UneditedAraw ng lunes kaya balik eskwela na ako pagkatapos ng halos tatlong linggo na absent. Sana nga hindi ako pagagalitan ng mga professors namin.
Wala na akong mga bodyguards ng araw na iyon dahil hiniling ko kay lolo na huwag na akong pabantayan pa. Nandyan naman si Marco at Dave and speaking of Dave. Namiss ko na talaga siya. Pero hindi siya nakapunta ng eskwelahan ng araw na iyon dahil busy ito sa trabaho niya.
Isang ganap ng pulis si Dave. Pagiging secret bodyguard ko ang una niyang naging task na utos mismo ng Daddy nila ni Marco.
Pagpasok ko ng classroom, halos lahat ng mga mata nang mga kaklase ko ay napako sa pagdating ko. May nakangiti, may nakatingin lang at may bumati rin sa akin ng magandang umaga. Ngumiti lang ako sa kanilang lahat saka tuluyan nang umupo sa dati kong upuan. Mayamaya pa dumating na si Marco at dumeritso narin ito nang upo sa tabi ko.
"How's the vacation Miss Perez?" nakangiting sabi niya sa akin.
"Tigilan mo nga ako Marco. Miss Barameda parin ako," sabay irap ko sa kaniya nang nakangiti.
"Yeah right! And soon to be Mrs. Santiago I guess?" saka niya ako inakbayan.
"You think so?" tanong ko sa kaniya.
"Of course! Just wait and you'll find out sooner or later perhaps," sabay kindat niya sa akin.
Ngumiti nalang ako sa kaniya dahil alam ko namang maloko din ang isang iyon. Pagkatapos ng klase namin sa umagang iyon, pumunta kami ni Marco sa pinakamalapit na cake shop at doon kami kumain. Akala ko kami lang dalawa. Iyon pala, naghihintay na doon si Dave at Angela sa amin.
Pagpasok namin ng All Sweet Shop, hinatid kami ng isang waiter sa mesa na naka-reserved para sa amin. Medyo tago ang lugar kaya hindi ko agad nakita si Dave at Angela. Hindi ko rin agad nakilala si Dave dahil nakatalikod ito. Nakasuot ng leather jacket at sombrero. Si Angela naman pumunta ng c.r. Nagulat nalang ako nang huminto kami sa tapat ng mesa ni Dave. Tumingala ito at nakangiting nakatitig sa akin.
"Dave! Akala ko may trabaho ka?" sabi ko na niyakap siya kaagad.
"Easy girlfriend," natatawa niyang bulong sa akin nang bigla ko nalang siyang yakapin.
Namiss ko talaga siya. Akala ko kasi sa susunod na linggo ko pa siya makikita dahil iyon naman ang sabi niya.
"Sorry. Nadala lang. I miss you sooooo much boyfriend,"
"I miss you too soooo much girlfriend,"
"Si Angela Dave?" tanong ni Marco sa kapatid niya sabay upo sa harapan namin.
"Missed me Marco?" nakangiting sabi ni Angela. Nakatalikod kasi si Marco sa washroom area kaya hindi niya na napansin na bumalik na pala si Angela at sinadya rin naming huwag sabihin sa kaniya.
"Hi!" sabay tayo niya at hinalikan sa pisngi si Angela.
"Marco? Ano'ng sabi ko sa 'yo?" tanong ko sa kaniya na bahagya pang tumaas ang kilay ko.
"Sa pisngi lang naman Bianca. Masama ba 'yon? Saka girlfriend ko naman si Angela ah. Or should I say. Fiancé ko si Angela?" nagmamaktol nitong sabi sa akin.
Nakakatuwa lang din si Marco minsan. Isip bata rin kapag inatake ng topak niya.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami ng school ni Marco. Si Angela naman ay umuwi na dahil gusto ng Mommy na nandoon lang siya sa bahay at magpahinga. Si Dave naman ay bumalik narin sa trabaho niya.
BINABASA MO ANG
Perez Bride's Presents: Bianca Barameda Editing
Ficción GeneralBianca Barameda: Paano niya haharapin ang katotohanang matagal na niyang gustong malaman? Ano ang gagawin niya sa oras na malaman niyang pamilya niya rin ang tunay na dahilan kung bakit sa nawalay sa tunay nitong mga magulang? Dave Santiago: Ano a...