HO 3

28 0 0
                                    

Goals and Hindrances

I strived to become so much better.

Pinangarap ko na makasali sa Unit Meet, STAKAA at Palarong Pambansa. Pinangarap ko na din na maging  Athlete of the Year awardee sa graduation namin sa High School. Karaniwang napaparangalan lamang nito ay ang mga nakakalahok sa mataas na antas ng laro gaya ng Stakaa at Palarong Pambansa.

Naniniwala akong kapag trinabaho at pinagsumikapan mo ang pangarap ay maabot mo ito. Sipag at tiyaga ang puhunan sa tagumpay.

Pinalad ako na makasali sa Unit Meet ng tatlong beses sa sunod-sunod na taon mula first year hanggang third year, kaya naman pagtapak ko ng fourth year ay positibo ang pananaw ko na makakatungtong ako sa Stakaa.

Madami akong naging kaibigan noong dumadayo na kami sa ibat-ibang lugar. Sumasakay kami sa mga truck at pumaparada suot ang aming mga uniporme na pang atleta. Sa bawat taon din na ito ay palagi lamang akong tumatakas upang makasama sa pagdayo upang lumaban. Hindi gusto ng aking ama na sumasali ako sa ganitong laro dahil ang matibay niyang pananaw na ito ay panglalaki na laro lamang.

Nagrerebelde ang aking kalooban sa tuwing sinasabi ito ng aking ama, at palagi ko na lamang iniisip na kung ano ang kaya ng mga lalake ay kaya di ng gawin naming mga babae. Lumalakas lang din ang aking loob sa tulong ng aking nanay na kunsintidora. Kapag may dayo kami sa ibang lugar ay aalis ako ng bahay na naka uniform pang school at ang laman ng bag ko ay uniform sa pang compete sa laro. Ang nanay ko din ang pumipirma sa consent letter.

Magugulat na lamang ang aking tatay kapag nakikita ako na nakasakay sa truck kapag may parade o di kaya naman kapag kami ay papunta na sa ibang lugar. Minsan naman ay kapag may uwe ako na bagong medalya na inilalabas ko lamang at isinasabit sa dingding na may pako kapag maganda ang mood nya at hindi lasing dahil kung hindi ay baka mahambalos ako ng wala sa panahon. Uso pa noon sa probinsya na ipinangangalandakan ang mga medalya at sinasabit sa dingding sa may sala na animo'y ginto ito na parang kayamanan.

Subalit hindi pala sa lahat ng panahon na ang oras ay aayon sayo, gaano mo man kagusto ang isang bagay at gaano mo man paghirapan ito.

Hindi sa lahat ng oras ay aayon sayo ang takbo ng mundo at hindi lahat ng sa tingin mo na para sa iyo ay mapapasayo. Hindi pala ganun ang kalakaran sa buhay.

I was at my last year at highschool and graduating. Looking forward to claim that award with positivity and confidence thinking that all my hardships will pay-off.

I was busy with maintaining my grades, Alpha Company Commander of our ROTC and our District meet's coming near. Because of all the things pile up on my plate, akala ko nababalanse ko yung time ko sa pag-aaral, training sa ROTC at training sa sport.

At the day of our District Meet, nag-umpisa ang sa pagparade ang mga kalahok sa ibat ibang school. Paparada sila sa bayan sa umaga at after ng parade ay diretso sa oval para sa program.

Habang nasa parade ang nakakaramdam na ako ng hilo. Akala ko ay sa init lamang at malayo layo din ang nilakad namin, patuloy ko itong binalewala sa pag aakalang wala lang ang aking nararamdaman. Hanggang sa makarating na ang lahat sa Oval habang nakaharap sa may stage para makinig ng program at para na din sa panunumpa ng mga atleta. Hindi pa natatapos ang program bandang tanghali ay sumuka na ako at pinagpapawisan ng butil butil. Dumagdag pa na nakabilad kami sa initan. Sinabihan ako ng Coach namin na magpahinga muna sa clinic namin sa kabilang school. Nagtungo ako doon at kaagad na pinahiga ng nurse. Agad din akong nakatulog paglapat pa lamang ng aking katawan sa bed ng clinic.

