Chapter Four: Heptagon Alley

4 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag. Noong una akala ko, sinag ng araw, pero napag-alaman Kong kidlat pala iyon. Napatingin ako sa paligid.

Asan ako?

Hindi ito ang kwarto ko.

Inilibot Kong muli ang aking paningin. At nahagip ng aking mata ang ang isang bata, mga nasa isang taong gulang na siguro siya.

Nakatingin siya sa akin.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit may hawig siya sa akin?

Bigla namang may pumasok na babae sa kwarto. Mga nasa 30's palang siguro ang edad niya.

Lumapit siya sa akin at kita sa mga Mata niya ang pagkalungkot, sakit at takot. Kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha ay ang ingay na tila isang pagsabog mula sa ibaba.

Lalong umagos ang kaniyang mga luha.

"Huwag kang lalakad sa dilim. Tandaan mo, mahal na mahal kita"

*BLAG*

Nagulat kami pareho sa marahas na pagkakabukas ng pinto. Isang lalaking nakamaskara ang pumasok sa kwarto, at kung may anong stick ang hawak niya.

"Paalam" nakangising niyang sabi.

At nabalot ng kulay pulang ilaw ang paligid.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-

"Jaycee, gising na" napamulat ako sa pagtawag sa akin ni Papa. Tumingin ako sa paligid. Nasa kotse kami. Ang ibig sabihin, panaginip lang lahat ng iyon.

"Tara na" nakangiting sabi sa akin ni papa, atsaka siya bumaba ng kotse.

Bibili kami ng mga gamit ko para sa school. Tapos ang matinde, mas excited pa yata ang ama ko kaysa sa akin. Weird di ba?

Bumaba na rin ako ng kotse noong nakita ko na medyo nakakalayo na si papa.

Habang naglalakad ako, mayroon akong napansin.

Ano bang lugar to?

Eskinita? The f*ck? Anong gagawin namin dito? Kailan pa naging bilihan ng school supplies ang isang madilim na eskinita.

....

Busy pa ako sa pagtingin sa paligid ko ng bigla akong nabangga sa pader, ay este... Likod ng papa ko... Hindi ko namalayan na hinihintay niya pala ako.

"Tara na" napatingin ako sa sign board na nasa taas lamang ng pintuan.

Headastro

Pumasok na kami sa loob. At Amoy ng Alak agad ang bumungad sa akin.

Don't tell me nasa bar kami?

"Shiro! Long time no see" salubong sa amin ng isang lalaking medyo malaki ang build ng katawan.

"O! Hitachiin!" Tapos nag manly hug sila.

Pero, Wait!!!!

Does this man called my dad Shiro?

Hindi naman niya pangalan yun eh! Wilson ang pangalan niya.

"Kamusta na pala si Katsuka, yung asawa mo" tanong ulit nung lalaking Hitachiin yung pangalan.

"Nako okay naman siya" nakangiting sagot ni papa.

But wait again.

Replay!!!

"Kamusta naman pala si Katsuka, yung asawa mo?"

"Kamusta naman pala si Katsuka, yung asawa mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maho to Kagaku AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon