Part 6 Allena the Soul Keeper

61 4 0
                                    

~~~~~LEI's POV~~~~~

"Soul keeper?" Tanong ni Mart sa kanya.

"Isa ako sa tagapag hatid sa mga taong pumanaw na."

"Ikaw si kamatayan?" Gulat kong tanong. Ang alam ko kasi si kamatayan hindi itsurang ganito. Alam mo na yung natural na kalansay with balck robe at ano pa. Yung ganoon, hindi yung gantong maganda, sexy, at babae.

"Hindi ako si kamatayan. Soul keeper nga diba?." Debate naman niyang sagot sa akin.

"eh diba si kamatayan yung kumukuha ng mga kaluluwa?"

"Exactly sila ang kumukuha ng kaluluwa at kaming mga soul keeper naman ang nag hahatid sa kanila sa huli nilang destinasyon. Nakita niyo yung isang babaeng kasama ko kanina?" Pag papaalala niya sa amin.

"Oo" sabay naming sagot ni Mart sa kanya.

"Siya si Shane ang partner kong shinigami."

"Siya si kamatayan?" Gulat namang tanong ni Mart sa kanya.

"Oo"

"Ang ganda naman niyang shinigami. Pero andali, diba si kamatayan eh buto kalansay bat may laman siya?"

"Alam niyo, napag papaniwala kasi kayo sa mga movies na ang taga-sundo eh kailangan kalansay. Hindi yun totoo. Kasalanan to ng mga director eh para lang masabing nakakatakot ang mga movies nila pinapapangit nila kami."

"Hindi ka naman pangit eh!" Pag sisisgurado ni Mart sa kanya.

"Alam ko!"

"So ba't andito ka?" Tanong naman ni Mike.

"Pinababa ako dito dahil may kailangan akong ayusin."

"Ano naman yun?"

"Secret!" Nang iinis at ngingiti ngiti pa niyang sagot sa amin.

"Ano naman papel namin jan sa bagay na kailangan mong ayusin at kami ang pinipirwisyo mo?" Simangot na tanong ni Mike sa kanya.

"Kasi PO! Dahil sa inyo, ako PO ang pinili para sa misyon na 'to. Kung hindi HO sana kayo dumating kanina at nakita kami, di sana PO hindi PO ako ang Pinababa dito sa Lupa. Naiintindihan mo POH ba?" Nang iinis na paggalang ni Allena kay Mike.

"Do you always annoy everyone around you?" Pasagot ding tanong ni Mike sa kanya.

"Hindi." Mataray niyang sabe dito. "Sa tao lang na hindi ko gusto."

"Niloloko mo ba kami Miss. Sa tingin mo maniniwala kami sa'yo?" Natatawang sungbat ni Mike sa kanya, siguro ay hindi naniniwala ito sa sinasabe ng babaeng kaharap namin.

Tumingin sa labas ng balkonahe yung babae at bigla itong ngumiti. "Kung mapatumayan ko ang lahat ng sinabe ko kanina. Hahayaan niyo ba akong manatili dito ng tatlong buwan?"

"Are you making a deal with us?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, of course kasama na doon ang pagkain, damit, pera, yung mga pangkaraniwang kailangan ng mga taong katulad niyo."

"Deal. Patunayan mo" Walang ka amor amor na sagot ni Mike sa kanya. Ni hindi man lang siya nag dalawang isip na isipin na baka totoo nga ang sinabe ng babaeng ito kanina.

Ngumiti siya at tumayo. "Okay, wala ng bawian. Dahil kung hindi ka tumupad sa usapan ihuhulog kita dito sa balkonahe mo." Isang warning pa ang sinabe niya habang nag lalakad ito.

"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya dahil patungo siya sa balkonahe.

"Gusto niyo ng patunay. Hindi ba?" Pagkatapos niyang tanungin iyon sa amin ay bigla siyang tumakbo at tinalon ang balkonahe ni Mike.

Story of a Soul KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon