PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA Version 1

17 4 0
                                    

PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA
(Version 1)
~one-shot story~

A tragic story written by AuthorShie


~~~~~♡♡♡~~~~~

Ako po si Marah Cuevas. Nais kong ibahagi ang kuwento ko sa ibang kababaihan na umiibig, na huwag basta-bastang magtitiwala sa mga lalaki.

Hindi porket sinabing mahal ka ay mahal ka talaga. Yung iba dyan pinapasakay ka lang at kapag nahulog ka na, bigla-bigla ka na lang iiwan.

So ito na nga, hindi ko inakalang aamin sakin yung long-time crush ko. His name is Ino Sebastian.

"Marah..." tawag sakin ni Ino.

"A-Ah... Yes?"

"I have something to tell you." bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"A-Ano y-yun?"

"I like you." hindi ko inaasahang sasabihin ni Ino ang mga salitang yun.

Totoo ba talaga 'to? Dati kapag nagpapapansin ako sa kanya parang wala lang. Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na matagal ko nang inaantay. Na aamin din siya na may gusto rin siya sakin.

And doon nag-start na manligaw siya. He always go to our house and bring some flowers and chocolates. Habang ako naman, pakipot lang.

Gusto ko kasing malaman kung hanggang saan ang kaya niya.

Hindi naman ako nagkamali dahil iba siya. And that's the reason why I answer him.

"Talaga!? Tayo na?" tanong niya.

"Yes, bakit ayaw mo ba? Pwede ko namang bawiin kung-", hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"No, hindi lang ako makapaniwalang tayo na. I waited so long for this time na sagutin mo ako, and finally natapos din yun. Thank you so much, Marah." hindi ko inakala na ganon pala ang nararamdaman niya. And Im also thankful kasi naghintay siya ng matagal para lang makuha ang matamis kong "Oo".

As boyfriend, mas lalo siyang naging sweet. Palagi na niya akong sinusundo sa school, palagi rin kaming kumakain sa labas or watching
movies.

Naging masaya ang mga lumipas na panahong magkasama kami. Ngunit naglaho ang lahat ng yun dahil sa isang pagkakamaling hindi ko alam ang dahilan.

Naging cold siya sakin. Hindi na rin niya ako sinusundo sa school. Kapag nagyaya naman akong lumabas para kumain or manood ng sine, palagi niyang dinadahilan na may gagawin pa siya or wala siya sa mood. Ang Ino na nakilala at minahal ko ay bigla na lang maglalaho ng hindi ko namamalayan.

Sa kagustuhan kong malaman ang dahilan, isang gabi habang pauwi ako galing sa school, nakita ko si Ino. Sinundan ko siya. Nakita ko na pumasok siya sa isang convenient store.

Nagmadali akong lumakad at pagpasok ko, hinanap ko agad siya. Nang mahagip siya ng mga mata ko. Naglakad akong muli.

Bigla akong natigilan dahil sa nakita ko. May kayakap siyang ibang babae at ang masama pa doon. Nakita ko ulit ang Ino na nakilala ko noon.

Gusto ko nang lisanin ang lugar na yun ngunit ayaw gumalaw ng mga paa ko. Gusto ko mang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo pero hindi ko napigilan.

Lalo akong nawalan ng sigla dahil sa ginawa ni Ino sa babae. Hinalikan niya ito. Kahit saglit lang yung halik na ginawa niya parang bigla na lang akong nanghina. At mas lalong lumakas ang daloy ng luha ko.

Dahil sa sakit na nararamdaman ko umalis na ako at umuwi. Sa bahay ko iniiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko. Feeling ko anytime I will collapse dahil sa nahihirapan na akong huminga.

Parang gusto ng sumuko ng puso ko sa pagtibok para hindi ko na maramdaman yung sakit. Pero naalala ko ang pamilya ko. Mag-aalala sila kung ganito ang sitwasyon ko. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kakayanin kong maging matatag.

Kailangan kong malaman ang katotohanan kung bakit niya ginawa ang bagay na yun at sino ba ang babae na yun.

Ilang oras na akong naghihintay kay Ino dito sa park kung saan ko siya sinagot. Pagkalipas ng kalahating oras, dumating na siya pero laking gulat ko nang makitang kasama niya yung babae.
Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko at naging matatag ako.

Nag-usap-usap kaming tatlo at nalaman kong totoo ang naiisip ko. May iba na pa lang nagpapasaya sa taong mahal ko.

Di ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay pagkatapos kong malaman ang katotohanan. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa mommy ko. Iyak lang ako ng iyak. At tumigil lang ang pagtulo ng luha ko nang wala na akong mailabas.

Ikinuwento ko ang lahat ng nangyari kay mommy. At hindi ko na naman napigilang lumuha.

"Alam mo sweetie, marami ka pang hindi alam sa pag-ibig. Napakahiwaga nito. Hindi mo alam kung ano ang susundin mo. Isip ba o ang puso mo. Mahirap unawain kung totoo ang ipinapakita ng isang tao. Kaya maging mapanuri ka kung totoo ba o hindi." payo ni mommy at iniwanan na akong mag-isa sa kwarto ko.

Tama si mommy. Hindi ako nag-isip ng mabuti kaya nangyari ang lahat ng 'to. Siguro hindi nga siya ang para sakin. Hindi siya ang makakasama ko habang buhay. Hindi siya ang nararapat para mahalin ako.

When I encounter that event in my life, I realize that its not easy when its come to love. Hindi madaling magtiwala sa taong matamis kung magsalita. Sabi nga nila, hindi mo kailangang magmadali para sa pagmamahal. Darating din ang tamang panahon na makikilala mo ang tunay na itinadhanang magmamahal sayo.
And this is the story of my first love.

Marah Cuevas POV
By Shi Ma Ha Co

~~~~~~

Author's Message:
Hi guys!!! Sana nagustuhan niyo po ang short story na ito. Sorry kung medyo magulo and kulang sa details. Yung idea po galing sa kaibigan ko. Salamat sa lahat ng makaka-appreciate.😊

Author Shie ONE-SHOT Story (Random Genre)Where stories live. Discover now