Chapter 2

16 0 0
                                    

Ilang araw ang lumipas na hindi umuwe ng mansion si Nathan dahil alam nyang hindi komportable si Ayesha na nakikita sya nito.

Nang araw na mapilayan ang katulong nila ay kinausap nya si Manang na wag na muna pakilusin o pagtrabahuin si Ayesha na ikinapagpasalamat naman ni Manang Lilia ng pahanapin niya ito ng isa pang pwede nilang maging kasambahay na makakatulong sa mayordoma, habang nagpapagaling pa ng pilay si Ayesha.

Nalaman din kase nila na may sakit pala si Rose kaya si Ayesha ang naglinis ng kwarto ni Nathan na alam nilang si Rose ang nakatoka sa gawaing yon. Sinabi rin niya kay Manang Lilia na sya na ang bahala na makipag usap sa kanyang mama na alam naman nila mauunawaan ng kanyang ina dahil mabait naman ito sa kapwa.

Pumasok sa isip nya na kung hindi nya pinagmadali sa paglilinis si Ayesha ay hindi naman siguro madudulas ito at mapipilayan kaya sa isang banda sa isipan nya ay parang na guilty sya sa nangyare sa babae.

Nasa loob sya ng opisina nya ng pumasok ang kuya niya na hawak ang isang envelop.

" May panibagong bidding tayo na sasalihan pag aralan mo yan at isubmit mo sa akin after a week. " ani ng kuya Joshua nya.

" Bakit mo na naman sa akin pinapagawa yan may naka pending pa kong mga papers. Kay Louie mo na lang iyan ipagawa kuya Joshua. " ani ya sa nakakatandang kapatid.

" May naibigay na kong project kay Louie at urgent yon kaya hindi nya maasikaso to! At ikaw ang expert sa ganito Nathan kaya nga sayo ko ipinagkakatiwala to!." saad ng kapatid nya sa kanya.

" Fine! Ako na ang gagawa. May kailangan ka pa!? " seryoso niyang tanong.

" Tumawag si Mama pinapauwe tayo sa sabado kaya kung may lakad ka icancel mo na! Kayo pa rin ba ni Abegail!? "

" Matagal na kaming wala! Bakit mo naman naitanong? "sabi nya na mataman siyang pinakatitigan pa bago siya sagutin.

" Nakita ko kase siya sa isang restaurant na may ka date. May kasama kase siyang lalaki at mukhang masaya si Abegail na kasama yung guy." pahayag pa ng kuya Joshua nya sa kanya.

" May sasabihin ka pa ba? Aalis na muna ako. May gagawin lang akong importante sa labas. " ani ni Nathan sa kuya niya.

" Wala naman na! Go, basta yang pinapagawa ko sayo asikasuhin mo ha!. " at lumabas na ng opisina nya si Joshua.

Tumayo sya at humarap sa glass wall na nakapamulsa ang dalawa nyang kamay.

Si Abegail Martinez ang girlfriend nya ng 2 years mahigit, na nakipag break sa kanya dahil ang sabi sa kanya ay hindi na raw ito masaya sa relasyon nila. Minahal naman niya si Abegail bilang nobya pero hindi pa sya handa na magpakasal na palaging iniuungot sa kanya ng babae noon kaya nilimitahan na niya ang pakikipagkita rito hanggang sa nakipag break na nga sa kanya si Abegail. Dahil sa pride bilang lalaki ipinakita nya na okay lang sa kanya ang pakikipaghiwalay nito sa kanya pero sa isang banda ay umaasa siya na babalikan din siya ni Abegail na baka nagtampo lang ito kaya nasabi ang bagay na yon sa kanya.

Sa nalaman nya sa kapatid ay mukhang malabo na nga na magkabalikan pa sila ng dating nobya.
Pinatay nya ang computer nya at isinuot ang tuxedo nya sabay labas sa kanyang opisina.

" Sir, aalis na po kayo? Babalik pa po ba kayo o hindi na? " tanong ng secretary nya.

" Hindi na! " sagot nya at nag diretso na ng lakad palabas ng kompanya.

Nagmaneho si Nathan hanggang sa makarating sya sa club ng kaibigan niyang si Paul.

" Ang aga mo ah! May problema ba? " bungad sa kanya ni Paul na may ari ng club.

" Bigyan mo na muna ako ng whiskey bago mo ko interview-in Paul. " asik nyang saad sa kaibigan.

" Ang init ng ulo mo! Bryan isang bote ng whiskey nga rito." utos ni paul sa waiter na namataan nito.

" Oh ayan na whiskey mo! Anong nangyare bakit gusto mong magpakalango sa alak? " curious na tanong ni Paul sa kanya na tingnan lang nya ang kaibigan at nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok muna bago naglabas ng sama ng loob sa kaibigan.

Sinabi nya kay Paul ang nalaman nya sa kuya Joshua niya. " Mahal mo pa ba o baka naman kaya ka nagkakaganyan dahil pakiramdam mo natapakan ang pagkalalaki mo!? Kase kung mahal mo talaga si Abegail hindi mo matitiis na magkahiwalay kayo ng ilang buwan pinagdaanan ko na yan hindi ko kaya na mawala sa tabi ko si Clarisse. "

" Pride at Ego lang yan Nathan hindi mo pa nakikilala ang babaeng aalipin sayo pagdating sa pag ibig. Diyan ka na muna at maghinay hinay ka sa pag inom mag da drive ka pa pauwe." pagkokomento ni Paul sa kanya.

Ilang oras pa siyang nanatili sa club hanggang sa maubos nya ang isang bote ng whiskey at naka inom pa sya ng limang bote ng beer.

" Ipapahatid na kita Nathan lasing ka na baka mapa ano ka pa sa sa pag da drive mo." ani ni Paul na tinawag ang isang waiter nila na alam nyang marunong mag drive.

" Pakihatid mo si Nathan sa address na ito at mag taxi ka na lang pabalik kapag naihatid mo na sya." utos at bilin ni Paul sa waiter nya.

Nang makarating sa address na ibinigay ni Paul ay agad na nag doorbell ito at si Mang Jun ang nagbukas ng gate at dahil gabi na tulog na ang ilan sa loob ng bahay pero si Ayesha ay gising pa ng mga oras na yun kaya sa kanya nagpatulong si Mang Jun na dalhin si Nathan sa kwarto nito.

Iniwan ni Mang Jun sa kanya si Nathan dahil kailangan daw nitong bumalik sa pwesto nito sa gate at baka may dumating. Kaya walang nagawa si Ayesha kundi asikasuhin si Nathan na mag isa.

" Kase naman iinom inom di naman pala kaya ang magpakalasing. Badtrip ka talagang sungit ka.eh! " pagkausap nya pa kay Nathan na akala nya ay hindi na siya maririnig nito dahil akala niya ay tulog na rin ito.
" Shinong mashunget ha!? " sagot ni Nathan sa kanya na lasing na lasing na parang nakatulog na ata dahil bigla na na naman tumahimik.

" Ikaw! Wala naman ibang masungit at suplado rito kundi ikaw lang. Pero infairness ang cute mo talaga sa malapitan Sir Nathan lalo na kapag tulog ang gwapo mo pala talaga! " wika nya sa tapat ng mukha ni Nathan na biglang dumilat at hinalikan ang labi nya nanlaki ang mata ni Ayesha sa ginagawang paglaplap ni Nathan sa labi nya hanggang sa tumugon na sya sa halik ng binata at tuluyan na siyang nadarang hanggang sa maibigay nya na ang iniingatan niyang pagkababae rito. Na habang magkaisa ang kanilang katawan ay narinig nya pa ang sinabi nito sa kanya na I like you. Tuluyang nakatulog si Nathan pagkatapos ng kanilang pagniniig.

Nawala ang iniingatang pagkababae ni Ayesha kaya sinisi nya ang sarili dahil naging marupok sya sa halik lang ni Nathan sa kanya.
" Nakakahiya ang nangyare! Anong gagawin ko ngayon? sana hindi maalala ni Sir Nathan ang namagitan sa amin pag gising nya. Ano ba kase tong nagawa ko ang tanga mo Ayesha ang tanga mo talaga! " sabi nya sa sarili.

Inayos nya ang sarili atsaka sya lumabas na ng kwarto ni Nathan.

Hindi rin agad nakatulog magdamag si Ayesha dahil sa iniisip nya ang maaring mangyare pag nagising na si Nathan. Panay ang hiling niya na wala sanang maalala ang kanilang senyorito.

Nagising si Nathan ng tanghali na dahil wala naman pasok sa opisina ay hindi na siya pinagising ng kanyang ina ng malaman nitong umuwe ng lasing si Nathan.

" Ang sakit ng ulo ko! " iminulat nya ang mata at tinignan ang paligid ng kwarto at napagtanto niyang nasa kwarto nya sya sa mansion.

Pumikit siyang muli at pinilit alalahanin ang nangyari kagabi dahil hindi nya matandaan kung paano siya nakauwe sa mansion nila.

Hanggang sa may pumasok na imahe ng babae sa isipan nya na may kaniig sya kagabi. Pero malabo sa ala ala nya ang mukha nito. Umayos sya ng upo sa kama at hinawi nya ang comforter na nakatakip sa katawan nya. Wala siyang ni isang saplot sa katawan at napansin nya ang mantsa ng dugo sa kobre kama ganon din ang alaga nya na may natuyong bahid ng dugo kaya nakakasigurado na sya na may nakaniig nga sya bago sya tuluyan nakatulog at birhen ang babaeng kasama nya kagabi.

A Night with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon