Ikatlong Kabanata

187 4 2
                                    

Masaya ang naging kabuuan ng araw ko. Na-meet ko na mga teachers ko. may mga terror at meron din namang mga nakakatawa.

masaya ako dahil nasurvive ko ang first day ng college life ko pero mas masaya ako dahil nakilala ko ang aking hero at ang mas masaya pa, classmate ko siya.

every monday at thursday lang ang subject na magiging classmate ko siya. kaya naman gusto ko madaling lumipas ang tuesday, wednesday, friday, saturday at sunday. excited ako lagi na makita siya kahit pa siya ang dahilan ng galit ng teacher ko.

napakabagal ng second at third day ko sa school. hindi ko alam pero parang ang tagal ng oras. masaya naman ang mga teacher ko pero feeling ko ang tagal ng galaw ng bawat segundo.

THURSDAY!!

Yes! makikita ko na ulit ang aking hero.

maaga ako nagising para ayusin ang sarili ko. sinigurado ko na magiging maayos ang physical appearance ko kapag nakita niya ako.

sana naman ay hindi magalit ang teacher namin ngayon at nang hindi siya paalisin at makita siya ng buong class.

nagpabango ako. tinali ko ang buhok ko sa pinakamaayos na paraan. sinuot ko ang pinakamaganda kong damit. hindi na ako kumain dahil hindi ako nakaramdam ng gutom sa excitement.

umalis ako ng mga six a.m. kahit 8:30 pa ang class namin. ang saya ng pakiramdam ko. kahit muntik na akong madapa sa batong naapakan ko happy pa rin. kahit naitulak ako ng mga batang papasok sa mga school nila dahil nagtatakbuhan, happy pa rin. kahit nabangga ako ng mga nakasakay ko sa jeep, hindi ako nainis dahil alam ko pagdating ko sa school ay makikita ko ang man of my dreams.

hay,para akng lumulutang sa saya ng pakiramdam ko. hindi ko alam kung matatandaan niya pa ako pero ang alam ko hindi ko siya malilimutan.

wala pang seven ng dumating ako sa school. tumambay muna ako sa grounds at naghanap ng maiinom. at siyempre, tumitingin sa paligid dahil baka nandiyan na siya.

"Egie!" pamilyar na boses ang tumawag sa akin mula sa likuran ko. si Recel. may kasama siya, Miss Friendship talaga siya.

"Egie, i would like you to meet our new BFF!!Persephone." excited niyang sinabi.

"Hi! im Egie Cruz. Napilitan kang sumama kay Recel no? ang kulit kasi niyan eh."

"Medyo, makulit nga at sobrang daldal"

"the two of you ha! you make kampi-kampi against me!"

Natawa na lamang kami ni Persephone sa way of speaking ni Recel. Feeling ko ng mga panahonh iyon ay mas makakasundo ko si Persephone kesa kay Recel.

Nagkuwentuhan kaming tatlo sa grounds. pero siyempre mas maraming sinabi at kinuwento si Recel.

nakikinig lang ako sa kanilang dalawa dahil tumatakbo sa isip ko ang mga senaryong maaaring mangyari sa pagkikita namin ng hero ko. habang tumutugtog ang paborito kong love song, kung saan slow motion ang lahat ng galaw, kung saan sa aming dalawa nakafocus ang lente ng camera, kung saan ako ang leading lady at siya naman ang leading man ko. ang saya lang.

"EGIE! you are not listening to my kuwento." sabat ni Recel

"Ooops! sorry, iniisip ko lang kasi yung mga assignment natin."

"Wala naman tayong assignment di ba Persephone?"

"Oo, wala nga. Baka iba ang iniisip ni Egie." nanunuksong sabi ni Persephone

"OMG! Egie! Siguro you have a crush on someone here in our campus no? siya ang iniisip mo. iniisip mo na magkasama kayo"

"Hindi ah!" paano naman kaya nila nabasa ang isip ko. pero siyempre. magdedeny lang ako. "Wala akong crush. iniisip ko lang ang mga requirements natin."

"Owkey!!tara na nga. lets go na to our room for our first class."

nagulat ako. malapit na magtime. hindi ko namalayan ang oras. naexcite ako bigla. ito na! makikita ko na ulit siya. sana naman ay magkausap kami kahit saglit lang.

nagmamadali akong maglakad papunta sa room. buti naman at hindi ito napansin ng dalawa. naupo agad ako sa posibleng malapit niyang upuan. sa likod ng room. nagpulbo ako, nagsuklay at nagsalamin. im ready.

8:30 am na. anytime, papasok na siya.

kinikilig ako at kinakabahan.

Roller Coaster: Masakit Man Minsan, Happy Ending Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon