Chapter Three: What!!!

9 0 0
                                    

GOOOOOOOOOD MOOOOORNING!!!!

ang sarap ng tulog ko...

Ay wait!! Hindi pala! Ang sama kasi ng panaginip ko eh.

Sabi ba naman sa panaginip ko na ABILITY USER daw ako!!

Hahahaha! Sinong niloko nila!

Eh, hindi nga yata totoong nag-e-exist yung ability chuvarness na yan eh!

"Haaayyy! I love myself! I love my bed, I love my room, I love my parents... I love my life cause I'm normal!" Sabi ko habang nagpapalit ako ng damit

Dumiretso na ako sa CR at sinimulan ang mga ritual ko.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako, nagsisimula na ring kumain sina mama at papa

"Good morning po" I said then I kissed their cheeks.

"Good morning" sabi nila ng nakangiti. Mukhang masaya ang parents ko ha!

Habang kumakain ako,hindi ko maiwasang mapatingin sa parents ko.

Parang may iba kasi eh...

Ah! Alam ko na!!!

"Mama, papa, wala po ba kayong pasok? Di ba tuwing Sunday lang naman ang day off niyo? Saturday ngayon ha?" Bigla naman silang tumawa

"Jaycee, Wednesday palang ngayon!" Sabi ni mama

Nanlaki talaga Mata ko nung narinig ko yun! Wednesday ngayon???!!!

Tumingin ako sa orasan!!

WTH!! 7:59 na!! Hala!! Baka malate na ako!

Dali Dali akong tumayo pero pinigilan ako Nina mama.

"Saan ka pupunta, anak?" Sabi ni mama

"Mama, mamaya na po tayo mag chikahan, male-late na naman ako eh"

Atsaka ako tumakbo paakayat.
Narinig ko pang sumigaw si mama

"JAYCEE!!!!" tsss.. Magagalit na naman siya! Napaka-time conscious kasi eh.

Naligo na ako, mga 10 minutes nga lang ako naligo eh...

Nagbihis

Nag-ayos...

Habang nagsusuklay ako ng buhok, bumukas naman bigla yung pinto ng kwarto ko.

Sina mama at papa pala, pumasok ng room ko.

"Bakit ka naka-uniform?!" Nakataas pa kilay ni mama noong tinanong niya ako.

"Papasok po ako"

"Haay nako! Sabi ko naman sa'yo dapat hindi mo na ginamit sa kaniya yun eh" may sinabi si mama Kay papa pero di ko masyado narinig.

Umupo naman sila sa Kama ko. Ako naman nakatayo lang dito at nawi-weird-an na ako sa mga kinikilos ng magulang ko.

"Anak, umupo ka nga dito" sabi ni papa at tinap yung space sa pagitan nila ni mama.

At dahil nga mabait ako, sinunod ko naman siya kahit alam ko na late na ako sa school.

"Hindi mo ba alam na hindi ka na doon nag-aaral? Nag-drop out ka na nga eh"

I tilted my head... Wala naman akong naalala

"Sabi ko sa iyo masama talaga epekto nun eh" ngayon naman rinig na rinig ko na yung sinabi ni mama. Ano ba yung masama ang epekto?

Maho to Kagaku AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon