Nagmamadali patungo sa kusina. Amoy palang ng fish fillet ay nalalasap na ako. Umupo ako sa counter, nang hindi makahintay ay tumayo ako at lumapit sa niluluto. Nawala ata lahat ng hiya at ilang ko kay Mr. Loggy kapag pagkain na pinag-uusapan.
"Matagal pa ba yan?" diretsyong tanong ko. Lumingon siya saakin bago bumalik sa ginagawa. Bumalik ako sa counter at nilibang ang sarili.
Nabuhayan ako ng loob ng makita siyang may hawak na dalawang plato ng fish fillet. Nauna siyang maglakad sa dining room kaya sumunod ako.
Bago pa niya malagay ang hawak niya sa malaking dining table ay nauna akong umupo sa upuan. He looked shocked, tapos tumawa ng mahina.
Kanina pa ako natatakam. Sana sa future hubby ko, magaling din siya magluto.
Kumuha ako ng maliit na piraso at tinikman ito. Hmm, heaven.
"Ang galing-galing mo talaga magluto."
The best talaga tong si boss. He smiled as a response.
"I'll teach you next time," wika nito. That's means... hindi na ako magtitiis sa mga canned foods?
Sa gitna ng tahimik naming dinner, bigla siyang nagtanong.
"Your necklace," turo niya sa suot kong kwintas, "Where did you get that?"
"Hmm? Ito ba? Noon pa to, binigay saakin nung batang lalaki." sagot ko. Bata pa lang ako, madilim na talaga buhay ko. Ayaw ko ng umuwi sa bahay noon kaya nagtatambay nalang ako sa malaking puno ng sampalok para magpahinga tapos may lumapit saaking dayuhang bata at naging magkaibigan kami tapos yun binigay niya saakin.
"Bakit mo na tanong?"
"It's quite familiar.."
Since siya naman nagluto, ako na magliligpit. Hinintay ko muna siyang matapos.
"Ako na magliligpit,"
Niligpit ko kaagad ang pinagkainan namin. Dumeretsyo kaagad siya sa taas, siguro magpapahinga.
In-off ko ang ilaw at pumunta ng kwarto ko. Bago pa ako makarating sa pinto ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Logan.
"We'll visit my grandparents tomorrow. It's really far so get ready." wika nito.
"Huh? May trabaho ako bukas--"
"Goodnight.." putol niya sa sasabihin ko bago sinara ang pinto. Iniwan ako sa gitna ng tahimik at madilim na hallway. umihip ang malamig na hangin, wala naman sigurong multo dito?Tinakbo ko na ang daan patungo sa kwarto ko.
++
"Malayo ba talaga?" tanong ko sa kanya. Isang oras na kaming nagbabyahe. Ginising niya pa ako ng maaga para maaga rin daw kami makarating.
Nagsisimula na akong nakaramdam ng gutom. Madilim pa ang langit dahil alas 5 pa naman ng umaga. Mabuti nalang nagbaon ako ng biscuits kundi mamamatay talaga ako sa gutom. Hindi pa bukas ang mga tindahan dito.
Tatlong araw kaming mag-iistay doon. Lumingon kaagad siya saakin ng marinig ang tunog ng pagbukas ko sa skyflakes. Mahina akong napatawa, gutom na rin siguro ang ff ko, fake fiancee. Kumuha ako ng isa pa at inilahad iyun sa kanya.
"Hindi pa to ang agahan natin ah, hihinto pa tayo para kumain."
Ilang minuto kaming tahimik. Tanging ang tunog lang ng skyflakes sa bibig namin ang maririnig mo.
Bumalik ulit sa tahimik ang paligid, pinikit ko ang mga mata ko. Kulang pa ang tulog ko dahil hindi ako makatulog kanina ng maaga.
++
YOU ARE READING
One Unexpected Night (Oheo Series #2)
RomanceOne unexpected night, Tiffany Alaia wakes up in a mysterious room. Next to him is the man he just met. She knew she drank some juice before she felt the heat of her body. It's like looking for something. Because of that night, her quiet life gradual...