Althea Point of View
MATAPOS ang pag-eexplain na ginawa ni mama, nanatili parin akong nakatingin sakaniya. Though, the man in my dreams already told me about this, I can't help but be shocked. To be honest, buong akala ko ay hindi 'yun totoo pero ito nga truth-wise totoo pala ang mundong 'yun.
"Alright, let's end this talk. Mamaya I want you na mag drop out sa paaralan mo. And half a year later, you will go to Sky Fall Academy" sabi ni mama na kinakunot ng noo ko.
"Sky Fall Academy?" Tanong ko kay mama.
"Yes, Sky Fall Academy, isang akademya kung saan ka nababagay, ang akademya na iyon ay isang paaralan ng mga katulad mo, natin. Natin na may kapangyarihan." She answered.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay mama, "Alright ma, mag dadrop out ako sa school at pupunta sa Archaidry para mag-aral sa Sky Fall Academy. World full of Magic? Haha, mahirap man paniwalaan pero siguro ito ang time na mag explore ko. Babush ma, maliligo lang ako at pupunta ako mamaya sa paaralan. " Sabi ko dito,
Hindi ko na hinintay ang reply niya at agad na tumakbo papunta sa CR, bago pa ako makapasok nakita ko si mama na nakangiti habang umiiling. Siguro hindi niya inaasahan na ganoon ang reaction ko. Siguro she was prepared for the worst.
Mabuti nalang at sinabihan ako ng lalaki sa panaginip ko na ama ko raw. Kung hindi baka hindi ko madaling natanggap ang katotohanan ngayon.
Pagpasok ko sa Cr ay agad akong naligo, iniisip ko kung ano ang magiging reaction ng mga teachers and classmates ko pag nalaman nila na mag dadrop out ako. Siguro mabibigla? Well no one knows.
•-•
10:00 AM tapos na'ko magbihis, papaalis na'ko ng bahay at papunta na'ko sa paaralan para ipaalam na mag drop out ako.
"I will train you for half year, Althea..." Dinig kong saad ni mama, hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lamang sa paglalakad patungo sa labas ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong napapikit ng aking mata.
Ninanamnam ang hangin at paligid, siguro mamimiss ko 'tong environment na ito. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad papunta sa paaralan, walking distance lang naman mga 5 minutes kaya hindi na ako nag abala pang sumakay ng taxi, though hindi ko na kailangan pang mag tipid, since aalis din naman kami sa lugar na 'to, ay gusto kong namnamin ang kasalukuyang tanawin. Half a year, aalis na ako sa mundong 'to. And I'll make sure to enjoy my time here.
5 minutes later ay nakarating na'ko sa gate, nakita ko naman si manong guard, naka close ang gate ng paaralan, siguro para walang makalabas, binubuksan lang naman nila ang gate pag uwian na.
Tinignan ko ang pangalan ng school. Chaldev National High School. Huminga ako ng malalim at naglakad patungo sa maliit na gate sa gilid. May malaki at maliit na gate kasi ang CNHS,
"Nako ineng, 10 AM na oh, bakit ngayon kalang?" Sabi ni manong guard, ngumiti ako dito, mabait itong si manong guard, hindi katulad ng ibang ng guard na parang ang taas ng tingin sa sarili at ang sungit-sungit.
"Eh kasi manong guard, si mama hindi ako ginising ng maaga kaya ito. " Sabi ko dito habang naka ngiti.
Ngumiti din si manong guard sa'kin at binuksan ang gate "Oh hala sige, pumasok kana. Mag lalast period na oh, " sabi ni manong guard.
Nagpasalamat ako sa Guard at pumasok sa loob ng paaralan, dahan dahan lamang ang hakbang na ginagawa ko, wala akong masiyadong estudiyante na nakikita, siguro nasa klase silang lahat.
Nakangiti ako habang tinitignan ang paligid, ngayon ko pa lamang napagtanto na ang ganda pala nang scenery ng CNHS, siguro this will be my last time seeing this scene, this school. I'll miss this, for sure!
BINABASA MO ANG
Sky Fall Academy: A Taste of Magic
De TodoWhat if your supposed to be ordinary life changed after you witness something you shouldn't have? Come, and join the journey of Althea to the world of Archaidry. Ready yourself and be a witness of a wonderful Magic story of the Lost mage.