Nagising na lang ako bandang alas 3 ng hapon dahil malapit na akong lumaban para sa 400 meter dash run. Bumalik ako sa oval upang hintayin na tawagin ang mga pangalan na magcocompete. Nararamdaman ko na nanglalambot ang katawan ko at namumutla din daw ako sabi ng mga kasama ko.

Nang tinawag na kami ay naglakad na kami sa kanya kanyang pwesto matapos namin bumunot. Hindi pantay pantay ang linya kapag nag start ang laro. Kapag napwesto ka sa may bandang kaliwang gilid ng oval ay ikaw ang pinahuli sa hanay samantalang kapag sa kanang gilid ka naman napwesto ay ikaw ang nasa pinakaunang hanay. Magiging pa slunt ang itsura ng pwesto ng mga manlalaro dahil ang nakabunot sa bandang gitna ay sa gitna pa din pupwesto.

Namukaan ko ang iba kong katunggali. Ang iba sa kanila ay nakasama ko na sa pagdayo sa Unit Meet nung mga nakaraang taon, at ang iba naman ay hindi pinalad at ngayon sinusubukang masungkit ang tagumpay. Nang marinig namin ang "On your Mark, Set, Go" at kasabay ng pagputok ng baril hudyat na pwede ng tumakbo ay kanyang kanya kami sa pagsusumikap na mauna na makarating sa finish line.

Nasa may bandang gitna na ako sa pagtakbo ng maramdaman ko na lula na ang paningin ko, nanghihina na ako, nakita ko pa kung paano ako naungusan ng kalaban ko galing sa likod ko habang tumatakbo. Nakita ko ang paglampas nila sa akin habang bumabagal ako sa pagtakbo at lumalayo na ang agwat namin habang tinatanaw ko na lang ang kanilang likod at patuloy pa din sila sa mabilis na pagtakbo malapit sa finish line.

Hindi ako sumuko, kahit ako na ang pinakahuli, sapagkat tumatak sakin ang sinabi ng coach namin.

Hindi lahat ng nauuna ay panalo, at hindi lahat ng nahuhuli ay talo, sapagkat ang totoong pagkatalo ay kapag hindi mo tinapos ang laban at sumuko ka kaagad kahit ikaw man ang pinakahuli. Ang mga taong talo sa laban ay ang mga sumuko at hindi nagtangkang lumaban. Mas magandang matalo ng lumalaban.

Pagdating ko sa finish line at nagdilim na ang aking paningin, namalayan ko na lang na may umaakay sakin. Hindi ko na kayang maglakad ng maayos at hilong hilo ang pakiramdam ko. Dinala ako sa  clinic upang magpahinga  at matulog pansamantala. Bandang alas cinco na ng magising ako at uwian na ng mga estudyante. Ganun kase sa probinsya. Whole day ang pasok. Nung nasa tricycle na ako pauwe ay nakapikit lang din ang aking mga mata dahil ramdam ko ang pag ikot ng aking paligid.

Trinangkaso ako at mahigit isang linggo akong hindi nakapasok sa school. Hindi na ako nakapagcompete sa 800 meter dash, 1200m at 3000m marathon sa District Meet. Hindi pala ako pang compete sa speed, sa tagisan ng katatagan pala ng stamina ako akma.

Hindi pala lahat ng takbo kailangang mabilis ka, kailangan mo din palang maging matatag. Parang laban sa buhay lang.

Nung papasok na ako sa school after kong magkasakit ay doon lamang nag sink in ng lubusan sa akin na nabigo ako. Nabigo na naman ako. Yung pangarap ko na abot kamay ko na sana ay hindi na mapapasakin.

Araw ng graduation ay pumapalakpak ako para sa dalawang tao na nabigyan ng karangalan, na matagal kong pinangarap. Athlete of the Year.

Lumipas ang madaming taon pero nandito pa din sa puso ko ang kirot ng tagumpay na tinangay ng hangin. Ang tagumpay na hindi naging akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello Overcomer (A Battle to Depression)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon