Part 7 Truce

76 5 1
                                    

~~~~~ALLENA's POV~~~~~

"Eto nga pala si Shane." Pagpapakilala ko sa kanya. "Siya si kamatayan na kagabe niyo pa pinagnunuknukan na isang kalansay."

"Ako?" Tanong niya sa sarili niya at itinuro pa talaga niya ang sarili niya. "Kalansay?"

Patay malisya ko namang tinignan siya. "Ang sabe kasi nila si kamatayan daw dapat may roba at kalansay. Hindi naman kayo ganun."

"Kasalanan ng mga pelikula ang paniniwala na ang isang Shinigami ay isang kalansay."

Tinapik ko naman si Shane. "Sinabe ko din yan kagabe."

Yinaya ko naman siya ng agahan. "Gusto mo bang mag almusal muna. May hinain akong mga pagkaing tao."

"Huwag na anjan na siya." Sagot naman niya sa akin at tumingin sa veranda na pinasukan niya.

"Hi!" Nakangiting bati sa amin ni Inggrid.

"Sino naman siya?" Nagtatakang tanong ni Lei sa akin.

"Siya si Inggrid isa ring Soul Keeper pero laging available. Laging walang ginagawa" Sagot ko sa kanya.

Kahit na hindi namin siya inaya ay pumasok siya. "Grabe ka naman Allena may ginagawa din naman ako. Hindi lang katulad mong laging busy."

"Siya laging sumasalo sa trabaho ko kung hindi ko gustong pumunta o talagang tinatamad lang ako."

"Ginagawa niya kong substitute. Inggrid nga pala." Nakangiti niyang tingin sa mga boys na nilahad pa ang kanyang kamay para mikapag kamay sa kanila.

Yung tatlo naman ay awkward na nakipag shake hands sa kanya pero mabilis din nilang kinuha ang kamay niya na ikinatawa ko. "Nilamig kayo noh?" Tanong ko sa kanila.

"Kaunti." Nakangising sagot ni Mart sa akin.

"Nabuo si Inngrid mula sa isang yelo kaya ang buo niyang katawan ay malamig. Kaya mag ingat kayo kung kasama niyo siya baka maging yelo kayo." Pang iinis ko sa kanya.

Mabilis naman akong nilapitan ni Inggrid at pinalo pa niya ko sa balikat. "Sabihin mo na kaya lahat ang tungkol sa akin. Siya rin lang na inuunti unti mo pa."

"Tama na ang pakikipag usap kailangan na nating umalis, Inggrid." Pagpapatigil naman ni Shane sa aming dalawa.

Ngumiti ulit si Inggrid at hinarap kami. "Sige una na kami may kaluluwa pa kaming susunduin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinignan niya ako. "Magpakabait ka dito, Allena. Sabe ni San Pedro huwag ka daw gagawa ng gulo at huwag mo daw babaliin ang pangako mo kay Gabrielle."

Yung dalawang talagang iyon. "Hindi ba talaga nila ako pinag kakatiwalaan at kailangan paulit ulit."

Sabay silang lumipad palabas ng veranda. Pero bago nila kami iniwan ay sabay nila akong sinagot ng "OO."

Hinabol ko naman silang dalawa na nag tatawanan pa palayo sa amin. "Bumalik kayo dito at ng matanggal ko ang mga balahiboniyo." Sigaw ko sa kanila.

"Ahhhh. . Allena. . . " nagdadalawang isip na tawag sa akin ng isa sa kanila.

Tumingin naman ako ng masama sa kanila. "Bakit?" Bahagya pang napaurong ang dalawa sa tanong ko.

"Hu-huwag nalang." Sagot nito at umupo sa mesa.

"Tanungin mo na ko kesa yung para kang tanga jan ng tingin ng tingin sa akin mas lalo lang akong maalibadbaran."

"Ahhhhh-ehhhhh kasi. . ."

"Anooo?" Naiinis kong tigin sa kanya. Di kasi niya matapos tapos ang itatanong niya.

"Ahhh- lahat ba kayong mga Shinigami at Soul Keeper ay mga babae?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Story of a Soul KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon