"Bakit ba hindi ka pa nag boboyfriend anak?" Tanong sa akin ni tatay na nakakabingi ata, hindi ko alam kung bakit pero mabilis kasi ako mawalan ng gana lalo na sa isang relationship.
"N-nag try n-naman po akong kumilala ng tao, pero hindi ko kasi makamatch sila, masyadong hindi deserving ang mga kalalakihan ngayun." Sabi ko kay tatay.
Napailling na lang si tatay sa sinabi ko, at ako namay itunuon ko na lang ang aking mata sa bintana ng kotse at nanood sa mga bahay na nadadaanan namin.
"Tay hindi pa rin po pala nababago ang mga bahay dito sa barangay nila at kakaunti pa lang din ang nadagdag na bahay, bakit po kaya?" nakatingin pa rin ako sa bintana ng tinanong ko si tatay.
"Haha sino ba naman anak ang makakapagbahay sa hindi kanilang lupa" natatawang patanong na sagot ni tatay.
"Ano po ibig nyung sabihin tatay" napalingon ako kay tatay na nakakunot ang aking noo.
"Kase anak halos ng lupain dito ay pagmamay ari ng angkan ng ninong mo, ganun sila kayaman pero patago at hindi halata." proud na sabi ni tatay kaya napanganga na lamang ako.
Tumahimik na lang ako at siguro wala pang kinse minuto ay tumigil na kami sa grahe ng bahay nila ninong.
Nakita ko silang kumakaway sa amin, sina tita at ninong. Hindi ko naman makita si payatot siguro ay inaasikaso niya ang kaniyang mabibilang na bisita. Pero kahit na ganoon ay wala pa rin akong kilala sa mga iyon.
"Excuse po tita, nasaan po si Bryan?" Sabi ng babaeng mukhang asungot na lumapit sa amin.
"Ineng siguro ay nasa kusina at nakuha ng pagkain, pumunta ka na lang pasama ka kay brandey" Sabi ni tita kay asungot
Nakita kong lumapit si asungot kay brandey na kapatid ni bryan. Nakangiti pa ito nakakapanggigil haystt unang kita ko pa lang kay asungot uminit agad ulo ko sa kanya.
"Stephany anak, sumunod ka na sakin para mailagay yang gawa mo sa kwarto mo." nakangiting sabi ni tita na para bang kinikilig pa.
Umakyat kami sa hadgan at inihatid ako sa dulong kwarto na katabi daw ng kwarto ni payatot, nakakainis naman pero sino ba ako para tumanggi diba ehh wala naman akong choice, letse bakit umuwi pa kasi sya!
"Anak iwan na muna kita diyan, ayusin mo muna gamit mo at magpahinga saglit tapos bumaba ka na rin para makakain" Sabi ni tita.
Inaayos ko na mga damit ko nang may kumatok sa pinto.
"Sino Yan?" Tanong ko sa kumakatok.
"Ate si Brandey po ito, pwede bang pumasok?" Hindi pa ako nakakasagot ay binuksan na niya.
"Nako talaga Brandey kahit kinse gulang ka na ay wala ka pa talagang kabaitbait, what if nakahubad ako tapos binuksan mo pinto edi nakita mo kaluluwa ko nyan" pagsasabi ko sa kanya kayat nahiya siyang tumingin sa akin.
"Sorry na ate excited kase akong makita ka, sabi kasi ni daddy ay narito ka raw at malakas patugtog sa labas kaya akala ko may sinabi ka na hehe" paliwanag naman ni brandey.
"Ate alam mo di pa rin ako nakain, ang dami kase inuutos ng mga friends ni kuya sa akin, ang kakapal ng mukha nila. Tara na sabay na tayo mamaya muna lang yan ayusin hahah" hinihila-hila ako nitong si poging brandey palabas ng kwarto at pababa ng hagdan.
Tinanggal ko na kamay niya sa akin at sumunod na lang sa kanya. Pumunta na kami sa may nakahayin at aba naman napaka gentleman ng binatang ito kase siya na ang sumandok ng sa akin at tinanong ako kung anong gusto kong kainin.
"Ate kita mo yung bakanteng lamesa at upuan na katabi ng kayna daddy, dun ka maupo, kukuha lang ako ng sa akin at susunod na rin sayo" nakatingin ang ilang bisita sa amin ni brandey siguro kung ano na namang issue ang iniisip nila.
Pumunta na ako sa upuan na sinabi niya, kinuha ko naman ang cellphone ko para hindi nakakailang at tamang scroll lang sa FB, buti na lang talaga at mabilis siyang nakakuha at umupo na rin sa katabi kong upuan.
"Ayy si ate may boyfriend na siguro kanina pang nakatitig sa cellphone ehh" bulyaw ni brandey kayat tumingin sakin si tita na nakasimangot atang malungkot.
"Bawal na bang mag cellphone ha? Kapag ba nag cellphone may boyfriend na agad? Ikaw talaga! Ingay mo, lakas pa naman ng boses mo" lumapit ako sa kanya para ibulong at pinitik ko na ren tainga niya kayat napakamot na siya sa ulo nya.
Nagtuluyan ang aming kwentuhan ni brandey habang natapos nang kumain at tinawag naman siya ng daddy niya, may pinabibili daw sa bayan.
"Brandey saan ka pupunta? Wag mo akong iwan! Pasama!" Tawag ko sa kanya kase ayaw kong magpaiwan dahil unang rason iinterviewhin lang ako nina tita at sunod ay gagiks kase kanina pa ako nakakaramdam na may nakatingin sa akin kahit wala naman.
"Ate pupunta po akong bayan bibili ng pizza at ice cream ,request ng mga friends ni kuya sa kanya kaya inutusan ako ni daddy, haynako hahaha" Sabi sakin ni brandey habang binubuhay ang kanilang kotse.
Sumakay na rin ako sa tabi niya habang siya ang magdadrive kase may professional driving license naman siya.
Kinuwento niya sa akin na may isa daw kaibigan ang kuya niya na nagkakagusto sa kanya ,at kanina pa ito gumagawa ng paraan para lapitan siya. Pasalamat nga daw siya na nandito ako para hindi lumapit yung babae sa kanya ,kaya naman akoy natawa.
"Ate nandito na po tayo, sumama ka na kasi baka may magustuhan ka ren, bibilhin ko na" panghihikayat na sabi ni pogi
"Ahh okay y not coconut hahah" bumaba na ren ako at sumunod sa mga store na binilhan namin ng pizza and ice cream at nagpadamay na rin ako ng milktea hahah nacrave kase ako ehhh.
"Ate ano flavor ng sayo?" Tanong ni brandey habang nakatingin sa mga pamimilian.
"Akin ay yung premium velvet overload ,thank you" Sabi ko sa kanya habang pinapanood siyang magplace ng order kasama ng sa kanya.
Nang lumabas na kami sa store ay may nakita akong nagtitinda ng cheesy mais na favorite ko.
"Brandey mauna ka na bili lang akong mais , gusto mo rin ba?" Naglakad na si Brandey papuntang kotse at ayaw din daw niya ng mais.
Bumili ako ng mais at pumunta na sa kotse, inubos ko na yung milktea at binuksan ang mais , itatapon ko na sana ang balat ng milktea kaso yung mais ang naitapon ko sa basurahan.
"Ay putangina!" Sigaw ko kayat nabigla si Brandey at napatawa sa akin. Nakasimangot naman ako hanggang makapasok sa kanilang bahay at nagpunta na sa aking kwarto.
"Brandey anong ginawa mo kay ate Stephany mo at ganun ang kanyang mukha" Tanong sakin ni daddy at inabot na sa kanya ang kanyang mga ipinabili.
"Ahhh hahaha naitapon po kase niya sa basurahan ang bagong bukas niyang mais ehh hahaha" siniko ako ni kuya kaya napatigil ang tawa ko kase nakasimangot na siya.
Dumating na ang gabi at umuwi na ang mga bisita ni kuya at pumunta na kami sa sari sarili naming kwarto.
"I need a lover to keep me safe
Pull me from hell
Bring me back again
Play with the classics
Something romantic
Giving my all
When I don't even have it"May narinig akong hagikhik kaya natigilan ako sa pagkanta ng Angel baby with emotions pa, kasi may putanginang kumakatok sa pintuan ko ehh mag 11 na ng gabi.
"Sino Yan! Sagot! Dejoke lang. Sino ba Yan!?" Natatawa kong sabi dahil naiinis ako haystt nag momoment kasi ako ehh tapos may epal!.
"S-si ano si Bryan, buksan mo."
TO BE CONTINUED...
Thank you for reading 🥰.

BINABASA MO ANG
DEFINITION OF MINE
HumorSi Bryan Destua ay matagal nang may gusto kay Stephany Berneza. Ngunit maraming balakid sa kanyang pagmamahal kayat gumawa siya ng paraan para hindi na siya mapigilan. Sa kanyang pagbabalik makukuha kaya niya ang dalaga kung hindi pa ganoong katibay...