Part 1: Love

453 13 5
                                    

"Bat andito ka nanaman?" Tanong ko sa kapatid kong heto at nag babasa nanaman nang libro. Buti sana kung libro nang school pero hindi naman kasi romance book nanaman ang hawak. Novel nanaman nang kung ano anong poncho pilato ang binabasa.

"Maingay sa kabila eh. Nagbabangayan nanaman yung dalawa" bale wala lang niyang sabe na halos di ako tinitignan sa mukha.

Talagang dito pa niya balak mag basa nang ano-ano sa kwarto ko. "Pwede kung may kinakausap ka paki tignan tignan mo naman yung mukha nang kinakausap mo."

"Busy ako!" Aba't siya pa ang may ganang mag sabe nang ganyan sa akin. Mamaya sipain kita jan at ng mahulog ka sa bintana makita mo.

Pinanlakihan ko naman siya nang mata. "San ka busy huh? Yang love story nang ibang tao na gusto mong mangyare sayo. Oh please Lena there's no such thing us love."

Sinara naman niya yung librong binabasa niya at pinanlakihan din niya ko nang mata. "Yes there is. And this book is a living proof." Sabay taas pa nang librong binabasa niya.

"That book!" Sabay turo din nang hawak niyang libro. "Is just a mere fantasy, authors keep on saying its a true story but in reality it's a "kathang isip". Happily ever after my ass."

"Hay nako umandar nanaman si Miss Bitter."

Sinamaan ko naman siya nang tingin. "Hindi ako bitter!"

"Yeah right Miss Bitter"

"Hindi nga ako sabe Bitter eh" sabay tapon sa unan na hawak ko.

Ang bwesit naka ilag pa. "Bitter. Bitter" pag patuloy lang yan. Pag talaga ako nainis talagang sisipain ko yan palabas ng bintana ko.

"Sinong bitter?" isang matinis na boses nang babae ang narinig namin sa nakabukas na pintuan nang kwarto ko.

"Itong isang kapatid mo inaatake nanaman nang pagka bitter." Balewala lang niyang sabe sa nakababata naming kapatid.

"Matagal nang ampalaya yan" sabay lapit kay Lena. Sige magkampihan pa kayo. Mga bwesit to. "Bagong libro?" Tanong pa nito sa kanya.

"Magsama kayo. Mga bwesit." Sabe ko nalang at nahiga na ko sa aking kama.

"Sinong mga bwesit?" Isa pa tong.

"Ba't ba andito kayong lahat?" Bulyaw ko sa kanila. May kanya kanya naman kaming kwarto bat andito silang lahat sa kwarto ko at naninira nang araw ko. Wala na ngang ilaw, mainit pa tapos dumadagdag pa sila sa init ng panahon.

"Boring wala pang ilaw eh" paniguradong lowbat na ang mga gadget nang mga ito kaya nag hahanap na sila nang bagong libangan, ako at ang aking kuwarto ang napunterya nang mga ito. Kagabe pa kasi brown out kaya eto wala kaming magawa dito sa bahay.

"Mag si labas nga kayo. Ang iingay niyo"

"Mas maliwanag dito. Gusto ko pang mag basa." Hay nako Lena kaya lumalabo yang mga mata mo. Basa ka ng basa wala namang katuturan ang binabasa mo.

"Wala ka bang Prince Charming jan?"

"This is a real story Chyna. Hindi fairy tale."

"Ikaw ano naman ang gusto mong sabihin" tingin ko sa kaisa isang lalaki naming kapatid.

"Tambay lang. Namiss ko kasi kayo oh" wow pa sweet lang talaga, ngayong wala ako sa mood. If I know wala siyang syota ngayon kaya nag papakasweet sa amin.

I raised my hand with a defeated face. "Bahala na nga kayo jan. Basta wag kayong maingay."

"Bat ba kasi ang bitter mo?" Itong bunso namin ka sasabe ko lang na walang maingay.

Story of a Soul KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon