"𝖫𝖾𝗍 𝗆𝖾 𝖻𝖾 𝗍𝗁𝖾 𝗈𝗇𝖾 𝗍𝗈 𝖻𝗋𝖾𝖺𝗄 𝗂𝗍 𝗎𝗉
𝖲𝗈 𝗒𝗈𝗎 𝖽𝗈𝗇'𝗍 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝗍𝗈 𝗆𝖺𝗄𝖾 𝖾𝗑𝖼𝗎𝗌𝖾𝗌"(posted on Udishia Xyrine Vriatrus’ facebook— my old rp/writing account )
Alam ko namang gusto mo ng tapusin ’di mo lang masambit,
dahil alam mong masakit
pero ako na mismo ang tatapos.Alam kong nahihirapan ka
alam kong pagmamahal mo'y nawala na,
alam kong hindi na ako
at kailan man ay di na magiging ako
Kaya’t paalam na,
isarado na natin ang libro,
tapos na ang istorya natin.gumising na tayo
sa panaginip na kay ganda
umaga na pala, di na natin namalayandi mo na ako kailangan,
buwan mo'y mamamaalam na.
salamat sa lahat,
ako na ang tatapos
para di ka na mahirapan pa.Paalam aking buwan,
hanapin mo ang araw mo
ayy, nahanap mo na nga pala.
Masaya na nga pala kayo
kaya hanggang dito na lang.
tatakbo palayo sa'yo
pangarap at pangako
ay itatapon na
’pagkat, di ka na sa ’kin.
Paalam.
&&. Tchr Llyn | 03.02.21
BINABASA MO ANG
SALITAAN- 'sing kalat ng mga ulap
PoesíaMga tula o talata na isinulat simula 2021 hanggang 2022. Tula at talata na minsan masaya, minsan masakit, madalas para sa sarili. Minsan rin para sa taong nakilala lamang. Gusto mo ba akong makilala noong mga panahong iyon? Ito ang daan...