"S-si ano si Bryan, buksan mo."
Putangina! Sino!! Tama ba ang narinig ko!? Hoy yawa ano ginagawa nyan dito ehh gabing gabi na!
"A-ah bukas yan, pumasok ka kung gusto mo" Sabi ko habang kinakabahan.
Tumikhim siya at bumukas ang pinto at duon ko naman siya nakita at napanganga ako dahil hindi ko na siya makilala kase nag iba na mukha niya, mukhang naging bigboy siya tapos well defined na ren yung katawan niya. Kapag gumagalaw ay makikita mo ang mga muscle niya na matatambok hahaha.
Naisip ko na lang na OMG hindi na siya payatot at deputa type ko siya hehe ang pogi naren niya, ano ba kase ang kinain niya sa ibang bansa.
"Stephany baka may langaw na pumasok sa bibig mo" natatawa niyang sabi
"I-inaantok na kase ako, kaya tamang hikab lang" pagrarason ko hehe syempre bawal tayong mahuli.
"Bakit ka ba kasi nagpunta dito ehh gabing gabi na, may bukas pa naman kung may gusto kang sabihin" naiinis kong boses.
"May gusto akong gawin ,hindi sabihin" nakangisi niyang sabi kayat tumaas ata lahat ng balahibo ko sa katawan.
"H-haa?"napanganga ako sa sinabi niya.
BRYAN POV
"Hahakdog hahaha, may binili akong mais lumabas kase ako, kakabalik ko lang kaya ayan ibinili kita" gagi cute ng reaksyon nya hahah.
"A-ah ahhh okay, nasaan?" Halatang takam na takam ,parang bata hahaha.
"Heto ohh, nasaan bayad mo?" Ano ba toh lord kung ano ano napasok sa brain ko ,cute nya kase biruin haha.
"A-anong b-bayad?" Namumula siya hala ka Bryan!.
"Kiss" walang emosyon kong sabi para syempre cool tayo
"Kiss mo mukha mo! Umalis ka na nga ,sayo na Yan! Tsk!" Sabi niya sakin with paroll eyes pa, lalo tuloy akong mafafall sa batang toh ehh.
"Joke lang di ka mabiro ahh, eto na ohhh" inabot ko na kay sungit ang kanyang mais hahah. Kinuha niya naman at naupo sa kanyang kama at sinimulan kainin ang mais habang nakatitig sakin.
"B-bakit ka nakatingin?" Tanong ko sa kanya.
"Syempre may mata" sagot niya sa akin na mukhang may galit ata.
Nako sungit mas may galit ako sayo, hindi mo man lang ako inantay, nag boyfriend ka agad, tapos mas close ka pa sa kapatid ko! Bawal Yan! Aagawin kita baby ko.
"Baby galit ka ba? Bakit?" Seryosong tanong ko kay Stephany.
"H-haa?" Nakasimangot na sabi ni Stephany.
"H-haa? Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.
"T-tinawag mo kase akong b-baby." Nakatungo siya habang sinasabi iyon.
"Ahhh namali ka lang siguro ng rinig" pagdadahilan ko.
"Bakit ka nga pala sumama papunta dito, sa pagkakaalam ko ay hindi ka magaabala para I-welcome ako? hahah" Nakatitig lamang ako sa kanyang mukha habang kumakain.
Hindi ako makatingin sa iba pa dahil naka black dress lang siya na pantulog at walang bra, kaya halatang halata yung namimilog niyang babies, pero wala man lang siyang pakialam na makita, nako nako bawal talaga yang bata ka!.
"Ahhh may project kase si ninong sa akin, I'm already architect na and first costumer ko siya, so that's why I'm here to plan everything" sagot niya sa tanong ko at tumayo na siya para itapon ang lalagyan ng mais na nasa paper cup lang.
Hindi ko maiwasan mapalingon sa katawan niya, katamtaman lang ang tangkad niya para sa akin, at fit na fit sa katawan niya ang damit niyang pantulog kayat hulmang hulma ang korteng bote na katawan niya. She has wavy hair too na abot sa kanyang balakang at kasing kinis ng kamatis ang mga balat niya. Kaya syempre akin lang siya.
"Ahhh ganun ba, so may I know bakit gising ka pa at nakanta kanina hahah, I need a lover ka pang nalalaman, ehh bulag ka namang bata ka, pati akala ko may boyfriend ka na?" makilala ko lang talaga yang lalaki mo hindi mo na ulit yan makikita hahaha.
"B-boyfriend? Sino namang nagsabi sayo nyan?" Ani ni Stephany.
"Narinig ko kanina sabi ni brandey" simple kong sagot sa tanong niya.
"Ahhh okay, bumalik ka na sa kwarto mo inaantok na ako!" Inaantok na sabi ni Stephany.
"Totoo ba?" balik ko naman sa kanya.
"Hindi, naniniwala ka kase sa fakenews" Sabi niya habang tinutulak akong palabas ng kwarto niya.
"Good. Akin ka lang baby. Good night " Kinindatan ko siya bago umalis.
"Good mo mukha mo with respect. KUYA BRYAN" mas nilaksan ni stephany ang kuya bryan tsk!.
"I'm only five years older baby, see you tomorrow and please lock your door or I'm gonna sneak there later and sleep beside you."
TO BE CONTINUED.
Thank you for reading my babies🤪.
BINABASA MO ANG
DEFINITION OF MINE
HumorSi Bryan Destua ay matagal nang may gusto kay Stephany Berneza. Ngunit maraming balakid sa kanyang pagmamahal kayat gumawa siya ng paraan para hindi na siya mapigilan. Sa kanyang pagbabalik makukuha kaya niya ang dalaga kung hindi pa ganoong katibay...