CHAPTER ONE: Like Nothing Ever Happened
"My love for you~ yeah!"
One word, nakakarindi. Kanina pa kanta ng kanta si Cassy sa tabi ko-- ay correction pala, magti-three days na niyang kinakanta ang korean song na iyan at halos ma-memorize ko na ang kataga't nota. Walang kasawa-sawa, hindi ba niya naiisip na sawa na rin ako?
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. Kaya nga ako nag-education kasi hindi ako mahilig sa arts eh! Huli na nang mapagtanto kong kailangan ko pa pala gumawa ng mga teaching aides, kaasar. LIKE DUH?
"Ulit-ulit? Hindi naman maganda," pambabash ko nang marinig kong nasa start na naman pala siya ng kanta.
Apaka-consistent!
She gave me an amused look. The typical look kapag binabash o sinasabihan ko ng kahit anong negative yung 'oppa' niya. Grabe din ang tainga, rinig ko pa sa kinauupuan ko yung music sa headphones niya, narinig pa niya ako? Hanep, sana hindi ito mabingi.
Isa pang by the way, si JD ay isang Korean actor na nandito sa Pilipinas. Like Sandara Park? Alam niyo naman ang mga pilipino. Nag aral lang siya dito for a small amount of time ay Filipino pride na ang tawag. Lumalabas din siya Phillipine TV though—BASTA! Bakit ba ako nage-explain?! Like CAPITAL DUH?! Ako ang bida diba?
"If I know..." Hindi ko na narinig pa yung iba niyang sinabi dahil sa pabulong yun at wala namang bulong na naririnig kasi ang bulong ay mahina. Share ko lang kasi baka hindi mo alam.
By the way, she's my closest friend in here. The name's Cassandra Clare Mendoza, Cassy for short, Cass for shorter, CC for shortest. Part-time business management student, full-time kpopper. May kasunod pa yung course niya eh pero hindi ko na matandaan. And for your information lang naman, she's a heiress, being the only child of the CEO and owner of the Mendoza Group of Companies. Yun ang bruha, todo aral, bwahahaha! Magkakilala na kami since elementary. Sinusundan niya nga ako eh. Nung nalaman na lumipat ako ng school for high school eh nagpa-transfer din kaya heto kami ngayon magkasama hanggang college but that's not the point . Ako ang bida sa story na 'to di'ba?
By the way ulit... Nasabi ko na ba na KPOPPER siya? Oo ata, pero sige uulitin ko ulit. Ewan ko ba d'yan college na pero nakiki-kpop pa rin. Makalimutan niyo na ibang traits niya, huwag lang ito.
"Whazzup coconut?" Gaya ng inaasahan ay break time din ni coconut.
"Tantanan mo ako sa coconut mong 'yan, Pedro," sabi ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa ginagawa. Sino ba kasing nag-design ng ganito kalaking cartolina? Kairita, nagugusot eh!
"Sabing hindi nga Pedro, ano na lang sasabihin ng mga chiks niyan?" asar niyang pagmamaktol. Bakit sa akin siya nagmamaktol? Ako ba nagpangalan sa kaniya?
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa pangalan niya. More than three years na kaming magkakilala pero LT talaga men. Like duh? Sinong magpapangalan ng Pedro sa panahon ngayon?
Mirren Pedro Fernandez, gaya ni Cassandra ay business management student. Ano bang major nito? Hindi ko rin sigurado eh, lagi ko rin namang nakakalimutan. We call him Mirren or Ren on normal basis, and Pedro kapag trip namin, minsa'y MP nang ito ay nalasing. Gaya ni Cassandra ay megaphone din ang bunganga. Obvious naman siguro.
"Kung may chiks ka pala ay bakit nandito ka na naman, Pedro?" si Cassy naman ngayon.
May point naman siya dahil mala-outcast ang vibes nito sa ibang tao. Tahimik around strangers and sa amin...DUH? Hindi ba halata, napaka-ingay?! Kaunti na lang ay iisipin kong spy siya ng mga mafia na gustong pumatay sa amin ni CC kasi nasobrahan kami sa ganda, mas lamang nga lang ako. Kami lang kasi ang sinasamahan niyan, suspicious, diba?
BINABASA MO ANG
Chasing the Spotlight
RomantikRising to the top since his debut, JD is young yet so successful. Being one of the most popular KPOP idol in this generation, all eyes are on him, the spotlight's on him. On the other hand is Andrea Rhyll, the go-with-the-flow girl who has a dream o...