Ikalimang Kabanata

105 2 0
                                    

Pagdating ko sa bahay ay kumain lang ako ng dinner tapos umakyat na agad ako sa kwarto ko.

Sisimulan ko na ang pagkopya ng sarili kong notes sa binili kong notebook para kay Josh. Kinikilig ako dahil feeling ko ito na ang simula ng aming love story.

Hindi ko naramdaman ang pagod sa pagsusulat dahil alam kong ito ang magiging dahilan ng paglalapit ng aming mga puso.

Mahaba pala ang naisulat kong mga notes. Bawat salita ata ng prof namin ay sinulat ko. medyo GC kasi ako dahil alam kong mahalaga para sa akin ang pag-aaral ko kaya pinahahalagahan ko ang edukasyon.

Mag-aala-una na ng madaling araw ng matapos kong kopyahin ang mga notes ko.

Hindi pa ako inaantok kaya naman ng Fb muna ako.

Paulit-ulit na lang yung mga pinopost ng mga tao, pagkain na kinakain nila, picture kung nasaang pangsosyal na lugar sila, mga mamahaling gamit na binibili, panonood ng sine. Naboring ako.

Pero bigla kong naisip na isearch ang Account ni Josh. Tinype ko sa search ang pangalan niya. Marami siyang kapangalan. May mga pages pa na ginawa. Hindi ko makita ang kanyang personal account. Nawawalan na ako ng pag-asa.

Biglang lumabas ang account niya. Clinick ko agad. Kinikilig ako nang makita ko ang DP niya. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Ang guwapo niya.

Tinignan ko ang mga post niya. Puro tungkol sa DOTA o kaya naman basketball. Kaya mga pics niya na lang ang pinagkaabalahan ko. Buti hindi masyado private ang account niya kaya nakita ko ang mga uploads niya.

Nakakakilig ang mga pics niya. May mga pics sa school, sa court, sa computer shop pero ang pinaka-naenjoy ko ay yung album niyang SUMMER. Hindi na ako magpapakaplastic. Tinignan ko yung mga pics niya ba topless. Iniimagine ko na ang swerte ng mga kasama niya sa swimming. Iniimagine ko na sana kasama niya ako, hinahawakan ko ang kanyang katawan. Nakayakap ako sa kanya at siya naman sa akin. Talaga namang katawan pa lang ulam na. Kanin na lang talaga ang ulam at mabubusog na ako.

Halos lahat ng pic niya ay sinave ko sa CP ko. Isa na akong certified stlaker. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero wala naman sigurong mali sa paghanga sa isang tao.

Buong gabi ko tinitigan ang mga pics niya. Pakiramdam ko ay nagtatagpo talaga ang aming mga mata at ako ang dahilan ng kanyang pagngiti.

Magkakatotoo kaya itong mga pangarap ko o hanggang dito na lang ako. Hanggang pictures na lang.

Kaya naman, kahit pa nakasanayan nang mga lalaki ang nanliligaw, magpapakita na ako ng motibo kay Josh na may crush ako sa kanya.

Bahala na si Batman at wala akong paki kung sino ang bahala kay Batman basta kailangan ay mapansib ako ni Josh.

Hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa sobrang pag-iimagine na maging prinsesa ako ni Josh. Pero parang hindi malayo ang pinapangarap ko, tinawag na niya akong 'angel'.

Hay..I LOVE YOU JOSH..

Roller Coaster: Masakit Man Minsan, Happy Ending Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon