Chapter Four

38 2 0
                                    

Countdown

CYRA

Napahinto ako sa pag-iimpake nang marinig ang pagbukas ng pintuan. I took a glance at the door and saw Sage. May sampa siyang sako sa likod niya at may bitbit na mga sanga ng puno sa isa pa niyang kamay. Hindi na siya nag-abalang tumingin sa akin o sa mga magulang namin at dumiretso lang ng lakad papunta sa kusina.

I pinched my fingers hard before looking down to my clothes. Well... Sage's clothes. This will be the only bag she'll bring to Levaerun. What's inside must be more than essential. These will be the only things that will keep us connected.

"Cyra..."

Napalingon ako kay nanay. Binigyan niya ako ng ngiti bago sinenyasang lumapit sa kanya. I put down everything I'm holding and went to her.

"The Selection will start an hour from now..." sambit niya bago inabot ang dalawang kamay ko. Mahigpit niyang hinawakan ang mga iyon. "Siguraduhin mong tutupad iyang kapatid mo sa usapan ninyo. Hindi niya pwedeng aksayahin ang pagkakataon na ito."

I sighed. "For the record, Sage never agreed to this..." I whispered. "But she'll do it."

"Alam kong gagawin niya. Ang tanong, kaya niya ba? She's reckless enough to ruin our plans. One wrong move in Levaerun..."

Umiling ako. "Gagawin niya ang lahat ng sasabihin ko." walang pagdududa kong sagot. "Sage is fearless. She can do anything. Sisiguraduhin ko lang na tama ang mga ginagawa niya."

"You better will, Ceraena. You know you're the only hope left for Xinthra." she said then touched my cheek. Tinitigan ko lang ang mukha niyang nakangiti na para bang hindi na makapaghintay na umalis ako para sa trial. The look of a mother. How lovely.

Humakbang ako papalayo sa kanya at sinundan ang direksyon ni Sage.

Naabutan ko siya sa likod ng bahay. She's currently sharpening one of her wooden knives again.

"Aalis na ako," sambit ko ng makalapit sa kanya.

Nag-angat lang siya ng tingin sa akin bago binalik ang atensyon sa ginagawa niya.

"The trial will end tomorrow morning. You need to be ready. Wait outside the building where we'll be staying. Wear the clothes I left in the bed. Makakagalaw ka ng maayos kapag iyon ang ginamit mo... Makakatakbo ka kapag may nakakita sayo." sunod-sunod kong paalala.

"Magkita tayo sa ikalawang sasakyan sa parking lot malapit sa building. Siguraduhin mong walang may makakakita sayo... Sage, are you even listening?"

Napalingon siya ulit sa akin na parang hindi niya alam ang sasabihin. Alam kong ilang beses niya akong tinangkaang pigilan, pero sa pagkakataong ito, wala na kaming magagawa pa. At mukhang sumuko na rin siya sa pag-asang magbabago pa ang isip ko. I have no doubt that I will pass the trial. What happens after that is what she fears. Both of us will completely be separated.

We have never been apart before. From our mother's womb until now, we've been working together to survive. I always knew that convincing her to be sent in Levaerun would be hard.

"If you get to Levaerun, you'll never have to suffer again, Sage. Naghihintay sayo roon ang magara at matiwasay na pamumuhay--"

"Oh, please..." she laughed forcedly. "Alam nating dalawa na mananatili lang ako doon bilang kapalit mo." Matigas niyang sambit.

"And besides... For people like me, there's no such thing as a peaceful life."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean by that?"

MachiavellianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon