CHAPTER 18: As Always
Kanina pa kami nakarating sa Maynila. Ngunit imbis na pagod ang maramdaman ay mas lamang ang pag-aalala ko kay Jae na naiwan pa rin sa Pangasinan. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay niya sa Tagaytay dahil nahihiya na rin naman ako kay Mirren. Siguradong pagod na siya sa mahabang biyahe.
I sighed while staring at the materials I am preparing for tomorrow--I mean, mamaya. First day kasi ng practice teaching namin. Thankfully, hindi ako na-assign sa malayo. Sana lang ay hindi ako sabog na magtuturo mamaya, kulang na kulang na naman ang tulog ko at kasalanan iyon ng koryanong hilaw na iyon. Pakyu men! Charot hehe, labyu talaga iyan.
I texted Jae kaninang pagdating namin ngunit hindi pa rin ako nakakakuha ng response. So I decided to call him before I sleep.
Strangely, the phone was off. Ano kayang nangyari?
Naghintay ako pero hanggang sa magising at makarating sa school ay wala akong natanggap na kahit ni isang message. Baka kasi nagpapahinga lang at nakalimutan mag-reply.
Inabala ko na lamang ang sarili sa mga ginagawa para hindi na mapansin ang pagdaan ng oras. At para na rin hindi mapansin ang pag-aalala ko sa kaniya, na parang hindi naman magagawan ng paraan.
Hindi naman pwedeng bumalik ulit ako doon. Aral muna bago landi, chos.
Recess ng mga bata ngayon. Hindi na rin ako lumabas kasi wala naman akong kakilala rito. Buti na lang at mabait naman ang mga ito. Balita ko kasi ay high school ang isa sa mga pinaka-mahirap turuan.
"Bilhin mo na yung collection ko, mura na nga lang eh."
"Bakit ba kasi binebenta mo na? Diba favorite mo yan? Sayang naman.."
"Gaga, diba nga may issue na si JD, ayaw ko na sa kaniya. Tulungan mo na lang ako magbenta."
Napakunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ni Jae. Tumunghay ako sa dalawang dalagang nag-uusap habang kumakain ng burger.
"Malay mo hindi totoo 'yon? Tsaka diba naiatras na yung kaso?"
"Syempre binayaran na niya iyon, dami niya kayang pera."
"Ano yang pinag-uusapan niyo ha?" kunwaring sabat ko sa kanila. Maliit lang din ang agwat sa mga edad namin kaya hindi ako masiyadong nahihirapan sa communication. Bessy-bessy lang ganern. Tampalin ko to mamaya tignan niyo, chos, hehe.
"Ma'am Andrea, yung paborito po kasi niyang KPOP idol eh may issue," parang nahihiya pang sagot ng isa.
"Si JD ba yan?" kunwaring tanong ko ulit. Rinig na rinig naman ng chismosa kong tainga kanina ang pag-uusap nila eh.
"Opo, Ma'am, kilala niyo rin po?"
"Oo, boyfriend ko 'yun eh,"walang prenong sabi ko. They both gave me a look, halatang hindi naniniwala. Sino ba naman kasing maniniwala kapag kaswal ko lang na inamin iyon diba? Kaya nga rin malakas ang loob ko kasi alam kong hindi sila maniniwala, DUH. Tiklop 'tong mga 'to kapag na-reveal na kami talaga, chos ulit.
"Fan din po kayo?" Tinanguan ko naman ito. Hindi naman talaga ako fan, girlfriend nga. GIRLFRIEND. Kulet ah. "Naniniwala po ba kayo doon sa issue niya?"
"Hindi," maikling sagot ko.
"Bakit po?"
"Sabi niya sa akin, hindi daw totoo eh. Magkausap kami kahapon," kaswal na sagot ko ulit. At mga bata nga naman, hindi marunong makinig sa mas nakagaganda sa kanila. Totoo namang kausap ko siya kahapon eh! "O siya mag-ayos na kayo, magi-start na tayo."
Palabas na ako sa classroom nang i-check ko ang cellphone. Hindi ko na rin ito napakialaman kanina dahil sa busy rin ako. Ganoon na lamang ang tuwa ko nang makitang sumagot na iyong koryanong hilaw. Aba dapat lang, hindi magandang pinaghihintay ang magaganda.
BINABASA MO ANG
Chasing the Spotlight
RomanceRising to the top since his debut, JD is young yet so successful. Being one of the most popular KPOP idol in this generation, all eyes are on him, the spotlight's on him. On the other hand is Andrea Rhyll, the go-with-the-flow girl who has a dream o...