Chapter 27

1.2K 27 1
                                    

Scarlet's POV



 

PARTY TIME!



Tinext ko na sila Train para sabihin na samahan ako dito sa bar para mag celebrate! Tapos na lahat ng project ko. Napasa ko na ang outputs at hindi ako nakatanggap ng revision para sa Thesis. Feeling ko talaga mamamatay na ako sa sobrang saya.

Umupo na ako sa may counter para umorder ng drinks. Maglalasing ako hanggang sa kamatayan!

"Look who's here"

Napatingin ako kay... sino nga ulit yung prof? Nakalimutan ko na.

"Hi" simpleng sabe ko at ngumiti.

"Waiting for someone?" bulong niya at na-amoy ko na yung hininga niya. Amoy alcohol.

"For frie—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko nagulat ako nang hilahin niya ako patayo at halikan.

Natigilan ako at hindi ako makagalaw. Ngayon lang ulit ako nahalikan ng isang lalaki maliban kay Raven. Si Raven ang unang humalik saken. Kahit ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan yung pakiramdam nung unang nagdikit ang labi namen. Yung kaba, kilig, tuwa, pagkagulat at saya ay naramdaman ko sa loob ng maikling oras. Hindi ko aklain na mararamdaman ko yun ng sabay sabay dahil lang sa isang halik.

Akala ko lahat ng lalaking hahalik saken ganun ang ipaparamdam saken kaya natakot ako subukan magmahal ng iba. Natatakot ako na maramdaman ko ang naramdaman ko kay Raven at maiwan ulit. Sobra ko siyang minahal at hindi ko pa kaya magtiwala ulit.

Napatitig ako sa lalaki sa harap ko. Wala akong naramdaman kundi kaba. Kinabahan lang ako pero bukod dun wala na.

Niyakap niya ako bigla na kinagulat ko. Ang bilis ng tibok ng puso niya para sa isang lasing.

"Scar"

Napatingin kame pareho sa pamilyar na boses. Nakita ko si Train, Madeline, Chloe at Raven. Nakatulala lang sila na nakatingin sa amin. Kahit ako hindi ko alam sasabihin ko.

"Raven!" nagulat ako ng lapitan ni Kuyang Humalik saken si Raven.

"Cal" gulat na bati ni Raven.

Magkakilala sila?

"Ang hot nun ah" napatingin ako kay Chloe na nakasuot ng Red dress.

"I agree. Kelan pa naging kayo ni Calix Irwin?" tanung ni Mads na naka black tank tops at short.

Calix pala pangalan niya.

"Hindi kame. Paano niyo siya nakilala?"

Nanlaki mata nila na parang nakakapagsalita ako ng Spanish.

Status: M.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon