" Siguradong sigurado Ayesha! Mahal kita Ayesha at ikaw ang gusto kong makasama sa buhay ko. Manhid ka lang kaya hindi mo mahalata na noon pa man ay gusto na kita! Magmula ng gabing yon napagtanto ko na gusto kita hanggang sa nagising na lang ako isang araw na mahal na pala kita dahil nung mga panahon na iniiwasan mo na ko nakaramdam ako ng kahungkagan na isipin ko pa lang na lalayuan mo ko sumisikip na ang dibdib ko.
Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko Ayesha. Kumukuha lang ako ng tyempo upang makapagtapat sayo ng tunay kong nararamdaman para sayo. And i think, that this is the right time! I love you Ayesha Madrigal! Mahal kita!." pag amin pa ni Nathan sa kanya. Nailapat ni Ayesha ang kanan niyang kamay sa kanyang bibig sa gulat sa sinabi ng lalaking ama ng kanyang ipinagbubuntis."Alam kong gusto mo rin ako Ayesha at hindi mo naman maipagkakaila pa ang bagay na yon dahil sayo na rin nang galing na sa halik ko pa lang ay nadarang ka na! Narinig kong sinabi mo yon!. May patunay pa nga, Ang gabing nangyare sa atin. " malamyos na saad ni Nathan sa kanya.
" Kahit na pa nga sinasabi mo na masungit ako. Alam kong attracted ka sa akin. Hundreds percent sure naman na rin ako sa nararamdam ko for you Ayesha. Mahal kita. " saad ni Nathan na muling sinulyapan ang sonogram result ng pagbubuntis nya na ngiting ngiti.
" Paano kung ayawan ako ni Senyora na makatuluyaan mo? Baka hindi sila pumayag na maging asawa mo ko Nathan. Hindi kami mayaman katulad nyo. Kasambahay nyo lang ako rito. Hindi ako nababagay sayo Nathan. " tanong muli ni Ayesha. Dahil baka hindi sya matanggap ng parents ni Nathan dahil mahirap lang sya.
" Napag usapan ka na namin ni Mommy at hindi sya hahadlang sa atin mahal ko. Sinabi ko kay mom na gusto kita ng minsan kausapin nya ko tungkol sayo. Nahahalata nya raw ang ma kilos ko. Hindi ko man sabihin sa kanila ramdam niyang may pagtingin ako sayo. Ikaw lang talaga ang manhid dahil hindi mo man lang inisip lahat ng effort ko para sayo. " ani ni Nathan na hinawakan ang kanyang mga kamay at pinisil pisil pa nito.
" Alam mo bang anak si Mommy ng isang katulong. Ang lola ko ay isa ring kasambahay noon na pinakasalan ng amo nya. Kaya may soft spot si mommy sa mga kasambahay. May pagkakataon ba na napagalitan kayo ni mom o inapusta nya kayo dahil sa katulong lang kayo rito sa mansyon? Wala di ba!? Mabuting ina at tao si Mommy kaya wala kang dapat na ipangamba. Si Dad naman matanda na at mahina kaya hindi na makikialam pa sa desisyon namin magkakapatid dahil malalaki na kami.
At kung sakaling tumutol man sila sa pagmamahalan natin handa akong iwan sila. Makasama lang kita Ayesha at ang ating magiging anak. " pagbibigay assurance ni Natin sa kanya na no matter what happen ay hindi ito papayag na mawala sya at siya ang pipiliin ng lalaki.Itinaas ni Nathan anga dalawang kamay ni Ayesha na mahigpit pa rin nitong hawak at itinapat sa labi nito na matagal na idinampi ang labi roon at mataimtim na pinakatitigan siya sa mata at tipid na napangitii ang dalaga.
" Tara! Magbihis ka aalis tayo! " aya ni Nathan kay Ayesha.
" Bakit saan naman tayo pupunta!? "
" Sa Judge na kaibigan ni Daddy. Magpapakasal na tayo ngayon din! Wag ka mag alala pangako pakakasalan din kita sa simbahan sa ngayon sa judge na muna. " pahayag ni Nathan.
" Sandali lang naman! Hindi naman kita tatakbuhan ah! Grabe ka naman kung magmadali Mr. Sungit. " angil ni Ayesha.
Lumawak ang pagkakangiti ni Nathan at lumapit kay Ayesha at bumulong sa tainga ng dalaga.
" Hindi na ko makapaghintay na makatabi kang muli sa kama mahal ko! " bulong ni Nathan sa kanya na nakapag pamula ng kanyang mukha dahil biglang nag init ang magkabilaan niyang pisngi.
"He! Nakakainis ka Nathan.Tumigil ka nga diyan " sabi nya sabay hampas sa braso nito na ikinayakap naman ni Nathan mula sa kanyang likuran at hinagkan ang balikat niya.
BINABASA MO ANG
A Night with Mr. Sungit
RomanceIsang dalagang probinsyana na namasukang kasambahay, upang makatulong sa pagpapagamot sa inang may sakit. Ulila na rin sa ama at may pinag aaral na dalawang kapatid. Magkaka crush sa anak ng amo nya na napaka sungit. Na isang gabi na nalasing ang b...