Chapter 6

23 3 0
                                    

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Ilang minuto na kaming naglalakad.

"Huh? I'm following you."

Buntong-hininga ako at kinalma ang sarili. Sinusundan ko lang din siya.

"Nasaan na ba tayo?"

"I-I don't know."

Napatampal ako ng mukha ko. Kanina pa kami pa lakad-lakad tapos nagmukha lang pala kaming tanga.

"Hindi ka ba nagugutom?"

"Are you?"

Pumasok kami sa food court ng maliit na grocery store. Bumili siya sa isang food stall ng takoyaki. Hindi tuloy ako makapili ng kakainin. Lumapit ako sa potapo fries at doon nalang bumili.

Pagkabalik ko sa upuan ay naabutan ko si Logan na nakatayo sa harap ng upuan.

"Sabi ko sayo huwag mong iwan ang mesa, yan tuloy!"

Hinintay ko nga siyang bumili para siya muna magbabantay. Tatayo nalang kami hanggang sa matapos? Punong-puno pa ng mga tao.

"I'm looking for you then when I came back--"

Inirapan ko siya at lumabas ng food court. Sumunod siya saakin hanggang sa makalabas kami ng mall. Inis kong kinagat ang fries ko.

Sumukay kami sa kotse at doon kumain. Ang init-init sa labas tapos ang daming naghihintay na makaupo roon, makakaupo pa ba kaya kami?

"It's not my fault. I was looking for you then--"

"It's still your fault." putol ko sa sasabihin niya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko nang nagvibrate ito. Nakita kong may text message si Steffie.

Steffie:
May bagong club malapit sa condo ko. Try natin!

Calla:
Kailan?

Ilang minuto bago nag reply si Steffie,

Steffie:
Sa sabado nalang siguro?

Calla:
G ako, ewan sa isa diyan

Nagtipa ako ng reply, bago ko mapindot ang send button ay napansin kong nakatitig si Logan sa cellphone ko. Kaagad kong iniwas ang cellphone ko at sinend iyun.

Ako:
Next weekend nalang mga guys, busy em.

"What does em stands for?" tanong nito.

"It stands for me.. teka"

Gulat ko siyang pinagmasdan, chismoso pala tong si Loggy.

"You drink?" tanong niya saakin.

"Kaya nga may nangyari saatin eh." mahinang sagot ko at natawa sa reply ni Calla.

Calla:
Are you seeing someone, Tiff?

Tumipa ako ng reply at kukuha sana ng fries pero bigla nalang kinuha ni Logan sa hita ko. Nilakihan ko siya ng mata kaya sinauli niya kaagad saakin matapos kumuha ng maraming piraso.

Ako:
Lol HAHA

Pinatay ko ang cellphone, "Saan tayo pupunta?" tanong ko ng makitang pinandar niya ang kotse.

"A place where I was once belong,"

Curious akong napalingon kay Logan. A place where I was once belong? Saan naman?

Ilang minuto kaming nagbyahe bago nakarating sa isang malaking bahay na puno ng maraming batang naglalaro.

Bumaba si Logan sa kotse kaya bumaba rin ako. Pumasok siya kaya sumunod ako. Lumingon saamin ang mga bata bago sila nagsitakbuhan papalapit sa direksyon namin.

One Unexpected Night (Oheo Series #2)Where stories live. Discover now