"JAYCEE! BILISAN MO NAMANG KUMILOS DYAN AT BAKA MA-LATE KA NA!"
OMG! OMG! OMG!
eto na nga po... Binibilisan ko na nga!
Haaayyy! Bakit kasi hindi ko narinig na nag-alarm NA pala yung alarm clock ko ... Kasalanan ng alarm clock to eh..
"JAYCEE ANO BA!"
"eto na po, pababa na!" Isa pa tong si Mama, lalo tuloy akong nape-pressure!
Sinuklay ko na yung buhok ko, atsaka ako tumakbo pababa ng hagdan, dumiretso agad ako sa kitchen at nandoon ang babaeng kanina pa ko tinatalakan.
"Late ka na naman ng gising!" Sabi niya sa akin tapos nakapamewang pa siya.
"Kasi po yung alarm--"
"Sisisihin mo na naman yung alrm clock? Hay, nako Jaycee, baguhin mo na nga yang ugali mo, mantika ka pang matulog" sabi ulit ni mama NA medyo kumalma na yung boses.
Bibigyan niya naman ako ng sandwich.
"Kainin mo na yan habang bumibyahe ka, nasa labas na ang papa mo, kanina ka pa iniintay"
Kinuha ko na yung sandwich, atsaka ako dumiretso palabas, nakita ko yung kotse namin na nakapark sa may harap ng gate namin.
Kinawayan ko naman si papa, nginitian niya naman ako. Hindi tulad ni mama, mas calm sa kaniya si papa.
Pumasok na ako sa kotse, katabi ni papa
"Ginalit mo na naman yung mama mo" sabi niya habang nakangiti
Hindi na lang ako umimik, sinimulan ko na ring kainin yung sandwich.
After 10 minutes. Nakarating na kami sa school. Ibinaba ako ni papa sa tapat ng gate, nag-paalam na ako sa kaniya atsaka siya umalis.
"Good morning miss Jaycee, bilisan niyo na po baka ma -late ka" sabi ni kuyang guard. Nagtaka ba kayo kung bakit kilala niya ako?
Lagi akong late... Hahahaha..
Atsaka, ka close ko talaga siya, mabait kasi siyang guard, hindi tulad nung IBA na ang sungit.
"Good morning manong^_^ "
Sabi ko bago ako tuluyang tumakbo, buti na lang at malapit lang sa entrance yung building namin.
1st floor
2nd floor
3rd floor
Ayan! Malapit na ako!
Pagkarating ko sa tapat ng classroom namin, inayos ko muna yung sarili ko.
Pagkabukas ko
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Walang teacher?Yesss!!! Naunahan ko yung teacher ko! Ahahaha!
Pumunta agad ako sa upuan ko...
"Good morning seatmate" bati ko sa oh so gwapo, oh so tahimik at oh so sungit na katabi ko.
"Asan si mam?" Tanong ko sa kaniya
Hindi naman niya ako pinansin...
"Nasa principal's office"
Sabi ni Mabel na nakaupo sa harap koNapatahimik bigla ang mga classmate Kong nagdadaldalan dahil biglang pumasok sa loob ng classroom si Ms.Flores.
"Good morning class" bati niya sa amin...
Weird
Nakangiti pa siya, as in yung ngiting abot langit!
May mali dito, sigurado ako.
BINABASA MO ANG
Maho to Kagaku Academy
FantasíaDo you have special ability? - - - - - - - - - - - Then - - - - - - - welcome to Maho to Kagaku Academy