CHAPTER 4
"ALAM MO ang weird mo, Bakit ba kasi gusto mo akong maging kaibigan, eh Hindi naman ako mahilig maki-sama." sabi ko at napa iling.
naguguluhan talaga ako sa lalaking to, Bakit gustong-gusto niya akong Kinakaibigan, eh alam naman niyang na Hindi ako pala kaibigan at Nagsasalita, isang tanong isang Sagot lang ako eh.
"Bakit Ayaw moba nang kaibigan?"
napa titig ako sa kanya at hindi naka sagot.
Ayaw koba?
nung isang araw lang inaaway ko si mama kasi hindi niya ako pinapayagan na makipag kaibigan, tas ngayon may nakikipag kaibigan sa akin hindi ko gusto?
Ano ba talaga ang gusto ko?
Hayst! Ewan naguguluhan ako, dahil firstime na may nakikipag kaibigan sa akin.
Mag sasalita na sana siya nang Biglang tumunog ang Cellphone niya, kaya nabaling ang attention niya doon,
hindi ko nalang siya pinansin at Nakipag laro na lamang ako sa Aso Niya.
Nakaka tuwa pala pag may Aso, Saan kaya pwedeng mag-apon nang isa?
"nag-away ba kayo ni tita?"
napa tingin naman ako sa kanya dahil sa tanong niya at napa kunot noo,
Pano niya na laman yun? itatanong kopa sana sa kanya Kung paano niya nalaman pero na realize ko
Baka yung Text na natanggap niya galing kay Mama.
"Mukhang meron nga," Concluded niya sabay pakita sa akin nang phone niya "Lumayas ka daw sa bahay niyo, kaya kaba nandito?"tanong niya
Napa kurap naman ako at napa iwas nang tingin sa kanya
"Ano naman sayo kung ganun nga?"bulong pero tamang tama lang para marinig niya.
Napa buntong hininga naman siya.
"nag tatanong kasi siya kung nakita ba daw kita"
Napa tigil naman ako sa pag Haplos sa Aso.
Hinahanap niya ako? Akala koba may trabaho siya ngayon? bakit pa niya akong pag-aaksayahan nang Oras na hanapin?
"Hinahanap ka niya, sasabihin koba kung nasaan ka?"dugtong niya.
Mabilis naman akong Umiling at hindi kumibo. Masama pa din ang Loob ko sa kanya.
Ayaw ko munang Umuwi, pag umuwi ako baka mas mag-away pa kami pag na abutan ko siyang gising.
"Gusto mo sabihin ko na sunduin ka niya dito?" tanong niya.
mabilis akong napa tingin sa kanya at Umiling dahil sa sinabi niya
"Wag!" tutul ko, "Ayaw ko munang Makausap siya, kaya wag mong sabihin"bulong ko.
Sandali siyang napa Titig sa akin, at mukhang nagiisip din kung susundin ba yung sinabi ko, kaya napa iwas na lamang ako nang tingin
"Pag-umuwi ako ngayon at naabutan ko siya baka Mag-way lang kami, at isa pa kung pupuntahan niya ako baka may maka kita sa kanya delikado yun, kaya wag mo nalang sabihin, uuwi din naman ako mamaya, pag na himas-masan na" sabi ko
Narinig ko naman na napa buntong hininga siya.
"Okay, sege sasabihin ko nalang na kasama kita, para hindi na siya mag-aalala, ihahatid nalang kita sa inyo mamaya pag Okay kana"sabi niya at nag simula nang mag tipa sa Cellphone niya.
pinabayaan ko nalang siya na gawin yun, para hindi na niya ako kulitin na umuwi, at para hindi na din mag-alala si Mama.
"Nag-aalala siya sayo"sabi niya.
YOU ARE READING
"My scenery of Ecape" (BTS SERIES 6) KIM TAEHYUNG
RandomKim Tae-hyung (김태형), better known by his stage name V (뷔), is a South Korean singer-songwriter, composer, producer and actor. He is a vocalist, a dancer and a visual of BTS. Being in the spotlight for kim Tae-hyung is now toxicating, everyone is wa...