Prologue

23 0 0
                                    

Hindi ko lubos na maisip na kaya ko pala palang maranasan ang ganitong klase ng saya. Akala ko noon, hindi ko na muling matatamasa ang kapayapaan sa puso na mayroon ako ngayon, yung kapanatagan na walang halong pangamba na baka bukas bawiin lang sayo lahat ng saya na nararamdaman mo ngayon.

Oo, napagod ako.

Naiisip ko pa din hanggang ngayon ang mga araw na pinili kong sumuko at magpadala sa sakit na dumugurog sa puso ko. Mga araw na puro kadiliman lang ang nasisilayan ko.

Wala pa ako sa patutunguhan ko. Malayo pa, subalit alam ko na sa aking paghakbang, unti-unti akong umuusad. Lumalayo na ako sa lugar na minsan kong niyakap dahil akala ko, hindi ko na kaya pang abutin ang dulo. Akala ko, ganun kadaya ang mundo para pagkaitan ako ng konting kasiyahan.

Naaalala ko pa noong minsan ay may nagtanong sa akin, na kung bibigyan ako ng pagkakataon na baguhin ang past ko, ano iyon at bakit?

"Gusto kong balikan lahat ng mali upang itama ang lahat"

Iyon ang sagot ko sa isip ko. Gusto kong balikan ang lahat ng mga maling desisyon ko noon, na hanggang ngayon at pinagsisihan ko. Mga pagkakamaling palagi akong dinadalaw sa kalaliman ng gabi at sa mga panahon na nais ko lamang ay ipahinga ang ingay na aking naririnig sa mahabang katahimikan.

Totoo pala talaga ang konsensya.

Totoo pala talaga na babagabagin ka nito. Uungkatin ang lahat kahit sa pinakamaliit na kasalanan na meron ka. Nanakawin nito ang kapanatagan at kapayapaan na meron ka. Hanggang matagpuan mo na lamang ang sarili mo na hindi ka na masaya.

May kulang na pala. Subalit hindi mo mabatid kung ano.

Sumagi din sa isip ko ang mga pagkakataon na maraming beses kong pinanghinayangan na hindi ako sumubok pero ang bilis kong sumuko.

Tumatak sa isip ko na baka hindi lang para sakin ang mga bagay na iyon pero ang totoo, sarili ko pala ang humadlang para makuha sana yun. Yung tipong kalahati ng isip mo na sinasabi na kaya mo, pero yung kalahating bahagi na nagsasabing hindi para sayo kaso naniwala ka. Akala ko hindi para sa akin pero ang totoo, natakot lang pala ako magsimula.

Sumuko ako kaagad pero hindi pa nag-uumpisa.

I am at peace knowing that what is meant for me will never miss me and what missed me was never meant for me.

Iyan ang motto ko noon. Pero sa paglipas ng panahon napagtanto ko na ang pangarap ay pinaghihirapan, hindi pinapangarap lang.

Minsan ang sarap mangarap ng mga imposibleng bagay kase iniisip mo na hanggang pangarap lang. Libre lang mangarap. Minsan sa sobrang taas ay hindi mo kayang abutin kaya nag settle na lang tayo dun sa mabilis makuha. Yung tipong may mas maibibigay pa tayo pero nakontento ka na lang kase ayaw mong paghirapan.

Sabagay, mas madali nga naman isisi sa mundo ang mga bagay lalo na at namulat ka sa kakapusan sa buhay. Mas madaling sabihin na pinanganak akong mahirap kaya wala akong narating. Pero dadating sa punto na sasagi din sa isip mo na ang bawat nangyayare sa buhay ng tao ay hindi lamang naayon sa panahon o dahil naipit ka sa mga pagsubok na dumating sayo, ito ay bunga din ng mga naging desisyon mo. Tayo ang pumipili ng sarili nating daan.

Patuloy ang pagragasa ng mga alaala sa isip ko habang tinatanaw ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid. Nakakaaliw tingnan ang pagpagaspas ng kanilang mga pakpak habang nagsusumikap na makalipad ng mataas at makalayo. Hindi ko lubos maisip kung paanong namumuhay ang mga ibon na ito. Saan kaya sila kumukuha ng pagkain? Paano sila nakakaraos sa araw-araw? Hindi ko maiwasang isipin ang mga ibon na nakakulong sa hawla, ang iba ay may tali sa paa, hindi gaya ng mga nasa himpapawid.

