UNTIL WE MEET AGAIN, MY LOVE
(version 1)
~one-shot story~A tragic story written by AuthorShie
A short story about a tragic ending of Dominic Perez and Belle Santos-Perez love story.
~~~~~~~~~~BEGINNING~~~~~~~~~~
"Daddy, hurry up! Baka magising na si Mommy!" Dinig kong sambit ng anak ko habang hawak ang mga lobo.
"Heto na anak," natatawa kong sabi sa kanya at dinala na ang cake na binake naming dalawa.
'Hindi halatang excited siya. Hahaha'
Today is my wife's birthday kaya naisipan naming dalawa na i-surprise ang Mommy niya. To be honest, palagi naming sinu-surprise ang bawat isa. Walang okasyon na hindi namin ito ginawa.
Napangiti ako ng malingunan ko ang anak ko na hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mukha. Lalo akong napangiti ng masilayan ko sa kanya ang parehong ngiti nila ng kanyang Mommy.
Bago kami pumasok ng kwarto ni Bella ay sinindihan ko muna ang kandila. Lumingon ulit ako kay Bella at ganoon din siya.
"Ready, princess?" Tanong ko sa anak ko bago ko pihitin ang doorknob.
"Yes, Daddy! I'm million ready po!" Excited na sagot naman ni Bella dahilan para ako'y tumawa.
"Million ready?"
"Yes po, hehehe" she answered then laugh cutely. A lovely sound to my ears.
Dali-dali kong binuksan ang pintuan at kasunod noon ay ang pagkanta ni Bella.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, Happy birthday. Happy birthday, Mommy," kanta ng anak ko ng makapasok na kami.
Mukhang masarap pa ata ang tulog ng reyna namin dahil hindi siya agad nagising. Kaya inihipan ko muna ang apoy ng kandila at nilagay sa coffee table ang cake.
"Mommy happy birthday!" Malakas na bati ni Bella sabay halik sa pisngi ng Mommy Belle niya.
Nagtaka ako ng hindi man lang siya gumalaw sa halik at sa lakas ng boses ng anak namin. Nakakapagtaka na hindi siya magising nito gayung siya ang palaging nauunang gumising sa aming dalawa sa tuwing gigisingin kami ng aming prinsesa.
"Mommy wake up na po! It's your birthday today!" Paggising ulit ng anak namin at niyugyog na ang balikat ng Mommy niya ngunit wala pa ring epekto.
Unti-unti na akong nakaramdam ng kaba dahil hindi man lang gumalaw ang asawa ko. Unti-unti na ring nanlalambot ang mga tuhod ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
"Daddy, bakit ayaw magising ni Mommy?" Naiiyak na tanong ni Bella sa akin.
Ngunit... ngunit hindi ko siya masagot. Labis na ang kaba na nararamdaman ko. Ayaw kong paniwalaan ang nasa isipan ko.
Ngunit nararamdaman ko na ang pagbabadya ng luha ko. Ipinikit ko ang mga mata upang hindi ito matuloy. Labag man sa loob ko pinakiramdaman ko ang pulso ni Belle.
"N-No... no... no... m-my love please w-wake up." Nabasag na ang boses ko.
'Hindi. Hindi 'to totoo. Baka mali lang ang nasalat ko.'
Pinakiramdaman ko ulit ang pulso ni Belle pero bigo talaga akong maramdaman ito. Naisipan ko naman na pakinggan ang tibok ng puso niya. Dahan-dahan kong inilapit sa dibdib niya ang tenga ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko. Para ding akong nawalan bigla ng lakas dahil hindi ko na mai-angat ang katawan ko.
YOU ARE READING
Author Shie ONE-SHOT Story (Random Genre)
RandomThis book is made to compile all my one-shot stories. So expect that every chapters have different plots and random genres too. Each genre has two versions so you won't get hung up on reading. This is just an imaginations of the Author. So any names...