Maraming salamat Just_Angel36 ,hindi mo alam kung gaano ako kasaya. This Chapter is for you.^O^♥♥♥
"Hi girl!" kumaway si Dave sa akin ng makita nitong papasok ako ng canteen. Nauna kasi siyang pumunta dito, habang ako naman ay dumaan muna ng toilet. Alam n'yo na buwanang dalaw naming mga babae.
"Hi Dave!" Pabagsak akong umupo sa upuan na nasa harapan ni Dave. Kapag ganun na ang aksyon ko alam na ni Dave na masama ang pakiramdam ko.
"Kaya mo pa ba girlfriend? Gusto mo dalhin na kita sa clinic?" Nag aalala na tanong nito sa akin.
"Okay lang ako Dave, thank you."
"Anong gusto mong kainin? May baon ka ba girl?"
"Wala akong baon ngayon Dave, late na kasi akong nagising kaya hindi na ako nakapaghanda ng babaunin ko. Bakit pa kasi sumakit itong puson ko gggrrrrr!"
Ipinatong ko ang mga braso sa ibabaw ng mesa saka ipinatong ang ulo ko doon.
"Mauna ka ng mag order Dave, palitan tayo."
"Okay. Sigurado ka ba talaga na Okay ka lang? Namumutla ka kaya girl."
Hinimas ni Dave ang pisngi ko at nagulat ito ng maramdaman niyang nanlalamig ako.
"Oh! my God Girl! Hindi ka Okay!" Literal na napasigaw ito at napatayo pa mula sa kinauupuan nito.
"Ssshhhhhh.... sige na mag order ka na muna. Tapos susunod ako, saka pagkatapos nating kumain magpapahatid ako sa 'yo sa clinic Okay?" Kinindatan ko ito bilang tanda na kaya ko pa ang sakit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
Matagal bago naka balik si Dave mahaba kasi ang pila sa cashierr area ng canteen. Naka yuko na ako sa mesa namin at hawak-hawak ang puson ko. Mula sa likuran ko, naririnig kong may nag-uusap tungkol sa isang lalaki.
"Alam nyo ba, may bagong lumipat sa school natin? And guess what? He's so hot! Totally hot! His lips, his brown tantalizing eyes! Oh my gosh! Siya na ang magiging next boyfriend ko!" Sabi nung isang babae na may pagka malandi ang boses.
"Bakit mo nasabing totally hot? Nakita mo na ba?" Tanong ng kasama niya.
"Hindi pa girl, sa panaginip ko pa lang siya nakikita. Tange ka talaga kahit kailan. Sa tingin n'yo papalampasin ko ba ang pagkakataon na hindi sya makita at makilala? Parang hindi n'yo pa ako kilala, mga kaibigan ko ba talaga kayo? Ha?"
Kinikilig at nanggigil pa ang boses ng isang babae habang nagkukwento sa kung sino man ang mga kasama nito. Hindi na ako nag abala pang lingunin sila dahil unti-unti ng lumalala ang sakit nang puson ko.
"Girlfriend? Okay ka lang ba talaga? Hatid na kaya kita sa clinic ngayon na nag-aalala ako sa 'yo sa lagay mong 'yan eh."
Hindi ko napansin na nakabalik na pala si Dave mula sa mahabang pila sa canteen. Binaba nito ang tray na may lamang sandwich, soft drinks and fries sa harapan ko bago umupo.
"Ok lang ako Dave, don't worry kaya ko pa," nginitian ko si Dave para mabawasan ang pag-aalala nito.
Tumayo na ako at pumila narin para maka-order ng lunch. Bihira lang akong bumili ng lunch sa canteen. Kadalasan ay may baon ako para iwas gastos narin.
Mas lalo pang tumindi ang sakit na nararamdaman ko, nanghihina na ang aking mga buto-buto at nanlalambot na ang aking katawan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Perez Bride's Presents: Bianca Barameda Editing
Ficção GeralBianca Barameda: Paano niya haharapin ang katotohanang matagal na niyang gustong malaman? Ano ang gagawin niya sa oras na malaman niyang pamilya niya rin ang tunay na dahilan kung bakit sa nawalay sa tunay nitong mga magulang? Dave Santiago: Ano a...