Malaya.

Sana ay ganun ang diwa at damdamin ng tao. Malayang makapaghayag ng saloobin upang ng sa gayun ay walang pinagsisisihan na hindi nasabi o nagawa. Malayang maabot ang mga minimithi sa buhay gaano man kahirap o kapalit man nito ay luha at pawis. Malayang madama ang saya na walang halong pangamba na panandalian lamang ang lahat at mabawi lang ito pagpatak ng bukas. Ngunit sa iba ay mapaglaro ang buhay.

May mga pagkakataon na binibigay mo na ang lahat pero hindi pa din sapat pero hindi din ibig sabihin nun ay hanggang doon na lang ang dapat sayo.

Everyone deserves better. Everyone deserves happiness.

Magpahinga kapag napapagod pero babangon ulit. Iiyak ngayon pero bukas ngingiti. Hindi araw-araw puro luha at pait, at hindi din bawat araw ay puro lang saya. Because one of the constant thing in this world is change.

Lahat nagbabago. Ang mga pinagdadaanan mo ay mag-iiba. Minsan mas bibigat pero mararanasan mo din ang kagaanan.

Darating ang pananahon na lubusan mong maiintindihan kung bakit mo pinagdaanan yung mga masasakit na nangyare sayo. Mga mabibigat na dumurog sayo, mga taong umalis sa buhay mo at mga taong nanatili habang pinagdadaanan mo ang lahat ng ito.

Kung itatanong muli sa akin na kung magkakaroon ako ng pagkakataon na baguhin ang past ko, ano iyon at bakit?

Wala na akong nais na baguhin.

Ang mga nangyare sa akin ay nagsilbing aral at pagpapala sa buhay ko gaano man kamali, o kabigat ang mga nagawa ko noon. Ipagpapasalamat ko pa na nangyare ang mga bagay na iyon sapagkat doon ako natuto at lumago. Doon ko natutunan ang maging mapagpakumbaba, sapagkat kung wala tayong naging pagkakamali ay wala tayong itatatama at wala tayong matututunan. Hindi ko ipinagmamalaki ang mga maling desisyon sa buhay ko pero hindi ko din ikakaila. Iyon ang naghubog sa aking pagkatao, at nagbigay daan sa akin upang pagsumikapan ang kung ano ako ngayon at meron ako ngayon.

Doon ko lamang din lubusang naunawaan ang lahat.
Ang mga kabigatan na dumadaan sa buhay natin ay pinahintulutan ng Diyos na maganap sa atin hindi dahil nais nya tayong pahirapan kundi dahil nais niyang ipaunawa sa atin na may mga bagay na hindi natin kayang gawin na sya lamang ang makakagawa. Gaano man ito ka-imposible.

Nais Niya na kapag pagod na tayong lumaban sa hamon ng buhay ay sa Kanya tayo magpahinga at sa Kanya tayo humugot ng lakas. Kadalasan ang mga pagsubok din na ito ang nagiging reason kung bakit tayo lumalayo sa presensya Niya. Dahil akala natin ay pinabayaan nya tayo. Na kapag nasasaktan tayo ay iniisip natin na iniwan tayo ng Diyos pero ang totoo, tayo ang nakalimot sa Kanya.

Pinili natin pasanin ang bigat kahit meron naman na Diyos na nangako na sya na ang bahala sa lahat.

Pinili natin ang lumayo kaysa ang magpakumbaba. Kaya tayo paulit-ulit na nasasaktan at nasusugatan.

Oo, malayo pa ang lalakbayin ko, hindi ko alam kung ano ang kakaharapin ko sa daan. Malaya na ako sa kadiliman.

Malaya na ako ngayon, wala na ang bigat, wala na ang pait. Nakikita ko na ang ganda ng mundo.

I'm proud of you self. Sa mga hamon na hindi mo sinukuan, na kahit mahirap ay pinili mong lumaban. Salamat sa pagpili mo na maging matapang kahit na puro pasakit ang mayroon sa daan. At kung dumating man ang panahon na muli mong tahakin ang daan na sumugat at nagpaluha sayo, alam mong mas kaya mo na itong lakaran gaano man kadilim at mapanganib dahil ngayon ay hindi ka na nag-iisa.

Kasama mo ako saan ka man magpunta. Ito ang pangako nya.

Hello Overcomer (A Battle to Depression)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon