na namin sya bilang parte ng pamilya namin. Wala na ding pamilya na mauuwian si nanay kaya dito nalang sya sa amin.

"Kamusta kana dito nanay?" Tanong ko sa kanya.

"Ok lang ako Vee malakas parin naman." Tangin sagot nya sa akin.

"Kakain ako nanay nagugutom kasi ako eh."

"Tamang tama at naka luto na ako ng paburito mo."

Kumain lang ako habang nag uusap kami ni nanay mas close ko sila mama at nanay kaysa kay papa dahil hindi sya palaging nandito sa bahay dati. Si papa kasi ay subrang fucos sa trabaho. Noong umamin ako sa kanila na mas nagkakagusto ako sa lalake kaysa sa babae ay si papa din ang unang nagalit. Pero habang tumatagal natatanggap na din nila ako kaya malaki ang pasasalamat ko na sila ang naging pamilya ko.

Supper support din sila sa akin noong first na sali ko sa mpl kahit second lang kami non. Yong nanalo din kami sa season 7 sila ang unang nag congratulates sa amin.

Masayang masaya sila nong nalaman na kami ang mag dadala ng Pilipinas sa sea game. Malapit na kaming mag laro pero wala kaming practice na naganap dahil na din sa nangyari sa amin ni Wise alam kong may alam na sila coach kaya ayaw ko muna silang kaosapin.

Pagkatapos kung kumain ay hinugasan ko na ang plato ayaw pa sanang ipahugas ni nanay kasi sya na daw pero hindi ako pumayag.

"Masama ang panahun ngayon, kanina pa umulan hindi parin tumitigil."

"Oo nga nay eh." Sang-ayon ko sa kanaya.

"Vee anak kilala mo ba ang lalake sa labas kanina pa sya dyan eh. Kahit umuulan hindi sya sumilung sa sasakyan nya." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni nanay.

"Hindi parin umaalis si Wise?" Binilisan ko na sa paghugas at pagkatapos ay nag paalam na ako kay nanay na pumunta sa kwarto.

Pagkapasuk ko ay sinilip ko kaagad sya sa bintana at nanson parin sya naka upo malapit sa gate. Nakayakap na sya sa kanyang sarili halatang giniginaw na.

Nag mamadali kaagad akong bumaba at nag kuha ng towel at payon. Lumabas ako ng bahay at pinuntahan si Wais.

"Wise anong ginagawa mo basang basa kana oh." Galit kong sabi sa kanya.

Tumayo naman sya kaagad muntik pa syang ma tumba buti nalang nahawakan ko.

"Ang lamig Vee." Nanginginig na sabi nya sa akin.

"Tara Wise para makapag bihis ka kaagad."

Nilagay ko na sa balikat niya ang towel at pumasok na kami sa bahay. Pinapunta ko sya sa banyo para makaligo na sya binigyan ko din sya ng damit. Habang nag hihintay sa kanya ay inayos ko ang kwato ko ang kalat kasi hindi ako nakapag linis kanina.

Ilang minuto ay lumabad na sya ng banyo habang nakayakap sa sarili nya. Giniginaw parin sya kaya kumuha ako ng jacket at biningay sa kanya.

Dinampi  ko ang kamay ko sa leeg nya ang init linalagnat sya kaya pinahiga ko muna at pinunasan sya ng maligamgam na tubig. Habang nag pupunas ako sa kanya ay minulat nya ang kanyang mata at nagsalita.

"I'm sorry to make you cry, please let me explain Vee." Nag mamakaawa na sabi ni Wise.

"Wag ka munang mag isip mag uusap tayo kapag magaling kana." Taning sagot ko.

Tumango lang sya at pinikit na ulit ang kanyang mata. Nakapag disesyon na ako papakinggan ko muna sya pero hindi parin kaagad ako maniniwa sa ngayon magpapagaling muna sya.

Pagkatapos ko syang punasan ay tumayo na ako at niligpit ang mga gamit. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa room nila mama don muna ako makikitulog. Para may kasama din sya wala kasi si papa may business trip kasi sila.

Kumatok muna ako at pumasok nakita ko si mama na may ginagawang paperworks.

"Oh anak may kaylangan kaba?" Tanong nya.

"wala naman ma, Dinto muna ako makikitulog ma." Sabi ko at umupo sa kama.

"Bakit anak?"

"Gusto lang po kitang makatabi at nandon po si Wise sa kwarto ko nilalagnat po sya kaya don ko nalang pinatulog." Paliwanag ko sa kanya.

"Gusto mo talaga akong makatabi o gusto mo syang iwasan?" Nang aasar na tanong ni mama.

"Ma naman gusto po kitang makatabi at wala po kayong katabi ngayon dahil wala si papa sasamahan ko nalang po kayo."

"sabi mo hindi mo sya kilala anak." nang aasar na sabi nya.

"Ma' naman" naiinis na sabi ko sa kanya.

"I'm just joking anak ang seriouso mo naman." sabi nya at tumabi sa akin umupo.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin anak?"

"Ayaw ko lang po kayong mag alala."

"Kahit na anak mararamdaman ko ehhh.... Kasi nanay mo ako, kahit hindi mo sabihin ramdam kung may mali"

"sorry ma, dahil hindi ko sinabi sayo"

"Its ok anak basta sa susunod sabihin mo sa akin para kahit papaano hindi mabigat diyan." sabay turo sa puso ko.

Hindi ko na sya sinagot at yumakap nalang sa kanya. Ngayon ko lang hindi nasabi kay mama ang problema ko kase simula palang bagkabata at hanggang nag college ako sya lang ang nasasabihan ko. Kong wala si mama si nanay ang palagi kong nilalapitan.

Maganda naman ang relation namin ni papa pero hindi kami masyadong close. Dati kapag galing syang ibang bansa parati nya akong dinadalhan ng regalo o di kaya mamasyal kami kahit san ko gusto.

Pero nagbago yon nong sinabi ko sa kanila na I am a gay. Naging mas busy pa sya parang wala na syang time sa amin dahil kapag dumating na sya sa bahay. Baka sa susunod na araw nandon nanaman sya sa companya dahil may meeting nanaman sya.

Simula nong umamin ako hindi na kami masyadong nag uusap. Pero kapag may pagkakataon kakausapin ko si papa at aayain ko syang mamasyal katulad ng dati naming ginagawa.

Sa ngayon ito munang problema namin ni Wise ang fucos ko...


___
Sorry po natagalan. Naging busy kasi sa school ang raming pinagawa sa amin haha. Maraming salamat sa inyong lahat. ❤️

END GAMEWhere stories live. Discover now